Chapter 25

8 0 0
                                    

Nangangatal na nakaabang ako sa labas ng operating room kasama si Ellen.

Pinipilit ko ang hindi umiyak ngunit hindi ko maiwasan, habang umuusal ng piping dalangin na hindi ko alam kung matutupad.

"Beng, bakit ang tagal nila sa loob? Mag-iisang oras na tayo rito..." nag-aalala kong tanong. Nagpaparoo't parito ako at hindi mapakali.

"Beng, umupo ka muna. Paano kung ikaw naman ang magkasakit? Hintayin lang natin dito ang doktor. Magiging maayos din si Yen-yen..." pang-aalo naman ni Ellen sa akin. Nakaupo siya sa isang bench. Hilam sa luha rin ang mukha at halatang pagod.

Naaawa ako sa best friend ko. Hindi niya kami kaano-ano ngunit ginawa niya ang lahat para tulungan ako. Hindi niya ako kailanman iniwan sa loob ng anim na taon. Ngayong nakikita ko siya na napapagod at umiiyak ay sobra akong nahahabag sa kanya.

Mas lalo akong napahagulgol sa iyak dahil doon.

Ilang pagsubok pa ba ang ibibigay sa akin ng langit? Ilang beses ba akong pahihirapan nang ganito para mapagbayaran ko na ang lahat ng katangahan na nagawa ko noon?

Sobrang lupit naman ng tadhana sa akin. Hindi ibig sabihin na malakas ako sa harap ng ibang tao ay kakayanin ko na ang ganitong kabigat na pagsubok.

"Diyos ko! Tao lang ako. Hindi ako isang superhero na kakayanin ang lahat ng pagsubok sa buhay. Tulungan mo ako. Nakikiusap ako. Iligtas mo ang anak ko. Maaari mo akong pahirapan, ngunit huwag ang kaisa-isang kaligayahan at kayamanan ko sa malupit na mundong ito. 'Wag n'yong kukunin ang anak ko..." piping panalangin ko sa gitna ng pag-iyak.

Dumating si Craig sa harapan namin kasabay ng paglabas ng doktor mula sa operating room.

"Sino po ang guardian ni Ms. Ayenah Dreanni Guillermo?" tanong ng doktor.

"Ako po, Doc!" Napataas ako ng kamay at nilapitan ang doktor. "Ano pong lagay ng anak ko, Doc?" Dumagundong ang tibok ng puso ko sa mga oras na iyon. Kinakabahan ako sa kung anong sasabihin ng doktor sa akin.

"Your daughter is safe, Misis. We are able to revive her from a cardiac arrest," pagbabalita nito sa akin.

Napabuga ako ng hangin at napahagulgol. "S-salamat po, Doc! Salamat po at niligtas ninyo ang anak ko."

"Though she may have survived this one, I am not sure about the future. Her body is starting to decline. Her cancer cells are rapidly increasing. There is nothing I can do about it. Kailangan niya ng mahabang pahinga sa ngayon, Misis. Make sure she is comfortable. You may also do what she wishes before..." Naputol ang mahabang litanya ng doktor nang bigla akong sumingit.

"Bakit sobrang dali lang para sa'yo ang sabihin ang mga 'yan, ha, Doc?" bigla ay tanong ko rito. "Sa tingin ninyo ganito kadaling tanggapin ang lahat ng sinasabi ninyo? Anak ko ang pinag-uusapan natin, Doc! Anak ko!"

"Beng, tama na..." pag-aalo ni Ellen mula sa aking likuran habang hinahagod iyon.

"'Wag n'yong sabihin sa akin 'yan na akala mo madaling tanggapin para sa isang magulang na ganito ang nangyayari sa anak niya. Masyado kayong insensitive. Anak ko 'yun, e. Anak ko! Kung pwede lang na ilipat n'yo sa akin ang sakit niya, wala akong pakialam. Ang bata-bata pa ng anak ko, Doc. 6 years old lang siya!" Paulit-ulit akong umusal sa huli kong sinabi. Saka ako unti-unting napaupo sa sahig habang iyak nang iyak.

Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan man ako ng mga tao sa paligid ko. Hindi nila alam ang sakit na nararamdaman ko. Hindi nila alam ang hapdi ng puso ng isang ina.

Narinig ko ang pag-alis ng doktor sa harapan namin matapos makapagpaalam kay Ellen. Si Craig naman ay niyakap ako nang mahigpit.

I badly need it right now. Hindi ko alam paano papawiin ang kirot sa puso ko. Para akong ilang beses sinaksak sa dibdib. Sobrang sakit. Sobrang sakit na hindi ko na masisilayan ang paglaki ng anak ko. Hindi ko na siya maitataguyod hanggang kolehiyo. Hanggang sa maabot niya ang pangarap niya. Hindi ko siya makikita na magkaroon ng sarili niyang pamilya.

Savored (Victoria City Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon