oo4
MINA
Nakakaasar pag merong taong nakabuntot sayo. Tsk.
"Ano ba Baekhyun, pwede bang tumigil ka?"
"Bawal, kailangan kitang bantayan ng maigi. Di ka pa nasanay, lagi naman kitang sinusundan."
"Goddamnit Baekhyun, may malaking pagkakaiba yun okay? Nakikita na kita ngayon eh, dati naman hindi ah." nahihirapan ako sa pagkokontrol ng boses ko kasi masama na pag narinig nila ang boses ko na may kausap, sabihan pa nila ako ng baliw.
"Edi umarte kang wala kang pake, madali lang naman yun."
*Tss. Retarded jerk.*
"Hindi."
*Naiinis ako sa mga demonyo at sa kakayahan nilang makapagbasa ng isip ng tao.*
"Eh sa yan ang kakayahan namin."
*Hmmm. Oo nga no, kung di ko sila pwedeng makausap vocally, edi kakausapin ko na lang siya gamit isip.*
"Maganda ang naisip mo Mina." di ko na lang siya pinansin at pumasok na sa room. As usual, those deadly eyes are eyeing me again. Di ko na lang sila pinansin at dire-diretsong pumunta sa upuan ko hanggang sa dumating yung teacher namin.
BAEKHYUN
Kung ang mga tingin ay nakakatunaw, malamang natunaw ko na si Mina.
Tiningnan ko siya habang nagsusulat at dahil curiosity kills the cat binasa ko ito.
^Me. Wrath. Him. Envy. Demons. Soul. Only one answer, Baekhyun.^
Napangisi na lang ako sa nabasa ko.
Ngayon nagtataka ka na kung sino ka ha? Hihintayin kitang ikaw mismo ang magtanung sakin at sasagutin ko agad ang mga yon.
Matutuwa akong maibahagi ang mga nalalaman ko tungkol sayo Mina.
MINA
Natapos na ang klase at pumunta muna ako sa coffee shop na lagi kong binibilhan ng americano.
"One americano please." order ko sa saleslady na nakangiti, di ba siya napapagod? Nakakapagod ngumiti, at magpeke ng lahat.
"Name madam?"
"Nami." tipid kong sagot. Nami, kasi ayokong nakikilala ako sa pangalang Mina, sumpa kasi yan sa mga tao.
"Eto na po Ms. Nami, enjoy your drink." ngumiti ako ng tipid at agad na hinila ang paa ko papalabas ng tindahan.
"Nami. Ang isang pekeng pangalan na ginagamit ng isang taong nagngangalang Yoon Mi Na." tss.
"Kelan ka ba mananahimik Baekhyun?"
"Hmmm, di ko alam, madaldal ako eh." tumigin ako sa kanya at linibot ang tingin ko, nanlaki ang mata ko sa natuklasan ko.
Nakikita siya ng mga---
"Kaya kong magpakita kung kailan ko gusto." great.
"At least kaya na kitang kausapin ng hindi kinokontrol ang boses ko."
"Ang daldal mo."
"Dahil sayo." asar kong saad. Matapos yun ay dumiretso na ako sa apartment at nagluto.
"Hindi ka na nagsasawa sa mga instant foods na kinakain mo?"
"Hindi." wala naman akong budget bumili ng mas mahal na mga pagkain eh.
"Nagtataka ka ba sa sarili mo?" napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangisi.
"Kinahihiligan mo ba iyan?" nagbago ang expresyon niya sa mukha at sumimangot.
"Hilig?"
"Ngumisi at iba pa." tiningnan ko ulit ang linuluto ko at nag-pokus dun.
"Siguro? Sagutin mo ako."
*Oo.*
"Edi magtanong ka na."
*Di ko alam kung paano magsisimula.*
"Ba't ba hindi ka na lang magsalita ng mas madali?" nagulat ako ng makita ko siyang nasa gilid ko na.
"M-may ginagawa ako Baekhyun." pinatay ko na ang kalan at nagsimula ng kumain.
"Napakabait mo naman sa akin Mina, di mo man lang ako binigyan ng pagkain." napatingin ako sa kanya at nagtaka.
