Chapter 6

21 1 0
                                    

oo6

MINA

Lumabas na agad ako ng kwarto pagkatapos kong maligo at magbihis, nadatnan kong nagluluto si Kyungsoo, at naglalaro si Sehun ng games sa cellphone ko.

Nasan si Baekhyun?

"Hinahanap mo ba ako?" tanong ng boses na galing sa likod ko kaya hinarap ko ito.

"At sino naman nagsabi sayo?" mataray kong tanong at ngumisi na lang siya.

"Ang isip mo." umalis na siya at pumunta na kaming lahat sa kusina upang kumain.

"Dun sa kahapon---"

"Oo na Baekhyun, alam ko namang walang ibig sabihin yun eh, para lang yun sa kaligtasan ko." pagputol ko sa sasabihin niya. Nanahimik siya at tumingin sa baba.

"May problema ba?" tanong ko ngunit ngumiti lang siya at in-excuse ang sarili niya.

Anong problema nun?

"I can tell but I can't say." huh?

"Ang sabi ni Sehun, alam niya ang dahilan pero di niya pwedeng sabihin." sagot ni Kyungsoo habang ngininguya ang pagkain.

"Kailangan mong malaman ang dahilan sarili mo mismo Ate." sabay kindat ni Sehun.

"Aish, aalis na ako." tapos tumayo na ako at pinuntahan si Baekhyun na nasa kwarto.

"Anong ginagawa mo Baek?" nagulat siya at tinago ang sinusulat niya.

"Wa-wala to, tara na?" at tumango ako tsaka kami lumabas ng apartment.

Gaya ng dati, pares pares ng mata ang nakatingin sakin pero nagulat ako ng hawakan ni Baekhyun ang kamay ko.

*Anong ginagawa mo?*

"Di naman nila ako nakikita eh, walang problema yun."

*Bakit ang tanong ko.*

"Natatakot ka, yan ang dahilan." napa-buntong hininga na lang ako dahil tama siya.

Pumasok na ako sa classroom at saktong dumating din ang professor namin.

"Pumasok ka na pala Ms. Yoon." sabi ni sir at tumango na lang ako. Di kasi ako pumasok kahapon.

"Da't umalis na yan dito!" sigaw ng lalaki kong kaklase. Napa-yukom na lang ako ng kamao.

"Tama!" pag-sangayon ng mga kaklase ko.

"Hindi naman kasi talaga siya bagay dito eh." dagdag pa neto at sinamaan ko siya ng tingin.

"Tama!"

*Papatayin kita.*

Nagulat kaming lahat ng biglang napatayo ang lalaki habang hawak hawak ang leeg niya.

*Baekhyun...*

Nakita ko ang mukha niya at galit na galit siya, nahihirapan ng huminga ang kaklase ko ngunit walang ni-isa sa amin ang gumagalaw.

"Sir! Anong nangyayari!" sigaw ng isang babae kong kaklase ngunit napangisi si Baekhyun gayun din ako.

Tumitirik na ang mata ng kaklase kong sinasakal ni Baekhyun kaya nanlaki ang mata ko.

"Tumawag na kayo ng nurse!" sigaw ng professor namin at agad silang tumawag ng isa.

*Baekhyun! Tama na! Mamatay siya!*

Tumingin sakin si Baekhyun at binitawan ang lalaking nahimatay na sa pagod.

"Kaya ko naman siyang patayin gaya ng gusto mo ah?" napaismid na lang ito sakin.

*Hindi sa ganitong paraan.*

"Oo na. Tss." nanahimik na lang siya at dumating na ang nurse at binuhat ang kawawang lalaking naghahabol pa rin ng hininga kahit na nahimatay na ito.

Ng matapos ang klase ay dumiretso na ako sa locker at ito nanaman sila.

"Andito ka na pala." sabi ng isang babae.

"Anong kailangan niyo?"

"Umalis ka na dito, salot ka lang! Balak mong patayin si Rayi no!" so Rayi pala pangalan nun.

"Wala akong pake sa kanya." tinulak nila ako at nagsimula ng gawin ang dapat nilang gawin.

Di ako nakapagtimpi at tinulak ang isa sa kanila. Na-miss ko ding makipagaway no.

"How dare---"

"Sino ka ba?" blanko lamang ang tingin ko pero halatang natatakot na ang isang ito.

"Seryoso ka? Di mo siya kilala? Tao ka ba talaga!" ngumisi na lang ako.

"Demonyo ako at nasa impyerno kayo." natakot sila sa sinabi ko at nagsimula ng tumakbo ang isa hanggang sa dalawa na lang ang natira.

"Ba't di pa kayo tumakbo? Hmmm." tiningnan ko ang dalawa at napansing nanginginig na sila.

"Pano ba yan? Cornered kayo." napa-ngisi na lang ako.

"Hi-hindi k-kami na-natatakot!" sigaw ng isa at sinamaan ko siya ng tingin.

*Mamatay ka.*

Sa isang kisap mata nakalutang na siya habang sakal sakal ni... sino pa ba?

"Tigilan niyo siya o isa-isa ko kayong papatayin." saad ni Baekhyun, nagpapakita siya sa kanila ngayon.

"Hi-hindi na! Bitawan mo lang siya!" lakas-loob na saad ng kasama neto at binitawan ni Baekhyun ang babae. Agad na tumakbo ang dalawa.

"Demonyo!" sigaw ng isa at ngumisi ako at napatingin kay Baekhyun.

"Salamat." at yinakap siya, naramdaman kong nagulat ito ngunit di ko ito pinansin.

"Mina," para bang kanta ang tinig niya habang sinasabi ang pangalan ko.

"Saranghae..." dagdag neto at binitawan ko siya.

"Anong ibig sabihin nun?" tanong ko ngunit ngumiti lamang siya.

"Wala, tara na." saad niya at bumalik na kami sa apartment.

Ano naman kayang mangyayari bukas?

The Last Demon: WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon