o10
BAEKHYUN
"Bakit ang tamlay ni Ate Mina kanina?" tanong ng nakababata sa akin.
"Oo nga Kuya, tsaka meron pa siyang kwintas na suot-suot, wala naman yan kanina ah." dagdag ni Chanyeol at napansin ko naman ang mapanghusga na tingin sa akin ni D.O.
Ito ang ayoko sa amin eh, kaya naming basahin ang nasa isip ng tao pero di namin kayang mabasa ang nasa isip ng kapwa namin.
"Binili ko ang kwintas na yun kung kaya't humingi siya ng dahilan kung ba't ko binili iyon."
"Ano naman ang sinagot mo?" tanong ni Kai at napatingin ako sa ibaba.
"Ibinili ko ito dahil ito na lang ang maaring maging alaala mo sa amin." agad na tumayo si Suho at hinawakan ako sa leeg.
"Hindi pwede malaman ni Mina ang plano mo Baekhyun, natin." tinanggal ko namang ang kanyang kamay at nagsalita na si D.O,
"Maaring mahilig makipagaway si Mina pero siya'y inosente pa rin at di niya mauunawaan ang sinasabi natin."
"Ikaw ang gumawa ng plano Baekhyun at pumayag na lamang kami dahil ito lamang ang paraan upang maiwasan ni Mina ang peligro." seryosong saad ng kaibigan na si Kai.
"Papalapit na ng papalapit ang oras ng pagkamatay ni Mina, Baekhyun." malungkot na saad ni D.O.
"Alam ko iyon at habang hindi pa nagaganap yon ay gagawin ko muna ang lahat upang di pa siya mamatay." tumango na lamang sila sa sinabi ko.
Mina, para sayo ang gagawin naming to. Malapit na Mina, malapit na.
MINA
Nagising ako dahil sa ingay mula sa labas kung kaya't naisipan kong sumilip.
Di na sila nagsalita ulit pero tumango anim maliban kay Baekhyun. Mukhang tapos na ata ang paguusap nila.
"Anong pinaguusapan ninyo?" gulat silang tumingin sakin at umiling.
"Ka-kanina ka pa jan?" tanong ni Suho sa akin at umiling ako.
"Kakalabas ko lang ng kwarto."
"Ganun ba, tara kumain na tayo Ate, tapos ng magluto si Kuya D.O." napangiti naman ako kay Sehun at agad niya akong hinila papunta sa hapagkainan.
Matapos naming kumain ay agad na pumasok na kami sa eskwelahan ni Baekhyun. Gaya ng dati maraming tumitingin samin pero nasanay na ako kung kaya't di ko na rin ito pinansin, ng makapasok na kami sa silid-aralan ay agad kaming umupo sa upuan.
"Baekhyun," tumingin naman siya sakin at sinabi,
"Ano iyon?"
"Yung sa kahapon, anong ibig sabihin nun?" ngumiti na lamang siya ngunit alam kong ang mga ngiti na yun ay mapait.
Bakit Baekhyun? Bakit?
"Sasabihin ko sayo ang dahilan mamaya, pupunta tayo sa rooftop." tumango na lamang ako at nagsimula na ang klase.
"Baekhyun," tawag ko sa lalaking nauuna sa paglakad sa akin.
"Dalian mong maglakad, sayang oras." kaya hinabol ko siya. Nang makarating kami sa rooftop ay tumingin siya sakin.
"Ano nga Baekhyun---"
"Mahal kita Mina, okay? Mahal kita." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Ma-mahal? Baekhyun---"
"Alam ko namang di mo nararamdaman yung nararamdaman ko eh, tingin mo lang naman sa akin kapatid mo hindi ba?"
"Baekhyun, ano kasi---"
"Bibigyan kita ng oras Mina, hihintayin ko ang sagot mo, oo man yun o hindi." aalis na sana siya ngunit yinakap ko agad siya sa likod.
"Mina,"
"Salamat Baekhyun, maraming salamat." alam kong nakangiti siya ngayon na mas ikinagaan ng loob ko.
"Umalis na tayo dito, magsasara na ang paaralan." agad kaming umalis at naabutan na magulo ang apartment.
"Anong nangyayari dito??!" sigaw ko at tumigil sila sa kaguluhan.
"Si Chanyeol kasi sinira yung mga kitchen utensils, unti na nga lang to sisirain mo pa!" sagot ni D.O at napailing na lamang ako.
"Kuya naman eh! Naglalaro lang naman kami ni Kai eh!"
"Lumapit sakin ang mga may sala sa kaguluhang ito." agad namang lumapit sa akin sina D.O, Chanyeol at Kai.
"Di niyo pa sinama sina Sehun at Suho, tsk." saad naman ni Baekhyun.
"Kami lang ang pwedeng pumigil sa dalawang iyan." pagsabat ni Suho.
"Ano bang nangyari?"
"Naglalaro kasi kami ni Kuya Chanyeol ng espadahan gamit ang walis tambo, eh na tanggal ko yung espada ni Kuya Yeol tumakbo siya at kumuha ng mga kagamitan sa kusina at yun ang ipinanglaban niya,
at dahil nga nagaaway kami eh nagkandayupi-yupi yung mga kagamitan tas naabutan ni Kuya D.O yung mga utensils na sira-sira."
Napatingin naman ako kay D.O na iling lamang ng iling.
"Lahat ba nasira?" tumango naman agad si D.O.
"Lahat na sira ni Chanyeol." mapait na saad niya, napabuntong hininga na lamang ako.
"Bukas, aalis ako, mamimili ako ng pagkain, at dahil sa nangyaring ito sasama ka sakin sa pamimili Kyungsoo." nanlaki naman ang malaking mata ng D.O at ngumiti.
"Hulog ka talaga ng impyerno Mina." napangisi na lang ako sa narinig ko mula sa bibig ni Chanyeol.
"Oh siya, magpahinga na kayong lahat." at pumunta na sila sa kanya-kanya nilang pwesto.
Pupunta na sana ako sa kwarto pero hinila ako ni Baekhyun at yinakap.
"Baekhyun,"
"Nagseselos ako Mina, tandaan mo yan." tapos bumitaw na siya at pumunta na rin sa pwesto niya.
Agad akong pumunta sa kwarto ko at humiga sa kama.
Ang ibig bang sabihin ng 'Saranghae', mahal kita?
BINABASA MO ANG
The Last Demon: Wrath
FantasyHindi po ito isang English fic. Pure Tagalog po ito, okie? Well, may pagka-TagLish pero, nvrmind. Set aside niyo na lang po yung title tsaka cover. Haha! Inspired by an AFF story. Kkkk~ Enjoy!