"Nagugutom ka ba?" sumimangot nanaman siya dahil dito at sinabi,
"Sa tingin mo." tumayo ako at kumuha ng plato at linagyan ng pagkain ito sabay bigay sa kanya. Kinain naman niya ito.
"Natatakot ka ba?" napatingin ako sa kanya at umiling.
"Hindi na." madalas ko na siyang tingnan sa mata di tulad nung gabing nagpakita siya sakin.
"Magtanong ka na." sabi niya ng matapos na kaming kumain.
"Sino ka ba talaga?" ngumisi siya at sinabi,
"Ako si Byun Baekhyun, namatay sa taong 1994 sa edad na 21. Ako ang Envy sa aming 6 na magkakaibigan."
"Sino... ako?" bago niya sagutin ang aking tanong ay isang katahimikan muna ang bumalot sa amin.
"Ikaw si Yoon Mina, nakatakdang mapatay ng isang guardian upang mapigilan na bumuo samin. Ikaw ang Wrath na bubuo saming 6 at ang mga magulang mo ay sina Oh Ah Ri at Yoon Han Byul."
"Bakit binenta ang kaluluwa ko sa mga tulad niyo."
"Ang mga magulang mo ay may utang kay Lucifer na siyang pinaka-pinuno namin. Matapos kang ipanganak ay may naghanap agad sayong guardian upang patayin ka ngunit di nila ito nagawa."
"Bakit?"
"Dahil naitakas ka ng mga magulang mo at sila ang napatay ng mga guardian na humabol sayo." hinawakan niya ang noo ko na naging dahilan ng pagpikit ko, nagulat ako sa nakita ko.
"Han Byul! Ang anak natin, hindi ito maari!" iyak ng isang nangungulilang ina.
"Wala tayong magagawa Ah Ri, ito ang kanyang magiging buhay." kalmadong saad ng isang ama ngunit bakas sa mukha nito ang lungkot.
Takbo sila ng takbo upang matakas ang kanilang anak sa humahabol na guardians. Napatigil sila ng may isang pamilyar na lalaki ang humarap sa kanila.
"Lucifer," bulong ni ina habang yakap-yakap ang kanyang umiiyak na anak.
"Ibigay niyo na sakin ang bata at siya'y magiging ligtas." saad ng lalaki habang papalapit sa tatlo.
Kinuha ng ama ang bata sa bisig ng ina at ibinigay kay Lucifer.
"Han Byul!" sigaw ng ina ngunit hindi siya pinansin ng ama.
"Wala na tayong magagawa Ah Ri, alagaan mo ang bata." ngumisi si Lucifer at umalis na kasama ang bata.
Iyak ng iyak ang dalawa hanggang sa madakip sila ng guardians at mapatay.
Iniwan ni Lucifer ang bata sa damuhan at,
"Sumuko ka na!" sigaw ng isang pulis na humahabol sa isang lalaking nag-ngangalang Baekhyun.
Mabilis na tumakbo ang lalaki ngunit nakarinig siya ng malakas na iyak galing sa damuhan kaya't lumapit siya dito at nakita ang bata.
Nanlambot ang tingin ng binata ng makita niyang pawang inaabot siya ng sanggol kaya binuhat niya ito at tumigil sa pagiyak ang bata.
"Huli ka." sabi ng pulis at binaril si Baekhyun.
"Alam mo na." dumilat ako at nakita ang lalaking nasa harapan ko. Tumulo ang luha sa mata ko kaya nanlaki ang mata niya.
"Wag." kanyang saad at pinunasan ang aking luha.
"Dalhin mo ko sa lugar na yun," at tumingin sa kanya "pakiusap."
Tumango siya at umalis na kami. Eto na lang ang posible kong gawin, at gagawin ko to.
BINABASA MO ANG
The Last Demon: Wrath
FantasyHindi po ito isang English fic. Pure Tagalog po ito, okie? Well, may pagka-TagLish pero, nvrmind. Set aside niyo na lang po yung title tsaka cover. Haha! Inspired by an AFF story. Kkkk~ Enjoy!