Chapter 5

33 1 0
                                    

oo5

BAEKHYUN

Pumunta kami sa lugar kung saan namatay ako at ang mga magulang niya.

Ng makarating kami sa nasabing lugar ay napaluhod siya at umiyak. Gustuhin ko man siyang yakapin ay hindi ko magawa. Alam kong kailangan niyang maging mapagisa sa ngayon.

"Sinumpa nga siguro talaga ako." iling lamang siya ng iling kaya di ko na napigilan at yinakap siya.

"Hindi."

"Simula pa noon nagiisa na ako." sabi niya at linagay ang ulo niya sa dibdib ko.

"Nandito lang ako Mina."

MINA

Nang linapag ko ang ulo ko sa kanyang dibdib ay wala akong naramdamang kumakabog na dibdib.

Patay na siya Mina, patay na.

"Nandito lang ako Mina." napatingin ako sa kanya at lumayo ng kaunti.

"Pano mo masasabi yan? Eh gaya mo, iiwan mo lang din ako." mapait kong saad.

"Patay ako, oo, ngunit gagawin ko lahat ng aking makakaya upang di ka malagay sa alanganin."

"Bakit?" napatingin naman siya sakin ng merong mukhang nagtataka.

"Bakit ano?"

"Isa kang demonyo, pero ba't ang bait mo?" natawa siya sa sinabi ko at sumagot,

"Naging tao pa rin kami Mina, at ngayon nasa lupa ako, kalahating demonyo na lang ako."

"Ganun ba? Salamat nga pala ah." umiling na lang siya.

"Wala yun, umuwi na tayo." at umuwi na kami.

BAEKHYUN

"Magpapahinga lang muna ako." rinig kong saad ni Mina pagkadating namin sa apartment.

"Pagod ka?" tanong ko at tumango siya.

"Masyadong maraming nangyari sa araw na to." kanyang sagot at pumasok na sa kwarto. Di na lang ako sumunod at umupo sa sofa tsaka nanuod ng telebisyon.

*knocks*

May kumatok sa pinto at agad ko itong binuksan, nagulat na lamang ako sa taong nasa harap ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

MINA

Nagising ako sa isang mabangong amoy galing sa kusina. Sinong nagluluto?

Lumabas na ako at nakita kong nakaupo lang si Baekhyun habang nanunuod ng telebisyon, pumunta ako sa kusina at nakitang may nagluluto nga.

Humarap ito sakin kaya nanlaki ang mata ko. Bilog ang mga mata neto at may hugis puso na labi, ang ganda.

"Salamat!" sabi niya at lumapit sakin.

"Kyungsoo anong- Mina, gising ka na pala?" gulat na saad ng taong kararating lang sa kusina.

"Oo, kukuha sana ako ng inumin, sino siya?" aking tanong at ngumiti ang nasabing tao.

"Ako si Do Kyungsoo, ako naman ang Glutton. Namatay ako sa taong 1993 at sa edad na 18." pagpapakilala neto.

"Ako naman si Yoon Mina."

"Alam ko, ang ganda niya pala talaga Baekhyun." eh?

"Kyungsoo, manahimik ka."

"Okay. Mina! Gusto mo bang tikman ang iniluto ko?" tanong neto sakin at marahan akong tumango kaya hinila niya ako.

Tinikman ko ang sopas na kanyang iniluto at nanlaki ang mata.

The Last Demon: WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon