Chapter 2

60 1 0
                                    

oo2

MINA

Ugh~ binuksan ko ang mata ko at nakita ang itim na pakpak sa lap ko. Napa-isip nanaman ako.

Aish, ano ba yan, meron nanamang pakpak dito. Imposible namang anghel to, itim eh.

"Hindi ako ang anghel mo Mina." yan nanaman.

Di ko na lang pinansin ang boses at naligo na, pagkatapos nun ay nagbihis na ako at tumingin sa salamin.

Mukha ako patay, ang putla ng mukha ko, parang wala akong dugo. Walang emosyon ang mukha ko... tao ba talaga ako?

Hinawi ko ang buhok ko at hinawakan ang kalahating araw sa likod ng aking tenga. Kala ng iba ay isa itong tattoo pero hindi, parang isa itong balat.

Pumasok na ako sa school at maraming pares ng mata nanaman ang nakatingin sakin.

"Dapat lumipat na siya dito."

"Monster. Tskkk."

"Inaway niya yung boyfriend ni Sae Hee ah."

"Oo nga eh."

"Wala nanaman siyang kaibigan."

Napa-ngisi na lang ako sa mga naririnig ko.

*Kaya ko kayong patayin ng isang tinginan lang. Hintayin niyo.*

Pumunta na ako sa room at umupo sa silya ko. Dumating ang guro namin at nagsimula nang mag-discuss kaya nakinig na lang ako.

BAEKHYUN

Nasa likod lang ako at pinapanuod siyang makinig. Bakit ba siya sinusumpa ng lahat? Mabait naman siya at kung ano-ano pa. Sadyang madali lang siyang magalit.

Ng matapos ang kanyang klase ay sinundan ko siya at di ko inaasahan ang makikita kong pangyayare dito.

"Mina..." bulong ko.

MINA

"Nakakainis ka! Salot ka sa school na to!" sigaw sakin ng isang babaeng di ko kilala at tinadyakan ako na naging dahilan ng pagupo ko sa sahig.

Masakit, gusto kong umiyak, pero di ko pwedeng ipakita sa kanila na mahina ako.

Patuloy nila akong binugbog pero di ako kumibo at tiningnan lang sila ng blanko.

"Tapos na kayo?" Ngumisi ang isa sa kanila sa tanong ko.

"Nagsisimula pa lang kami." sagot niya at umalis na sila.

Dahan-dahan akong tumayo sa pagkaupo ko at umiyak.

*Magisa na lang ba talaga ako?*

Naramdaman ko ang isang yakap galing sa likod ko ngunit wala namang tao sa kwartong ito maliban sakin.

Dahil dito, gumaan ang pakiramdam ko dahil sa init neto.

"Salamat... kung sino ka man."

BAEKHYUN

Nakita ko siyang umiiyak at sinabi niya sa isip niya na magisa na lang siya kaya yinakap ko siya mula sa likod at naramdaman kong medyo gumaan ang pakiramdam niya.

"Salamat... kung sino ka man." rinig kong sabi niya sa isip kaya ngumiti ako.

"Walang anuman." bulong ko sa tenga niya at alam kong narinig niya ako.

Di ka nagiisa Mina, lagi lang akong nasa tabi mo.

MINA

Matapos ang nangyari kanina ay lumabas na ako at dire-diretsong pumunta sa apartment.

Kanina, habang nararamdaman ko ang init ay may bumulong sakin ng 'Walang anuman.' na ikina-bigla ko pero di ko na lang pinansin ito.

Naligo na ako at papa-higa na sana ako ng may narinig akong kumatok sa pinto ng apartment ko.

Binuksan ko ang pinto at nagulat sa nakita ko.

"Mr. Kwon." tawag ko sa lalaking lasing sa harapan ko. Siya ang may ari ng apartment kaya mukhang sisingilin na niya ako dahil hindi pa ako nagbabayad sa renta.

"Mr. Kwon, pasensya na pero wala pa akong pera pambayad sa upa ko." tamad kong saad ngunit ngumisi lang siya at pumasok sa unit ko.

Dapat umalis na siya!

"Kahit wag mo na akong bayaran Mina, pasayahin mo lang ako sa gabi, sapat na." sabi niya at hinaplos ang pisngi ko ngunit itinabig ko lang ang kamay niya.

Manyak.

"Wag kang lalapit at higit sa lahat wag mo kong hahawakan."

"Bakit naman Mina?" sabi niya habang papalapit ng papalapit. Hindi siya natatakot sakin, halata naman eh.

"Dahil," nabigla ako sa sobrang lapit niya kaya nasapak ko siya. Nakita kong namumula na siya sa galit at kumuha siya ng kutsilyo, tumakbo siya papalapit sakin at pinikit ko na lang ang mata ko.

*Kung katapusan ko na. Mamatay ka din sana.*

Napadilat ako ng padabog na sinara ang pinto at wala na si Mr. Kwon, nandito lang siya kanina ah?

Lumabas ako para silipin ang nangyayari dahil narinig ko ang mga chismis sa kanila.

"Patay na si Mr. Kwon ah."

"Natagpuan raw siyang patay sa bakanteng lote sa likod."

"Baka pinatay ni Mina."

Sinara ko na lang ang pinto dahil sa narinig ko. Lahat sila ayaw sakin. Ang mga kaklase ko, ang mga kasama ko dati sa bahay-ampunan, at ang mga kapitbahay ko.

Ano bang ginawa ko sa kanila? At ganito nila ako kaayaw?

The Last Demon: WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon