Chapter 20

13 0 0
                                    

Nanubig ang mga mata ko ngunit hindi ako makagalaw. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak sa hamba ng pintuan.

"It's just a fucking one-night stand, Ally..." Iyon ang mga katagang paulit-ulit na umuugong sa tenga ko. Papasok na sana ako sa loob ng condo ni Rave ngunit bigla ako napatigil nang makarinig ako ng komosyon mula sa loob.

May naririnig akong babae na umiiyak mula sa loob. Ang totoo niyan ay wala na akong maintindihan sa mga nangyayari. Unti-unti nang nanlalabo ang mga mata ko. Wala sa loob na napahawak ako sa aking tiyan.

Simula noong araw na iyon ay nagising ako mula sa isang panaginip. Isang panaginip na inakala kong maganda at makatotohanan. Ngunit nagkamali ako.

Simula noon ay ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako kailan man babalik sa lugar na ito. Hinding hindi na ako magpapakita pa sa kanilang lahat. Sa lahat ng umalipusta at nanakit sa akin.

Ito lang ang pinaka magandang paghihiganti ko sa kanila. Ang malaman nilang ang isang tulad ko ay hindi nage-exist sa mundong kanilang ginagalawan...

Mabilis kong tinulak si Rave nang matauhan ako sa kahibangan na ito. Dahil sa hindi niya inasahan ang pagtulak ko ay bahagya siyang lumubog sa tubig bago nakaporma nang maayos. Ako naman ay mabilis na umahon mula sa swimming pool at dire-diretsong pumasok sa bahay.

Mabilis akong naligo sa CR sa loob ng kwarto ko. Doon ay bumalisbis ang aking luha habang nasa ilalim ng shower.

"Ang tanga-tanga mo, Leen! Ang tanga-tanga mo!" ilang beses na sigaw ko sa aking sarili habang pinupukpok ang aking dibdib.

Nanunumbalik ang lahat ng sakit na inakala kong nakabaon at hindi na muling uusbong. Ngunit sa isang beses lang na panghihina ko ay kay bilis ding natibag ng pader na ginawa ko sa paligid ko. Nagpakahina ako sa harapan niya.

Ang hapdi pa rin pala. Sobrang sakit na halos ikamatay ko na ito. Ang inakala kong anim na taon na napagtagumpayan ko ay isa pa rin palang sariwang sugat na kailan man ay hindi naghilom.

Inis na inis ako sa sarili ko. Hindi ko naman ginusto na bumalik dito. Hindi ko ginusto na buksang muli ang buhay ko para sa lugar na ito. Pero wala akong magawa. Kailangan kong gawin ito para sa anak ko. Siya na lang ang mayro'n ako. Ngunit dahil sa nangyari ay tila mapapabilis na ang pag-alis ko sa tahanang ito.

Ilang minuto ako sa loob ng CR na walang ginagawa kundi ang tumunganga. Saka lang ako kumilos nang makaramdam na ako ng pangangatog. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako.

Laking pasasalamat ko naman na hindi ako binagabag ni Rave. Hinayaan ko muna ang sarili na magkulong sa kwarto. Hindi ko pa kasi alam kung paano ko haharapin si Rave. Pagkatapos ng eksena sa pool ay hindi ko alam kung paano pa siya pakikitunguhan.

Hindi ko dapat ipakita sa kanya ang ganitong hitsura ko. Hindi ako si Leen sa paningin niya kundi si Lena na isang katulong at hindi kagandahan na babae.

Hinintay ko ang oras ng pagtulog ni Rave. Sinakto ko ang paglabas pagkatapat  ng kamay sa ala una ng madaling araw. Maingat akong lumabas ng kwarto.

Nakahinga ako nang maluwag nang mapansin ang katahimikan ng paligid. Pumanhik ako ng hagdan at dumiretso sa kusina. Akma akong magbubukas ng ref nang may isang kamay na biglang humarang sa akin.

"Finally, you came out..."

Napasinghap ako nang mapagtantong nasa harapan ko na si Rave. Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang napanganga sa pagkagulat.

"Are you done hiding from me, Lena?" patuloy niyang tanong.

Napaiwas naman ako ng tingin. "A-akala ko po kasi nakatulog na kayo..." pagsisinungaling ko.

"Kanina pa ako naghihintay rito. Do you actually think na makakatulog ako after what happened?"

Mas lalong nag-init ang pisngi ko. Bakit kailangan niyang maging prangka at ipaalala iyon? Hindi pa ako handang pag-usapan ito.

"We need to talk about what happened..."

"Sir, ako na po ang magso-sorry sa nangyari kanina," bigla ay singit ko.

Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. "Ano?"

"Sir, mahal ko po ang trabaho ko. Kaya kung ano man po ang nangyari kanina ay ituturing ko lang po na aksidente," pinal na sabi ko.

Napabuga siya ng hangin at napatawa nang pagak. "So, are you saying that we should forget about what happened?"

Tumango naman ako. Ipinakita ko sa kanya ang isang mukha na hindi apektado. Ngumiti ako sa kanya nang kaswal. "Opo, Sir. Hindi ba't ito naman po ang rules? Hindi po ako pwedeng ma-in love sa'yo. Isa pa, hindi po talaga pwede, Sir. May asawa ako, hindi ba? Ayaw kong maging isang taksil sa kanya. Kailan man ay hindi ko inisip na gawin iyon. Hinding hindi ako bibitiw sa ipinangako ko sa asawa ko. Kaya po, sana kalimutan na natin ang nangyari kanina..."

"Fuck!" Napatalon ako nang bigla niyang suntukin ang pinto ng ref. Nakita ko na bahagyang nagkaroon ng yupi ang pinto. May bakas din ito ng dugo. Lumingon siya sa akin. This time, galit na galit na siya. "And do you expect me to believe you? Tangina naman, Lena! Hindi mo ba ako tatanungin? Hindi mo ba tatanungin kung bakit kita hinalikan?"

Napangiti ako nang hilaw. "Sir, 'wag po kayong mag-alala. Alam ko naman po kung bakit ninyo 'yun ginawa. Sinusubukan n'yo lang po ako, 'di ba? Iyon lang naman po iyon," paniniguro ko. "Wala po akong balak na pagpaliwanagin kayo, Sir. Pero isa lang po ang masisiguro ko sa inyo... Ayoko pong gumawa ng isang bagay na ikasisira ko sa trabaho ko. Kakalimutan ko po na may ganito tayong usapan. Aakyat na po ako..." Akma akong aalis nang higitin na naman niya ako at muling pinaharap sa kanya.

"I don't want to forget..." bigla ay deklara niya.

Napalunok ako habang ang aming mga mata ay nangungusap. Kitang kita ako ang sincerity sa likod ng kanyang mga sinabi. Pero ayaw ko pa ring maniwala. Minsan na siyang nagsinungaling sa akin bilang si Leen. Ayaw ko nang pati si Lena ay saktan niya.

"I just want to ask you one thing..." pagpapatuloy niya. "Kapag ba ang asawa mo na ang humalik sa'yo, sigurado ka bang hindi na ako masasagi sa isipan mo? Sigurado ka ba na hindi ako ang maiisip mo habang hahalikan ka niya?" Napakuyom siya at napapikit. "The thought of you kissing another guy feels shit already!"

Unti-unti ang paglapit niya sa akin hanggang sa naramdaman ko na lang na nakalapat na ang likod ko sa ref.

"Answer me, Lena..." bulong niya. This time, idinikit na ni Rave ang labi niya sa tenga ko. Nagdulot iyon ng kakaibang kiliti sa akin ngunit ginawa ko ang lahat upang hindi niya mahalata na grabe ang epekto niya sa akin. "Please..."

Hearing him plead makes me so weak. Bakit ganito? Bakit nakakapanghina ang mga salita na sinasabi niya sa akin? Ayoko nang maging mahina sa harapan niya ngunit natutukso na akong magpatangay.

"S-Sir Earl..." Halos hindi ko na marinig ang tinig ko. Kinakapos ako ng hininga.

Sinimulan niya akong halikan sa dulo ng tenga ko hanggang sa aking leeg. "You smell so good. Fuck! Please tell me that you also want this," pagsusumamo pa niya. "I wish you just fucking break up with your husband. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. But I want to find out."

"S-Sir Earl... hindi ito tama." Napailing ako. Hindi ko napigilan ang pagluha ko.

"I want you, Lena. I want you so bad..." he whispered. "Sleep with me..."

At tuluyan na nga akong napapikit. Hindi ko akalain na naririnig ko ang mga ito mula sa kanya.

Rave... paano ba kita maiiwasan?

Savored (Victoria City Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon