oo7
MINA
Nagpaalam na kami ni Baekhyun sa dalawang busy kumain.
"Ate! Pasalubong ko ah!" sigaw ni Sehun bago kami lumabas at dumiretso sa school.
"Ipaalala mo sakin yung bubble tea ni Sehun." tumango na lang si Baekhyun.
Pumasok kami ng maraming nakatingin sakin, samin. Nagulat ako ng nakaregister si Baekhyun sa log ng school.
Paano nangyare yun? Imposible.
"Lahat posible para sa isang demonyong tulad ko." sabi ni Baekhyun at kumindat. Nauna siyang pumasok sa room at ngayon ko lang napansin na naka-uniform din pala siya. Kilala siya ng mga kaklase ko. Wow.
"Mr. Byun, sa wakas, pumasok ka din." ngumisi na lang ang katabi ko ng pumasok ang professor namin.
"Well." sabi na lang neto at tumingin sakin ng nakangisi.
*Byun Baekhyun, tsk tsk tsk.*
Ng break na namin ay biglang may pumasok na lalaking merong nakakagulat na height.
"Kuya Baekhyun!" sigaw neto at yinakap ito.
"Park. Chanyeol. Di. Ako. Maka. Hinga."
"Sorry Kuya." sabi nung Chanyeol at tumingin sakin sabay ngiti.
"Hi Yoon Mina!" bati niya habang kumakaway.
"Ang weirdo naman ng mga kaibigan ni Mina."
"Walang matinong kaibigan."
"Creepy."
"Hoy! Manahimik nga kayo! Kaya ko kayong patay---" inapakan ko ng malakas ang paa niya at sinamaan siya ng tingin.
*Chanyeol whoever-you-are, shut up okay?*
Nag-kibit balikat na lang siya since nabasa naman agad niya ang nasa isip ko.
Nag-stay siya sa room pero di na lang siya pinansin ng teachers, kami, di kami pinapansin.
"Bibili pa tayo ng bubble tea." paalala ni Baekhyun pagkalabas namin.
"Para kay Sehun no?" tumigil ako sa paglalakad at hinarap yung Chanyeol.
"Magpakilala ka sakin ng maayos." nagpout na lang siya sa sinabi ko.
"Fine, ako si Park Chanyeol, ako ang nag-rerepresent sa Greed!" pagpapakilala niya at pumalakpak ng parang bata.
*So Lust at Pride na lang kulang huh?*
"Pati ikaw." nagulat ako sa sinabi ni Baekhyun.
"Ako?"
"Kulang pa ang Lust at Pride, pati ikaw."
"Oh." wrath.
Pumunta na kami sa bubble tea shop at bumili ng dalawang bubble tea.
"35 won po lahat." binuksan ko ang wallet ko at nagulat. Pano naging 25 won na lang to?
"Mukhang ang babae dito ay nakulangan sa pera ha? Miss oh, para dun sa bubble tea ni Maknae at para sa kanya rin." turo sakin ng isang hindi kilalang lalaki at binayaran ang bubble tea namin ni Sehun.
"Okay sir."
"Hoy! Ikaw---"
"Mina, siya si Suho hyung, rinerepresent niya ang Pride." kaya pala.
"Ang bait mo naman ata Baekhyun, ako si Kim Joonmyeon, tawagin mo akong Suho." pagpapakilala niya at inirapan ko na lang ito.
"Eto na po ma'am." at kinuha ko na ang bubble tea. Naglakad na kami at out of place ako since magkausap ang tatlong demonyo.
"Ate Mina!" yinakap naman agad ako ni Sehun at hindi niya ata napansin sina Chanyeol at Suho.
"Nasan bubble tea ko Ate?" inabot ko sa kanya ang bubble tea niya at nagsimula na siyang humigop dito.
"Oh, Kuya Suho, Chanyeol." saad ng kakalabas lang galing kusina na si Kyungsoo.
"D.O!" nagtatalon na lumapit si Chanyeol kay Kyungsoo para yakapin ito ngunit pinigilan siya ni Kyungsoo.
"Gusto mong mamatay ulit?" tumawa na lang kami dahil dito.
"Kuya Suho." nanlaki ang mata ni Sehun at ngumiti naman si Suho.
"Kala ko di mo na ako mapapansin." sabi niya at inakap si Suho.
"Ang cute nila."
"Talaga." tiningnan ko si Baekhyun ng may mapanuring mata at napansin niya agad ito.
"Anong problema mo?"
"Ba't ganito kayo? Kala ko yung mga demons panget ba't parang iba kayo."
"Sabihin mo na lang kasing gwapo kami." nginisian niya ako pero umirap na lang ako.
"Oo na." sabi ko na lang habang nagsasaya sila ay pumunta akong kwarto at umiglip.
BAEKHYUN
"Nasan si Jongin?" tumingin kaming lahat kay Suho.
"Ewan, darating din yun." sagot naman ni Chanyeol at saktong may kumatok sa pinto.
"Speaking of the devil." nakangising saad ni Sehun.
"Ako na lang." tumakbo si Kyungsoo at binuksan ang pinto kaya tumayo kaming lahat.
"Lust," tawag ko at ngumisi ito.
"Missed me?"
MINA
Dahil sa init pumunta ako sa banyo para maligo.
*Gising pa din sila.*
Tiningnan ko ang salamin at nakitang steamy ito.
*May gumamit ba ng banyo ko?*
Akmang huhubarin ko na sana ang shirt ko pero may nakita akong lalaking naka-towel lang.
"Ah---" tinakpan niya agad ang bibig ko.
*Lust.*
"Hmmm. Kilala mo ako huh?" nakiliti ako sa ginawa niya dahil bigla niyang hinalikan ang leeg ko.
"Hindi no." umiwas ako sa kanya dahil alam kong mali ito. Mahirap siyang kontrolin kung gustong-gusto niya ang s*x. Siya ang lust hindi ba?
"Gusto mo bang makaramdam ng pleasure?" palapit siya ng palapit.
*Hell no! Pagnawala ang virginity ko ng dahil sayo magpapakamatay ako.*
"Virgin ka pa? Mas gusto tuloy kitang kainin." dinilaan niya ang labi niya at nanlaki ang mata ko.
*Byun Baekhyun!*
Matapos ang isang kisap mata ay biglang nagbukas ang pinto at may yumakap sakin. Ang amoy na ito,
"Baekhyun..."
"Lumagpas ka na sa linya Kai." Kai?
"Kumalma ka muna dude, ng aasar lang ako." lumabas na yung Kai at tiningnan ko si Baekhyun.
"Pasensya na kung tinawag kita ah." bumitaw siya sa yakap at tiningnan ako.
"Ok lang yun Mina, andito lang ako palagi, saranghae." umalis na siya matapos sabihin yun.
Saranghae? Ano bang ibig sabihin ng salitang yon?
BINABASA MO ANG
The Last Demon: Wrath
FantasyHindi po ito isang English fic. Pure Tagalog po ito, okie? Well, may pagka-TagLish pero, nvrmind. Set aside niyo na lang po yung title tsaka cover. Haha! Inspired by an AFF story. Kkkk~ Enjoy!