Chapter 1

101 1 0
                                    

oo1

MINA

Isang araw nanaman ng puno ng galit at muhi. Kelan ba magbabago tong cycle ko? Lagi na lang may kaaway.

Kahapon, nakaaway ko yung isa sa mga queen bee at ngayon... nakaaway ko naman yung boyfriend ng bestfriend ko.

Nakita ko kasing inaaway siya. Ano bang klase ng araw meron ako palagi?

/rings/

"Hello?"

[Mina!] oh.

"Sae Hee."

[Dun sa kanina, salamat ah?]

"Wala yun."

[At saka, Mina...]

"Hmmm."

[Pwedeng lumayo ka muna sakin? Di ko na kasi kayang tiisin yung...

galit mo eh.]

Huling sabi niya at binaba yung tawag.

Napatulala ako at nagulat ng may tumulong luha sa mata ko.

*Lagi ba akong magisa?*

"Hindi Mina, hindi." huh?

Pinunasan ko ang luha ko at linibot ang tingin ko sa apartment ko.

"M-may tao ba dito?" tanong ko pero walang sumagot, baka guni-guni ko lang yun. Hayst.

Pumunta na ako sa cr at naghugas ng katawan. Habang nag-sasabon ay napansin ko ang mga pasa na paunti-unting gumagaling. Pagkatapos maligo ay nagbihis agad ako at ipinikit na ang mata ko ng makarating ako sa kama ko.

Anong araw kaya ang sasalubong sakin bukas?

BAEKHYUN

Tiningnan ko ang babaeng nasa harap kong natutulog ng mahimbing at nag-buntong hininga.

Mina, kelan mo ba ako patitigilin sa pagalala sayo? Lagi ka na lang may kaaway.

Napansin kong may pasa nanaman siya kaya hinawakan ko ito upang bumilis ang paggaling at nangyari naman ito.

Hinawi ko ang buhok niyang nasa mukha niya at ngumiti.

"Gusto ko ng makita mo ako Mina."

The Last Demon: WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon