Chapter 28

14 0 0
                                    

o28

MINA

Lumipas na ang mga araw matapos ang kaarawan ko at napansin kong matagal na ring hindi pumapasok si Kris.

Magpapasalamat pa naman sana ako.

Habang naglalakad ako ay naka kita ako ng isang pamilyar na postura ng isang tao. Si si---

"Yi Fan!" tawag ko at lumingon ito sa akin. Lumapit ako sa kanya at sinabi,

"Salamat nga pala sa pagtulong sa akin nung nakaraang araw ah?" umiling naman ito,

"Pumunta ka sa parke mamaya." at umalis na ito.

Anong gagawin ko sa parke?

Matapos ang klase ay agad akong pumunta sa parke at nakitang nakaupo si Kris sa bench, umupo ako sa tabi niya.

"Anong kailangan mo?" tanong ko at ngumisi ito.

"Hindi ka pa rin nakakapag-desisyon ano?" umiling ako.

"Hi-hindi pa." nakaramdam ako ng kaba pero isinantabi ko ito.

Naramdam kong naninikip nanaman ang dibdib ko. Ito yung nangyari sa akin sa café--- saglit,

Nanlalaki ang mata ko ng tiningnan ko si Kris na mas lalo pang lumawak ang ngisi.

"Huli ka na." at lalong humigpit pa ito, mas mahigpit sa naramdaman ko dati, mas mahigpit sa ngayon.

"K-kris," tanging saad ko ngunit alam kong wala nang boses na lumabas na bibig ko.

Biglang may anim na lalaking sigurado akong kilala ko at binitawan ako ni Kris. Naghahabol ako ng hininga pero nandidilim pa rin ang paningin ko.

Sinubukan kong mag-pokus sa labanan nangyayari sa harap ko pero nanghihina na ako. Gusto ko ng magpahinga.

"Bae-baekhyun," tanging bulong ko at biglang naglaho si Kris at nagiwan ng abo.

Tumakbo sakin ang anim at saktong nandilim na ang buo kong paningin ngunit ramdam kong may nakasalo sa akin.

"Tapos na."

AUTHOR

Akala nila ay papatayin talaga ni Kris si Mina pero mali sila. Plano din ng anim na panatilihan ang pagiging mortal ni Mina sa mundong ibabaw.

Ang tanging gusto lamang ni Kris ay mabuhay si Mina bilang isang simpleng tao dahil alam niyang mas magiging mahirap ang buhay ni Mina kung siya'y magiging Wrath.

At ang tanging paraan lamang para mapigilan siyang maging Wrath ay ang mapigilan ang huling oras ni Mina sa mundong tinatapakan niya ngayon.

The Last Demon: WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon