Chapter 14

12 0 0
                                    

Naging tahimik ang kabahayan nang i-lock ko ang gate ng bahay. Lulan ng sasakyan ay tuluyan nang nakaalis si Rave sa bahay.

Agad sumilay ang ngiting makahulugan sa labi ko. "Yes! Finally," pagbubunyi ko.

Masaya akong naglinis sa labas ng bahay. Sa may gilid ng bahay ay may hindi naasikaso na old garden. Malinis man si Rave sa bahay at kagamitan ay mukhang wala siyang pagmamahal sa mga halaman.

Napapalatak ako at umiiling-iling. "Kailangan kong bigyan ng magic ang garden na 'to. Hmm..." Napangalumbaba ako at napaisip.

Pagkatapos niyon ay nagsimula na akong magtanggal ng mga damo at mga tuyong dahon ng puno na nasa may pagilid lang. Tinanggal ko ang mga sirang gulong at ibang bitak ng semento na naroon. Lahat ay nilagay ko sa mga bakanteng sako. Sa sobrang bigat ng mga ito ay halos manakit na ang likod ko sa kaaalsa ng mga ito.

Nang malinis ko na ang lahat ay nagsimula na akong magbungkal ng lupa. Bukas ay manghihingi ako ng pambili ng ilang pots at seedlings kay Rave.

Nakaka-excite tuloy na mabigyan ko ng buhay ang parte na ito ng bahay ni Rave. Gusto ko nang umpisahan. Kung may pera lang ako ay tiyak kanina pa ako magsimulang mamili.

Pagkatapos kong maglinis ay napaupo ako sa may entrance door at napatingala sa langit.

Mukhang nahapunan na ako sa paglilinis. Hindi ko namalayan ang oras. Nagbabadya na rin ang ulan. Nagdidilim na ang kalangitan.

"Kumusta na kaya si Yen-yen? Nami-miss ko na ang anak ko. Kapag ganitong ulan, siguradong matutuwa iyon..." anas ko sa aking sarili.

Minabuti ko na lang na pumasok ng bahay at isarado ang mga bintana at pinto.

Naalala ko na may bagyo pala na magla-landfall sa lugar na ito. Kailangan ko nang ihanda ang kailangan ko.

Pagkatapos niyon ay agad akong nagtungo sa kusina. Binuksan ko ang lahat ng mga aparador at drawers para naghanap ng kandila o emergency lights.

Natagalan pa ako sa paghahanap dahil wala ni isa sa kusina ang mayroon.

Sinubukan ko sa ibang kwarto. Sa salas ay wala rin. Pagkabukas ko ng utility room ay doon ako nakahanap ng emergency light. Kaso wala pa rin akong nahanap na kandila.

May nakita rin akong isang bote ng gas doon. Napangiti ako at kinuha iyon. Naghanap ako ng garapon at doon nagsalin ng gas na lampas sa kalahati ang dami. Kumuha din ako ng lumang tela, ginupit iyon, at nilubog ang isang bahagi sa gas. Ang kabilang dulo ay kinabit ko sa gitnang butas na ginawa ko sa latang takip nito.

Narinig ko na ang malakas na bagsak ng ulan. Sinamahan pa ng malakas na hangin na humahampas sa kabahayan.

"Diyos ko! Sana ligtas ang anak ko. Si Rave kaya... nakarating na kaya siya sa pupuntahan niya?" nag-aalala kong tanong sa aking sarili.

Kabadong inilagay ko ang mga kailangan ko patungo sa salas. Doon ay naupo ako sa one-seater na sofa at naghintay.

Sobrang lakas ng ulan. Sinamahan pa ng malakas na hangin na animo'y gigiba ng kabahayan sa paligid. Nagsimula na ring kumulog. Napapatalon pa ako dahil sa gulat.

Niyakap ko ang sarili ko. "Diyos ko, 'wag N'yo akong pababayaan..." piping dasal ko. Niyakap ko ang emergency light.

Maya-maya pa ay sabay-sabay na namatay ang lahat ng ilaw sa kabahayan.

"Ay tipaklong!" Napasigaw na naman ako. Tarantang binuksan ko ang emegency light. Malakas ang liwanag na binibigay nito kaya halos walang pinagkaiba sa ilaw sa kwarto ko. Inabot ko ang igniter sa mesa at sinindihan ang gasera na ginagawa ko.

Huminga ako nang malalim at naghintay ng oras.

Hindi ko maiwasang kabahan. Ano na kaya ang nangyayari kay Rave? Gusto ko siyang i-text. Gusto kong malaman kung nakarating siya nang maayos doon sa pinuntahan niya. Nataon pa talaga na ako lang mag-isa rito sa loob ng bahay. Hindi ko nga alam kung magaling lang bang tumayming si Rave o sinadya niya ito. Natatakot na talaga ako.

Sanay ako sa ganitong mga sitwasyon, pero ito ang pinaka unang beses na nakaramdam ako ng takot para sa sarili.

Nakakatakot dito sa loob ng bahay. Habang naririnig ko ang nagngangalit na panahon ay hindi ko maiwasang mapahikbi.

"Yen-yen..."

Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ng maid uniform ko. Ngunit ganoon na lamang ang panlulumo ko nang makitang hindi na ito bumubukas.

Shit! Nalimutan ko pa ngang mag-charge.

Sinubukan kong maghanap ng powerbank. Pumunta rin ako sa kwarto ni Rave ngunit wala talaga akong mahagilap.

Wala sa loob na napabuwal ako sa sahig at humagulgol.

Hindi ko mako-contact ang anak ko. Wala akong kahit isa na mako-contact.

Diyos ko!

Patuloy lang ako sa pag-iyak. Sa kawalan ng pag-asa ay nilukuban ako ng takot. Hindi naman sana ako matatakutin sa kulog at kidlat.

Pero ito ang unang beses na natakot ako. Natatakot ako na baka hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon na makita muli ang anak ko. Dapat naroon ako sa tabi niya. Dapat ay yakap-yakap ko siya habang pinapanood namin ang ulan.

Pero ngayon, malayo ako sa kanya. Ni ang tawagan siya ay hindi ko magawa.

Napakawalang kwenta kong ina. Wala akong magawa para sa kaisa-isa kong anak.

Wala sa loob na napayakap ako sa emergency light na hawak ko. Iniisip ko na si Yen-yen iyon na niyayakap ko.

"Miss na miss na kita, anak. Miss na miss ka na ni Mama..." patuloy kong hagulgol.

Hindi ko namalayan na bumukas na pala ang pinto sa entrance door.

Unti-unti akong napalingon doon. Pumasok ang malakas na hangin at ulan ngunit mabilis ding natapos nang isaradong muli ng bagong dating ang pinto.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang basang-basang bulto ng katawan ni Rave. Hingal na hingal siya at naliligo sa tubig-ulan.

Hilam sa luha akong napatingin sa kanya. Mababanaag sa kanyang mga mata ang pinaghalong pag-aalala at kalungkutan.

"R-Rave..."

Wala akong nakuhang ibang reaksyon sa kanya. Agad siyang lumuhod sa harapan ko at mabilis na kinabig patungo sa kanyang bisig. Niyakap niya ako nang mahigpit. Ramdam ko ang basa niyang damit at balat.

"I thought something bad happened to you. Thank God!" bigla ay bulong niya sa akin. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.

Damang-dama ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Nanginginig na siya. Marahil ay dahil sa malamig na tubig ulan.

"S-sir? Bakit po kayo bumalik?" sa wakas ay naisatinig ko iyon. "Akala ko po ba—"

"I came back as soon as the rain dropped," maagap niyang sagot sa akin.

"Pero bakit po? Akala ko po ba may pupuntahan kayo? Baka po ma-late kayo..."

"Fuck that meeting! Hindi na ako pupunta doon."

"E, bakit nga po? Meeting 'yun. Baka po mapagalitan ka."

"I don't care. As long as you're safe, Lena. I don't give a fuck if the investor would back out. Hindi kita pwedeng pabayaan na lang dito..." rason naman niya.

Tila nangamatis ang mukha ko. Bahagya ko siyang itinulak at napaangat ng tingin sa kanya.

Tiningnan niya rin ako nang seryoso. Maya-maya pa'y naramdaman mo na lang ang mainit niyang hinlalaki sa ilalim ng aking mga mata. Pinupunasan ang mga luha ko.

"Stop crying, Lena. Nandito na ako. I won't leave you..." bulong pa niya.

Pinamulahan agad ang dalawang pisngi ko.

Ito ang unang beses na may pakialam sa akin ang isang Earl Raven Fortaleza after all these years na puro galit at pagkamuhi lang ang nadarama ko sa kanya.

Savored (Victoria City Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon