o17
BAEKHYUN
"Mina, kumain ka na."
"Mina, lalabas ka ba ngayon?"
"Mina, masama ba ang pakiramdam mo?"
"Mina, mamimili ako ng gamit, gusto mo sumama?"
Yan ang mga sinabi ng apat kanina habang kinakatok si Mina sa kwarto niya. Tanging si Sehun at ako na lamang ang hindi pa nagtatanong sa kanya.
"Baekhyun, anong pinasok mong gulo?" asar na tanong ni Suho.
"Nadala ako ng galit kaya magkaaway kami ngayon."
"Pucha, sana kinrontol mo ang sarili mo!" sigaw ni Chanyeol.
"Yun na nga problema ko eh! Hindi ko na-kontrol!" nanahimik sila sa sigaw ko.
"Bakit?" tanging saad ni D.O.
"Lumamang ang galit kaysa sa katinuan ko nung gabing yun! Lalo na't masama din ang dahilan ng kina-galit ko." alam nilang magkaaway kami ni Mina, pero hindi nila alam kung anong dahilan.
"Edi sabihin mo sa amin ang dahilan." simpleng saad ni Kai.
Nagbuntong hininga ako at sumagot, "Guardian." nanahimik naman sila sa saad ko.
Nagulat kami ng tumayo si Sehun at naglakad.
"Saan ka pupunta Sehun?" tanong ko at tinuro niya ang kwarto ni Mina at kumatok.
"Sino yan?" saad ng boses galing sa loob ng kwarto.
"Ate, si Sehun to. Papasok ako?" nanlaki ang mata namin sa naging tanong ni Sehun pero pinanuod na lamang namin siya.
"Iiyak yan mamaya pag di siya pinapasok." pang-aasar ni Kai sa bata.
Nagulat kami ng narinig naming bumukas ang pinto at nakita naming pumasok na si Sehun at linock nila ang pinto.
"Pano nagawa yun ni Sehun?" gulat na tanong ni Chanyeol.
"Malapit sa isa't isa si Mina at Sehun, magkapatid ang turingan nila sa isa't isa." sagot ko at bumalik na kami sa paguusap.
"Anong meron sa guardian?" tanong ni D.O habang ngumunguya.
"Nakakausap ni Mina yung guardian."
"Ano??!" sabay-sabay na sigaw ng apat at tumango lang ako.
"Pero masama iyon! Pano pag bigla na lang siyang patayin?" saad ni Suho kung kaya't napa-iling ako.
"Ba't ka umiiling?"
"Dahil hindi naman pala ganun kasama ang guardian na inaasahan natin." sagot ko sa tanong ni Chanyeol.
"Panong hindi ganun kasama?" tiningnan ko si Suho at sumagot,
"Hindi siya yung tipo ng taong susulpot sa tabi mo at agad kang papatayin. Gaya ng sabi ni Mina." nag-buntong hininga kaming lahat, napansin kong nakatingin si Kai sa pinto ni Mina kaya tinanong ko siya,
"Ba't ka nakatingin doon Kai?" tiningnan niya ako at sumagot,
"Mukhang di rin naman magtatagal ang galit sayo ni Mina eh, bigyan mo lang ng oras mawawala din yan."
"Tama siya Baekhyun, bigyan mo muna ng onting pahinga si Mina, mukhang napagod din siya sa away niyo kagabi eh." pagsangayon ni D.O.
Panahon, tama, oras ang kailangan. Malalagpasan natin ito Mina, hindi ba?
BINABASA MO ANG
The Last Demon: Wrath
FantasyHindi po ito isang English fic. Pure Tagalog po ito, okie? Well, may pagka-TagLish pero, nvrmind. Set aside niyo na lang po yung title tsaka cover. Haha! Inspired by an AFF story. Kkkk~ Enjoy!