"S-Sir Earl..."
Mabilis akong hinatak ni Rave palayo kay Craig.
Nakita ko naman ang makahulugang ngisi ni Craig sa kanys. Hindi ko 'to kailanman nakita kay Craig noon. May times naman na may playful side ito pero hindi ganito. Sa anyo nito ay halatang nang-aasar. Ngayon na magkaharap silang dalawa ay ramdam ko na ang tensyon.
Ano ba ang nangyayari?
"Fancy seeing you here, Earl! I didn't know that you're that possessive to your maid now..." Si Craig ang unang nagsalita ngunit hindi nito nilulubayan ang direksyon ko.
Napansin iyon ni Rave at mabilis akong tinago sa likuran niya. "Got a problem if I do?"
Napahalakhak naman si Craig at napailing. "She's my friend, Earl. Bawal na ba ako makipagkaibigan sa maid mo?"
"Cut that shit, Denovan! You are not allowed to even touch anything that I own. She is my maid so it's only right for me to stop you from getting closer to her."
"Gano'n ba? Kasali pala sa trabaho niya ang hayaan ka na panghimasukan ang personal na buhay niya? You're being irrational here, Fortaleza. Ano ba 'to? Are you still holding grudge against me after what I did 6 years ago?"
6 years ago? Grudge? Anong sinasabi ni Craig? Ano ba talaga ang nangyari noon? Bakit ganito na sila? Sa anyo nilang dalawa ay anumang oras ay magsusuntukan na sila.
"Don't even think about bringing that up, Denovan. I have no time to entertain your trip-down-memory-lane. If you please excuse me, we have to go..." Biglang humarap sa akin si Rave at madilim na tinapunan ako ng tingin. "Let's go..."
Akma na kaming aalis na dalawa nang biglang magsalitang muli si Craig.
"You must really trust your maid, huh?"
Napahinto kaming pareho ni Rave. Ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ko dahil doon.
Napalunok ako. Unti-unti akong lumingon kay Craig at binigyan siya ng nagmamakaawang ekspresyon.
Please, Craig. Not now... Please...
"What are you implying?" Rave asked.
"Sabihan mo lang ako kung hindi ka tinatrato ni Earl nang maayos, Lena. I'm willing to take you and hire you as my maid. And I will make sure to give all that you need for your family. Hindi mo kailangang magtrabaho sa isang lugar na napipilitan ka lang at nasasaktan..." bigla ay paalala nito sa akin.
Napakagat ako sa aking ibabang labi. Alam ko kung ano ang ibig nitong sabihin ngunit wala akong maapuhap na masabi rito. Litong-lito pa rin ako. Ngayon na nalantad ang identity ko kay Craig, kailangan ko nang unti-untiin ang pag-alis kong muli sa Victoria City.
*****
Sa gitna ng biyahe ay nanatili lang ang katahimikan. Wala ni isa ang umiimik sa amin ni Rave.
Salubong pa rin ang kanyang mga kilay niya habang nagmamaneho. Nararamdaman ko ang bilis ng aming pag-andar. Napapakapit na lang ako sa ilalim ng upuan at pinapanalangin na hindi kami mauwi sa disgrasya.
Diyos ko! Kailangan pa ako ng anak ko. Sana magdahan-dahan ang isang 'to!
"Bakit nag-uusap pa rin kayo ng Denovan na 'yun?" Si Rave ang unang bumasag sa katahimikan.
"Hindi ko po sinasadya na makita siya sa V Hotel, Sir. Please, maniwala po kayo," pagpapaliwanag ko naman.
"Ano namang sinabi niya sa'yo habang wala ako? Ano? Pinipirata ka ba niya?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.
"H-hindi po, Sir. Nagkakamali po kayo. Nagkita lang po kami nang hindi sinasadya. Kinumusta lang niya ako at nilibre. Nahihiya naman po akong tanggihan siya dahil tinulungan niya po ako last time. Pero hindi po niya ako pinipirata. Mabait po si Sir Craig, Sir," pagpapaliwanag ko pa.
BINABASA MO ANG
Savored (Victoria City Series #1) COMPLETED
RomanceMain Characters: * Earl Raven Fortaleza - A ravishing CEO of Fortaleza Technologies Incorporated. Isang istriktong boss na walang ibang priority kundi ang kumpanya. * Leodelene "Leen" Guillermo - isang aspiring businesswoman. May ambisyon sa buhay n...