Leen's POV
"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Craig nang maabutan ako nito sa daan.
Walang salita ang lumabas sa bibig ko at nagpatuloy lang sa paghagulgol.
Mabilis namang nakalapit si Craig at hinapit ako at niyakap. Umiyak lang ako nang umiyak sa dibdib nito. "Shh... Tahan na. Tahan na..."
"Ang tanga-tanga ko, Craig! Ang tanga-tanga ko!" sambit ko habang umiiyak. "Nagpakatanga na naman ako. Nagpauto ako sa pangalawang pagkakataon. Sobrang sakit!"
Napahiwalay sa akin si Craig at tiningnan ako habang nakakunot ang noo nito. "What did he do this time? Tell me..."
"Hindi na ako natuto, Craig. Sa pangalawang pagkakataon, hinayaan ko na naman siya na saktan ako. Hinayaan ko na naman siya..." sagot ko naman.
Napahilamos ito at hinarap akong muli. Mabilis nitong naunawaan ang gusto kong sabihin. "I told you, ilang beses na 6 years ago... Kaya kitang panagutan, Lily. Sinabi ko nang ako na lang, 'di ba? Damn it, Lily! Baka mapatay ko ang Fortaleza na 'yan ngayon!" nanggigigil na turan nito.
"No, please. Ako ang may kasalanan nito, Craig. Ako ang gumawa nito. 'Wag ka nang sumali. Hinayaan ko siya na gaguhin ako! Ako ang may gawa nito sa sarili ko. Hindi ko inalam ang totoo. Nagbulag-bulagan lang ako. Nadala na naman ako. I'm so sorry!" natatakot kong turan habang umiiling.
Hindi na muling nagsalita si Craig at kinabig lang akong muli upang yakapin.
Hinayaan ko ang sarili ko na malunod sa pag-iyak.
Kasalanan ko ito. Deserve kong masaktan dahil sa katangahan ko. Iyon ang laging laman ng utak ko.
Hinayaan ko ang lalaking nanakit sa akin na saktan ulit ako sa pangalawang pagkakataon. Niyapos ako ng kahibangan ko. Nagpakalunod ako sa pagmamahal alam kong walang patutunguhan. At sa huli, ako pa rin ang talo. Ako pa rin ang sampid. Ako pa rin ang naging kabit.
Tangina! Masahol pa sa ilang saksak sa puso ko ang natamo ko ngayon. 6 years kong binaon sa limot ang pagmamahal ko para kay Rave. 6 years akong nagdusa nang mag-isa. At sa isang iglap, nawala ang pader na pinaghirapan kong buuin sa paligid ko nang dahil sa kagustuhan kong lumigaya. Hindi na ako natuto.
"Tama na, Lily. Please, kailan mo ba titigilan ang tanginang pag-ibig na 'yan para sa kanya? He doesn't deserve you! Bakit kasi palagi mong pinipili ang maling tao? Bakit?" paninermon pa ni Craig.
Wala akong masabi. Iniyak ko lang ang lahat. Tama naman kasi siya. Lagi akong nagkakamali. Pagdating kay Rave ay sobrang rupok ko. Hinayaan kong malunod ako sa pantasya ko. Inakala kong magiging masaya ako pagkatapos nito. Pero nagkamali ako. Sobrang mali na hinayaan ko ito. Sobrang mali.
Pero kahit na anong gawin ko, hindi na maalis sa puso ko ang pagmamahal na ito. I can't deny how much I love him.
"Umalis ka na sa bahay niya, Lily. Live with me. Ako na ang bahala sa lahat ng pangangailangan ninyong mag-ina. Hindi mo kailangang magpakaalipin para lang buhayin siya. I will help you. Hindi na ako makakapayag na paglaruan ka pa ulit ni Earl. Makakapatay ako kapag hindi ka pa umalis doon!" Pinunasan nito ang mga luha ko at ginawaran ako ng halik sa aking noo. Niyakap nito akong muli.
Maya-maya ay pareho kaming napalingon nang may pamilyar na boses ang naulinigan namin mula sa aking likuran.
"Don't fucking touch her!" sigaw ni Rave.
Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Craig. Napasigaw na lang ako sa takot nang makita kong nakahandusay na si Craig sa daan habang nagdurugo ang gilid ng pumutok na labi nito.
Napangisi ito at masamang tinitigan si Rave. Tumawa ito at bumangon. "Ang possessive mo naman sa maid mo, Earl. Bawal na ba akong makipag-close sa kanya ngayon?"
BINABASA MO ANG
Savored (Victoria City Series #1) COMPLETED
RomanceMain Characters: * Earl Raven Fortaleza - A ravishing CEO of Fortaleza Technologies Incorporated. Isang istriktong boss na walang ibang priority kundi ang kumpanya. * Leodelene "Leen" Guillermo - isang aspiring businesswoman. May ambisyon sa buhay n...