"End it with him..."
Iyon ang mga kataga na hindi ko akalain na maririnig ko mula kay Rave. Hindi ko alam na magiging ganito ang kahihinatnan ng pananatili ko sa poder niya bilang si Lena. Isang hamak na katulong na nangangailangan.
Ang mapanuksong halik niya na dapat pinigilan ko ay mas lalong lumalim.
Hindi ko namalayan na ang kamay ko ay unti-unti nang nangunyapit sa kanyang leeg.
Hindi ko napigilan ang sarili ko. Mahina ako.
Unti-unti akong tumugon sa kanyang halik. Tinugunan ko ang bawat marubdob niyang paghinang sa aking labi. Damang-dama ko ang bawat galaw niya. Nangungulila at mapaghanap.
Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay niya sa aking likuran. Hinapit niya ako at mas lalong nilaliman ang pinagsaluhan naming halik.
Wala sa loob na napaungol ako. Isang mahina ngunit nanginginig na ungol. Tila nabuhay ang pagnanasa na inakala kong hindi na muling manunumbalik sa akin. Dumadaloy ito hanggang sa bumaba patungo sa aking pinaka sensitibong parte ng aking katawan.
Wala na akong naiintindihan sa mga nangyayari. Ang alam ko lang ay halos hindi na kami mapaghiwalay ni Rave. Hindi ko matandaan kung paano niya akong nabuhat at dinala sa kanyang kwarto.
"I want you. I want you so bad. Hindi mo alam kung gaano mo ako binabaliw araw-araw, Lena..." bigla ay bulong niya sa akin.
Maingat niya akong inilapag sa kama habang siya ay halos hindi na humiwalay sa akin.
Muli niyang sinakop ang labi ko. Damang dama ko ang karnal niyang pag-aasam. Bumaba ang kanyang halik patungo sa aking leeg. Unti-unti niyang tinatanggal ang saplot sa aking katawan.
Napasinghap ako nang maramdaman ang kanyang kamay na pumasok sa ilalim ng aking damit.
"R-Rain..."
"Lena?"
"'W-wag kang titigil..."
"Lena..."
Napakunot ako ng noo. Tila nag-iba na ang tono ng boses niya. At parang nawawala ang kanyang paghalik. Nasaan na siya? Umalis ba siya? Balak ba niya akong bitinin?
Teka...
Bakit parang sobrang liwanag na sa paligid?
"Lena!"
"Ay tipaklong na adobo!" Napatalon ako sa gulat at napamulat ng mga mata.
Agad na bumungad sa akin ang nakakunot na noo ni Rave.
Palinga-linga naman ako sa paligid ko.
Nasaan ako? Hindi ito ang kwarto ko.
Napakislot ako sa sakit ng ulo ko. "Ahh..."
"Siguro naman nakapagpahinga ka na nang maayos? Pwede ka na bang lumayas d'yan sa higaan ko? Punong-puno na ng laway 'yan," sarkastiko niyang tanong. Gumagalaw-galaw pa ang kanyang panga na animo'y nagpipigil ng galit. Ang mga mata ay lubog at namumula. Mukhang hindi nakatulog.
Malakas akong napasinghap sabay takip ng aking bibig. "Hala ka, Sir! Sir, sorry! Hindi ko sinasady—" Napahinto ako at bumangon mula sa kama, "p-paano po ako nakarating—"
"Obvious ba? Bigla ka na lang natulog dito sa higaan ko. Pagod na pagod ako galing sa biyahe tapos heto ang madadatnan ko? Ano palang gusto mong gawin ko? Matulog sa kwarto mo? Unbelievable!"
Eh? Natulog ako buong magdamag? At sa kwarto pa ni Rave? Ibig sabihin ay panaginip lang iyong kagabi?
Napasinghap ulit ako at umiling-iling.
BINABASA MO ANG
Savored (Victoria City Series #1) COMPLETED
RomanceMain Characters: * Earl Raven Fortaleza - A ravishing CEO of Fortaleza Technologies Incorporated. Isang istriktong boss na walang ibang priority kundi ang kumpanya. * Leodelene "Leen" Guillermo - isang aspiring businesswoman. May ambisyon sa buhay n...