Hindi ko makakalimutan ang mga mukha nina Yen-yen at ni Rave noong una silang nagkita.
Tandang-tanda ko ang masayang ngiti ng anghel ko na ngayon ko lang nakita. Sa pagkakataong iyon, napaiyak ako sa gilid habang kasama si Ellen na nakatanaw rin sa mag-ama.
Napagtanto ko na hindi pala sapat ang presensiya ko sa buhay ng anak ko. Buong akala ko ay masaya na siya na ako ang magulang niya na mag-isa siyang itinaguyod. Hindi ko alam na mas may isasaya pa pala siya. Kitang kita ko sa mga mata ng anak ko ang kagalakan at kasabikan.
Halos hindi na lumubay si Rave sa anak namin. Noong araw na iyon ay walang sinayang ang lalaki na panahon. Ni hindi na ako napapansin ni Yen-yen. Para sa kanya ay si Rave lang ang kanyang nakikita at wala nang iba.
Nakaramdam ako ng kaunting hinanakit sa sitwasyon. Hindi ako nagtatampo sa anak ko. Sa aking sarili ako naiinis. Dahil hindi ko man lang tinanong ang anak ko sa mga gusto niya. Masyado akong abala sa pagtatrabaho at paghahanap ng mapagkakakitaan, maibigay lang ang pangangailangan niya. Hindi ko alam na kailangan pa rin pala niya ng isang ama. Napagkaitan ko ang anak ko ng isang bagay na hindi ko akalain na kakailanganin niya. Ang pagmamahal ng isang ama.
"Kumusta ka na, Beng?" bigla ay tanong ni Ellen. Nasa loob kami ngayon ng isang mall. Nagpresinta kami na bumili ng ibang pagkain para sa ospital.
Habang nagtutulak ng cart ay napangiti ako nang mahina. "Okay naman..."
"Sure ka? Lagi kang tulala d'yan, e. Napapansin ko na lagi kang lumalabas tuwing si Rave at Yen-yen na lang ang nasa loob ng kwarto. Sure ka ba na okay ka lang?"
Nagkibit-balikat ako at bumuntong-hininga. "Kailangan ko namang magparaya, 'di ba? Anak din naman niya si Yen-yen," sagot ko. "Nalulungkot lang ako. Pero hindi ko alam kung bakit..."
"Natural lang naman ang makaramdam ng ganyan, Beng. 6 years din na nasanay kang ikaw lang ang kinakailangan ng anak mo. Pero ngayon... kailangan na rin niya si Rave. Hindi mo rin naman maiaalis sa kahit sino ang mangulila sa ama nila. Isipin mo na lang na ang lahat ng ito ay para kay Yen-yen," pagpapaunawa naman niya.
Hindi na ako nakasagot at nagpatuloy na lang sa pamimili.
Nagdaan ang mga araw na mas lumalalim ang relasyon ng mag-ama sa isa't isa. Habang tumatagal ay nababagot ako. Gusto ko ring mayakap ang anak ko. Gusto ko rin siyang bantayan. Ngunit hindi ko magawa.
"Dad, gusto ko po ng doll house!" masiglang request ni Yen-yen kay Rave.
"Sure, baby! Bibilhan ka ni Daddy. Wait lang at tatawagan ko lang ang secretary ko—"
"Daddy, no!"
Nabitin sa ere ang cellphone ni Rave at napabaling muli sa aming munting anghel.
"Dad, pwede po ba ulit mag-request? Please!" Pinagsalikop pa nito ang dalawang palad na animo'y nagsusumamo.
Napatawa naman si Rave at hinaplos ang bumbunan ni Yen-yen. "Yes, anything for my baby Yen-yen..."
"Dad, pwede po bang ikaw mismo ang bumili at pumili? At pwede po ba na kasama ninyo si Mama?"
"Ha?!" sabay naming sigaw.
Nagkatinginan lang kami ni Rave sa pagkakataong iyon. Biglang lumundag ang puso ko sa hindi malamang dahilan.
Kaba ba o kasabikan?
*****
Wala kaming imikan nang makarating kami ni Rave sa Toy Kingdom.
Si Ellen muna ang nagbantay kay Yen-yen habang nasa labas kami. Ayaw pa sanang pumayag ni Rave dahil ayaw niyang mapalayo sa bata, ngunit nakakaantig ang mga sinabi ng anak ko sa ama nito...
BINABASA MO ANG
Savored (Victoria City Series #1) COMPLETED
RomanceMain Characters: * Earl Raven Fortaleza - A ravishing CEO of Fortaleza Technologies Incorporated. Isang istriktong boss na walang ibang priority kundi ang kumpanya. * Leodelene "Leen" Guillermo - isang aspiring businesswoman. May ambisyon sa buhay n...