"How dare you even show your face here?!" sigaw ng matanda kay Rave.
Pamilyar sa akin ang mukha niya. Alam ko ay nakita ko na siya dati. Nang maalala ko ang nakaraan ay saka ko lang napagtanto kung sino ang matandang lalaking ito.
Siya si Don Roberto Fortaleza. Ang utak ng ForTech Inc. Siya ang ama ni Rave.
"I live here, Dad. Please, nag-aagahan tayo. Don't make the mood sour by picking up a fight. Please..." mahinang pakiusap ng lalaki sa ama. Akma itong babalik sa hapag nang pumuporma na naman si Don Roberto sa pagsuntok sa mukha ng anak nito.
Sa hindi malamang dahilan ay biglang nagblangko ang isipan ko. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa harapan ng matanda habang ang mukha nito at ang iba pang kasama namin sa loob ay nagulantang sa nangyari.
"Oh, my God!"
"Dugo!"
"You're bleeding, yaya! OMG!"
Napahawak ako sa gilid ng ulo ko at may nakapang basa doon. Pagkatingin ko ay may dugo na sa aking kamay. Pero wala akong maramdamang sakit.
Malamang ay dahil ito sa adrenaline ko.
Wala na akong maintindihan sa paligid ko dahil nagkagulo na ang mga kasamahan kong katulong lalo na ang nag-aalalang mukha ni Manang Maribel. Ang matanda namang puno ng tahanan ay napatahimik na lang at minabuting bumalik sa hapag.
Iginiya ako ni Manang Maribel palabas ng dining hall. Ngunit bago pa man ako makaalis ay hindi nakatakas sa akin ang matalas na tingin ni Rave sa aking direksyon. Siya ang mas naunang umalis sa lugar na iyon.
Saka ko lang naramdaman ang sakit sa may uluhan ko. Napangiwi tuloy ako.
Lubos akong naguluhan sa mga nangyari. Bakit ganoon na lamang ang tagpong nadatnan ko?
Ang alam ko ay sa tatlong magkakapatid na Fortaleza na sila Earl Raven, Ernest Ruther, at Erwan Roswald ay si Rave ang pinakapaborito ng matandang Fortaleza mula pa noon. Bilang panganay sa magkakapatid ay siya rin ang hinirang na magmamana sa pinakamalaking porsyon ng ari-arian ni Don Roberto, at isa na roon ay ang ForTech Inc. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit tila galit na galit na ang matanda sa kanya. Ano bang nangyari sa nakalipas na anim na taon na tila nagkaroon na ng malaking lamat ang relasyon ng mag-ama?
"Ahh!" Napadaing ako nang ipahid ni Manang Maribel ang malambot na tela sa uluhan ko.
"Ayan kasi! Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan mo kanina, anak. Pero delikado iyong ginawa mo! Paano kung napuruhan ka pala ni Don Roberto? Anak naman, hindi kasali sa trabaho mo ang gawing pananggalang ang katawan mo sa silakbot ni Sir Roberto sa kanyang anak. Huwag na huwag mo nang gagawin iyon, ha?" nag-aalalang sermon sa akin ni Manang.
"Manang, pasensya na kayo. Hindi ko alam kung paano ako napunta doon kanina. Siguro ay ayaw ko lang na nakakakita ng nasasaktan. Pasensya na po..." paghingi ko ng paumanhin.
"Oh, siya! Maghanda ka na at dadalhin kita sa ospital. Iyon ang mahigpit na ipinagbilin sa akin ni Mrs. Reyna."
"Manang, pwede po ba akong magtanong?"
"Ano ba iyon?"
"Manang, bakit po galit na galit si Sir Roberto sa anak niya? Curious lang po ako. Kasi mukhang masayang pamilya naman sila..."
"Alam mo, anak. Totoong dating masayang pamilya sila ni Sir. Pero marami nang nangyari kaya nagkapatong-patong na ang sama ng loob nila sa isa't isa. Dahil na lang kay Mrs. Reyna kung bakit napipilit pang mapauwi si Sir Earl dito sa mansyon."
"P-po? Hindi po pala rito umuuwi si Rave? A-ang ibig kong sabihin, si Sir Earl?"
"Oo, anak," pagkumpirma niya. "Halika na muna, anak. Punta muna tayo sa ospital at baka mapaano ka pa!"
BINABASA MO ANG
Savored (Victoria City Series #1) COMPLETED
RomanceMain Characters: * Earl Raven Fortaleza - A ravishing CEO of Fortaleza Technologies Incorporated. Isang istriktong boss na walang ibang priority kundi ang kumpanya. * Leodelene "Leen" Guillermo - isang aspiring businesswoman. May ambisyon sa buhay n...