o14
MINA
"Mina, okay ka lang?" tiningnan ko si Suho at tumango na lamang.
"Okay lang ako."
"Bakit ang tahimik mo Ate?"
"May iniisip lang ako."
"Tungkol ba to sa panaginip mo?" biglang tanong ni Baekhyun na naging dahilan sa pagtingin nila sa akin.
"Anong panaginip Mina?" napailing na lang ako sa tanong ni Kyungsoo.
"Wala iyon." pagsisinungaling ko.
Di ko pupwedeng sabihin sa inyo, pasensya na.
"Alam mong kaya namin makapagbasa ng isip hindi ba?" napatango na lamang ako sa sinabi ni Kai.
"Alam ko iyon, sadyang di ko lang kaya ngayon." tumango na lamang sila. Mukhang naintindihan naman nila eh.
"Wala ka bang pasok ngayon?" nanlaki ang mata ko sa saad ni Chanyeol. Tumakbo agad ako at nagbihis. Hinalikan ko sa pisngi si Baekhyun at umalis na.
Aish! Late na ako!
BAEKHYUN
"Ang bilis kumilos ng babaeng iyon." saad ni Kyungsoo.
"Marapat lang siyang maging pinuno natin." napatingin ako sa ilalim sa saad ni Suho.
"Alam mong kahit anong mangyari ay makakalimutan niya ang alaala niya Baek, kahit na maging tao lamang siya o maging pinuno nating anim." pagtuloy ni Suho.
Tama, pag naging tulad siya namin ay pawang magiging alipin na lamang kami, tanging sarili na lamang niya ang kanyang iisipin, mawawalan na siya ng pakiramdam...
at hindi na rin niya ako mamahalin.
"Sigurado ka ba talaga Baek sa plano mo? Pupwede pa naman natin to baguhin, di pa naman ito yung takdang panahon." nagaalalang tanong ni Chanyeol.
"Para ito sa kanyang kaligtasan Chanyeol, ito na lamang magagawa ko para maprotektahan siya." ito na lang dahil pag naging tulad namin siya ay hindi na niya kakailanganin ang tulong namin.
"Mukhang sigurado ka na, malapit na ang takdang panahon Baekhyun, sobrang lapit na." tumango ako sa saad ni Kyungsoo.
"Alam ko," tumingala ako at nag-buntong hininga, "at handa na ako."
BINABASA MO ANG
The Last Demon: Wrath
FantasyHindi po ito isang English fic. Pure Tagalog po ito, okie? Well, may pagka-TagLish pero, nvrmind. Set aside niyo na lang po yung title tsaka cover. Haha! Inspired by an AFF story. Kkkk~ Enjoy!