o13
MINA
Nang magising ako ay agad akong lumibas dahil nagtataka ako kung bakit wala manlang nagiingay sa may sala.
Nagtaka ako ng hindi ko nakita si Sehun na nakasalampak sa kama, si Suho at Chanyeol na nagbabasa ng dyaryo at si Kai na naglalaro ng video games.
Pumunta ako sa kusina at inaasahang makikita doon si D.O pero walang taong nagluluto sa kusina.
Ang mas nakakapagtaka lamang dun ay ang mga itim na pakpak at mga pulang palamuti na nasa mga paborito nilang lugar.
Si Baekhyun, nasaan siya.
"Baekhyun," tawag ko ngunit walang sumagot maging ang presensya ng taong mahal ko ay wala din.
"Baek nasan kayo?" tanging malamig lamang ang sumalubong sakin ng lumabas ako sa may balkonahe kung saan inaasahan kong nandoon si Baekhyun ngunit wala siya.
Hindi niya ako iiwan, imposible to.
Pumatak ang luha sa mata ko at yinakap ko na lamang ang sarili ko.
"Baekhyun!"
"Mina!" nabalikwas ako sa pagkahiga ng isigaw ni Baekhyun ang pangalan ko.
Panaginip. Panaginip lamang ang lahat ng iyon.
Yinakap ko agad siya at nagsimula ng umiyak.
"Hindi mo ako iiwan, hindi ba?" naramdaman kong nagulat siya sa saad ko pero tumango na lamang siya.
"Hindi kita iiwan." umayos kami ng upo at nagsimula akong magkwento tungkol sa panaginip ko.
Bakas na mukha neto ang gulat at pagalala pero ngumiti na lamang ako.
"Hindi naman mangyayari yun, hindi ba? Imposible yun." tumango siya at hiniga ako sa kama.
Pumikit na ako at narinig ang sagot niya,
"Hindi yun mangyayari, mahal kita."
Mahal din kita Baekhyun.
BAEKHYUN
Tinawag ako ni Suho kung kaya't pinuntahan ko siya matapos patulugin si Mina.
"Nasaksihan ko ang nangyari kanina Baekhyun."
"Alam ko."
"Alam mo namang mangyayari sa totoong buhay ang panaginip ni Mina, di ba?" tumango na lamang ako at hinawakan ni Suho ang balikat ko.
"Malalagpasan niyo to Baekhyun, magtiwala ka lang." saad niya at umalis na.
Tumingin ako sa langit at naramdaman ang malamig na ihip ng hangin dahil sa nasa balkonahe ako.
Tama, malalagpasan namin to ni Mina. Hinding-hindi ko siya iiwan.
BINABASA MO ANG
The Last Demon: Wrath
FantasyHindi po ito isang English fic. Pure Tagalog po ito, okie? Well, may pagka-TagLish pero, nvrmind. Set aside niyo na lang po yung title tsaka cover. Haha! Inspired by an AFF story. Kkkk~ Enjoy!