Chapter 29

14 0 0
                                    

o29

MINA

Ilang araw na ang makalipas ng mangyari ang incidenteng yun pero walang ni-isa samin ang nagtangkang pagusapan ito.

Mas masaya na kaming pito kaysa dati na lagi silang nagaalala sa akin pero ngayon, dahil wala na si Kris ay tahimik na ang buhay namin ngayon.

Maliban rin rito ay parang walang kakaibang nangyayari sa akin. Ang saad sa akin ay mawawala ang alaala ko pero wala pa rin.

"Mina," rinig kong saad ng isang boses na nanggagaling sa taong yumakap sa akin galing sa likod.

"Bakit? Hihihi, Baek! Nakikiliti ako!" saway ko ng amuyin niya ang leeg ko, humarap ako sa kanya at nadatnang nakangisi siya.

"Aalis kaming anim, pupunta kami sa Everland, sama ka?" nanlaki ang mata ko at agad na tumango.

"Saglit. Magbibihis lang ako!" at agad akong kumuha ng mga damit sa cabinet. Narinig ko munang tumawa si Baek bago siya lumabas sa kwarto ko.

Hmph.

Paglabas ko ay naguusap-usap sila at napatingin sa akin ng napansing andito na ako.

"Ate! Ang tagal mo! Tara na!" hinila ako ni Sehun at natawa na lang ako.

"Sehun!" rinig kong tawag ni Baekhyun pero tumakbo pa rin kami ni Sehun.

Nang makarating kami sa Everland ay agad kaming sumakay sa mga rides. Matapos neto ay naglibot naman kami pero-

"Huh?" linibot ko ang tingin ko at nakita kong tanging si Baekhyun na lang ang nasa tabi ko.

"Nasaan yung lima?" ngumisi na lang ito.

"Humiwalay, bibigyan tayo ng time." ngumiti na lang ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ito.

"Saan tayo pupunta?" ngumiti na lang ito.

"Sa magandang lugar." at lumabas na kami sa Everland.

The Last Demon: WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon