Chapter 23

9 0 0
                                    

Rave's POV

"Gusto ko po munang mapag-isa..." iyon ang hiling ni Lena bago ako tinalikuran at tuluyan nang lumabas ng gate.

Napasuklay ako sa buhok ko sa sobrang frustration.

"You're a fucking idiot!" Ilang beses kong minura ang sarili ko. Pero kahit anong gawin ko ay wala akong maapuhap na gawin para ipagtanggol ang sarili ko.

I was indeed an idiot. A coward, at a top of that!

Hindi ko rin alam kung kailan nagsimula, pero ilang araw rin akong nagdusa sa pagpipigil sa sarili ko. I kept on denying but it kept on resurfacing whenever I see her.

I am indeed smitten by my maid. Lena Pallermo.

Ilang beses kong pinagsawalang bahala ang pakiramdam na ito na nagmula pa noong una ko siyang makita sa Casa de Fortaleza, but it kept on bugging me even at night.

I mean... who would in their right minds like a woman like her? She's... different.

I never dated someone like Lena before. Ang madalas kong dini-date ay iyong matatangos ang ilong, sopistikada, at sexy. Well, sexy naman si Lena. She has a great body to die for. Pero she's not commonly someone's liking.

A straightforward comment: hindi siya maganda.

Naiinis ako sa tuwing nakikita ang makakapal niyang kilay. Isama pa ang ilong niya na hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang shape at size. Masyadong malaki ang mga butas at masyadong nakaka-bother.

Kaya sa umpisa pa lang ay iritable na ako sa kanya. Lalo na kung ngingitian niya ako. She has a white set of perfect teeth, though. Hindi naman ako naaasiwa sa ngiti niya. I just find her irritable. Kaya lagi akong galit sa tuwing nakikita ko siya.

But when she protected me from that wrecking smash from dad, I saw the side of her I never knew anyone could have. I saw her as dependable and brave. Pero hindi ako natuwa sa katotohanang iyon. Kaya sinisante ko siya. I was so mad because she had to witness how much Dad despised me. Dad has all the reasons to. Kaya hindi ako lumalaban.

Okay na sana. Mawawala na sana si Lena sa landas ko. But this woman... hindi ko alam kung paano niya ito nagagawa sa akin. But she managed to enter my heart that is used to be so cold. Pumunta ako sa maid's quarters dahil bibilinan ko sana si Manang Maribel tungkol sa mga gamit ko. Uuwi na kasi talaga ako sa sarili kong bahay para hindi na kami magpang-abot ni Daddy, pero narinig ko pa ang conversation niya habang umiiyak. Hindi ko masyadong marinig ang sinasabi niya o sinuman ang kausap niya, pero one thing's for sure. She moved me. At hindi ko rin maintindihan kung bakit kailan kay tigas na ng pagtutol ko na manatili siya ay nanaig pa rin ang kagustuhan kong bigyan siya ng chance.

I took her home and made her my own personal maid. Naging maayos naman ang lahat. For a month, I was avoiding my house. Ayokong umuwi dahil sa inis ko. Lagi kasi kaming nagkakasalubong ni Lena. I hated how she becomes efficient and dependable. Sanay akong mag-isa, pero dahil sa kanya ay napapanatag ako. At hindi ko iyon nagugustuhan.

I tried bedding other women inside my hotel para lang makalimutan ko ang inis ko. But still, she has a way of bothering me. I can't even sleep for weeks. Then, I decided to just go home. Dapat at a week later pa talaga sa actual na pag-uwi ko ang plano ko. But that incident made me decide to go home abruptly. I saw Denovan helping my maid. Nakita ko sila through CCTV footage.

Hindi ko maintindihan kung bakit kinakagalit ko ang pagtulong ni Denovan kay Lena. For years, I never talked to that man. Ever since that day. Pero sobra ang inis ko to a point that I decided to just work at home. Lagi lang ako sa loob ng library ko to do my job. Halos hindi na ako tumatambay sa opisina. I was obsessed over looking out for her.

Savored (Victoria City Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon