Chapter 22

9 0 0
                                    

Tinanong ko ang sarili ko, "Deserve ko ba talaga ito?"

Habang pinagmamasdan ko ang pagod at tulog na si Rave sa tabi ko ay hindi ko maiwasang mapaluha.

Natatakot ako. Hindi dahil sa kung ano ang sasabihin niya pagkatapos, kundi dahil sa baka isang araw na magising ako ay panaginip lang pala ang lahat. Natatakot ako na isang araw ay wala na ulit siya sa tabi ko.

Pero kung ano man ang kahihinatnan nitong kahibangan ko, handa akong harapin ang lahat ng iyon.

Narito sa puso ko ang malaking pagsisisi. Guilty ako sa panlilinlang ko kay Rave. Dahil ang babae na kanyang katabi ngayon ay hindi si Lena, kundi si Leen.

Pinahid ko ang mga luha ko at akmang babangon sa kama nang biglang may kamay na pumigil sa aking palapulsuhan.

Napalingon ako at nakita ang nakapikit na si Rave.

"Don't leave me..." Napamulat siya ng mga mata at hinarap ako. "'Wag mo akong iiwan, Lena..."

"Mali ito, Sir. Maling mali..."

"But you wanted this, too, right?"

Hindi ako makapagsalita. Tama naman siya. Ginusto ko ito. Sa sobrang pagmamahal ko kay Rave ay nakalimutan ko kung sino ako sa pamamahay na ito. Nakalimutan kong kaya ako narito ay dahil sa pangangailangan ng aking anak. Pero heto ako at nagpapaka makasarili.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Maya-maya ay niyakap niya ako mula sa likuran. Pinaulanan niya ng mumunting halik ang balikat ko.

"Handa akong panagutan ka, Lena. Wala na rin akong pakialam kung may asawa ka pa. As long as you're here with me, you're mine..."

Paano na ito? Pakiramdam ko ay nagtataksil pa ako dahil sa mga sinasabi niya. Pero paano ko naman ipagtatapat sa kanya ang lahat? Paano ko sasabihin sa kanya na hindi ako si Lena? Ako si Leen, ang babaeng minsang nagmahal sa kanya noon. Ako ang babae na kailan man ay hindi niya hinanap.

*****

Sa nakalipas na araw, nag-iba na ang pakikitungo sa akin ni Rave. Naging mas malambing na siya. Minsan ay tinutulungan niya ako sa gawaing bahay. At madalas naman na nasa kwarto kami at naglalaro ng apoy. Naging ganoon ang aming pamumuhay. Sa saglit na panahon ay nakalimutan ko kung sino siya sa buhay ko. Nakalimutan ko ang hapdi ng nakaraan. Hinayaan ko ang sarili ko na magpakalunod sa panaginip na ito.

Pero habang tumatagal ay nagi-guilty ako. Niloloko ko lang siya.

"Beng, paano na ito?"

Napabuntong-hininga si Ellen mula sa kabilang linya. "Hindi ko alam, Beng. Pero nag-aalala ako sa'yo. Gusto mo ba talaga ito? Kumusta ka na?"

"Okay lang naman ako, Beng. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang gagawin ko. Nalilito ako. Nakokonsensya ako na habang kasama ko siya ay iba ang katauhan ko. Iba ang babaeng nagugustuhan niya."

"Nag-aalala ako, Beng. Paano kung mabuking ka niya? Paano kung ipagtabuyan ka niya muli? Beng, alam mo naman ang nangyari 6 years ago, 'di ba? Hindi naging maganda ang pag-alis mo sa Victoria. Paano kung malaman niya na nagpapanggap ka lang? Natatakot ako para sa'yo," nag-aalalang sambit naman ng aking kaibigan.

Kilala sa buong Victoria si Earl Raven Fortaleza bilang isang nakakakilabot na businessman. Sa magkakapatid na Fortaleza ay siya ang pinaka pinangingilagan ng lahat. Kilala siya bilang isang lalaki na walang puso. Ang negosyo ang kanyang prayoridad. Isang certified heartbreaker. Ayaw niya sa mga sinungaling. Kaya sa oras na malaman ni Rave ang kasinungalingan ko, natitiyak ko ang galit niya.

Ang buong maghapong iyon ay naging payak. Abala ako sa pagdidilig ng mga halaman sa garden. Si Rave naman ay abala sa trabaho sa loob ng kanyang library.

Savored (Victoria City Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon