"I love you, Rain..." iyon ang unang beses na umamin ako sa nararamdaman ko para sa kanya.
Nakita ko ang pagkinang ng mga mata niya pagkatapos niyang marinig mula sa akin ang mga katagang iyon. Ngumiti siya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na napunta sa aking mukha.
"Bakit?" bigla ay tanong niya.
Napakibit balikat ako. "Hmm... I just feel that I love you," sagot ko naman.
Kinintalan niya ng halik ang tungki ng ilong ko matapos niyon. We cuddled for almost a day.
Isang buwan na magmula nang makilala ko si Rave mula sa magarbong party na iyon ay umusbong ang kakaibang damdamin sa akin. Iniligtas niya ako mula sa kamay ng mga tauhan ni Ziljian. At sa gabing iyon, naipagkaloob ko ang sarili ko sa kanya.
Ang isang gabi ay nadagdagan ng isa pa. Hanggang sa umulit nang umulit...
Dahil sa kagustuhan kong makatakas mula kay Ziljian ay nakumbinsi ko ang isang cold-hearted na Fortaleza na itago ako sa kanyang condo. Ang kapalit niyon ay ang pagpapahintulot ko sa kanyang angkinin ako anumang oras niya gustuhin. I became his secret fuck buddy. A sex slave, to be precise.
Exactly 1 month, nakaramdam ako ng hilo at pagduduwal. Ang kaibigan kong si Ellen ay tinulungan ako na makabili ng pregnancy test kit. Doon ay nalaman ko ang pagbubuntis ko. Matapos kong makapagpa-check up sa doktor ay napag-alaman kong 1 buwan na akong buntis. Alam kong gumagamit si Rave ng proteksyon tuwing magniniig kami, ngunit hindi ko matandaan kung gumamit ba siya noong pinaka unang gabi namin. Para sa akin ay paulit-ulit lang ang lahat ng pangyayari kung kaya ay hindi ko na matandaan ang iba pang detalye noong gabing iyon.
Naging masaya ako nang makumpirma ko ang pagbubuntis ko. Plano ko iyong ipaalam kay Rave noong araw ring nagpa-check up ako. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang marinig ko ang usapan nila ni Ally sa loob ng kanyang condo.
"It's just a fucking one-night stand, Ally..."
Hindi ako umuwi noong araw na iyon. Nagpalakad-lakad lang ako sa labas habang hilam ang mata sa luha.
Sobrang sakit. Hindi pala ako mahal ni Rave. Hindi siya seryoso sa akin. All this time, ako lang pala ang nagmamahal. Ako lang ang nag-aakala na pareho kami ng nararamdaman para sa isa't isa. Nagkamali ako.
Nakipagkita ako kay Craig. Humingi ako ng tulong sa kanya na makaalis ng Victoria City. Sa sobrang sakit ng dibdib ko ay wala nang natirang dahilan para manatili ako rito. Wala na ang mga magulang ko. Wala na akong kamag-anak. Wala akong ibang matatakbuhan. Mabuti na lang at pumayag siya. Binigyan niya ako ng sapat na pera sa pag-alis. Kasama na roon ang pambili ng bahay.
Noong araw rin na iyon ay nag-alsa balutan ako sa condo ni Rave. Itinapat ko na wala siya. Mabuti na lang at hindi pa niya binabago ang password niya. Pagkalabas ko dala ang maleta ko ay hindi sinasadyang nakasalubong ko siya.
"What are you doing? What's with the suitcase?" madilim niyang tanong sa akin.
"Aalis na ako, Rave..." malamig kong sagot.
"No. You're not leaving me. Hindi ka ba satisfied sa proteksyon na binibigay ko sa'yo, Summer?"
"Don't call me that! And yes, hindi ako satisfied sa lahat," pagsisinungaling ko. "Hindi pa ba malinaw sa'yo ang lahat, Rave? Ginagamit lang kita simula't sapul, para makawala mula kay Ziljian. Iyon lang naman iyon."
"Stop lying to me! Okay naman tayo noong nakaraan, 'di ba? What's wrong? Bakit kailangan mong umalis?"
Napahugot ako ng malalim ba hininga at saka siya hinarap. "Tanggapin mo na lang ang lahat, Rave. I just lied to you. Goodbye..." With a straight face, I left him for good. Kahit na sobrang bigat ng pakiramdam ko at anumang oras ay babagsak ako sa sahig ay napagtagumpayan kong umalis mula sa kanya.
BINABASA MO ANG
Savored (Victoria City Series #1) COMPLETED
RomanceMain Characters: * Earl Raven Fortaleza - A ravishing CEO of Fortaleza Technologies Incorporated. Isang istriktong boss na walang ibang priority kundi ang kumpanya. * Leodelene "Leen" Guillermo - isang aspiring businesswoman. May ambisyon sa buhay n...