o12
MINA
Hindi na humihiwalay sakin si Baekhyun pero hindi rin ako naiirita sa pagiging madikit niya sakin.
"I love you." bulong niya sakin sa gitna ng hapag-kainan kaya tumawa na lang ako ng mahina.
"Na do." bulong ko pabalik.
"Baekhyun," napaghiwalay kami sa tono ni Suho at napatingin sa kanya.
"Mamaya, aalis tayo ibig sabihin nito ay hindi mo masasamahan si Mina sa pasok niya." sumimangot na lang ako.
"Kung kelan naman sanay na akong kasama si Baekhyun iiwan niya ako." nanlaki ang mata ng anim sa sinabi ko. May mali ba doon?
"A-ano, umalis ka na Mina, babalik naman kami agad eh." napakamot sa batok si Chanyeol at tumango na lamang ako.
"Bye." saad ko at hinalikan ang pisngi ni Baekhyun tsaka sila umalis at nagiwan ng ilang itim na pakpak at pulang mga kinang.
Lumabas na din ako at ng makarating ako sa paaralan ay merong lugar kung saan nag-kukumpulan ang mga tao.
Napatingin ako sa taong pinalilibutan nila at nanlaki ang mata sa kadahilanang nakatingin siya sakin at siya rin ang nakita namin sa tindahan nung nakaraan.
Naglakad na lamang ako ng mabilis na para bang walang nangyari at ng makapasok ako sa silid aralan ay agad akong umupo at huminga ng maluwag.
Dumating na ang guro at merong siyang kasamang lalaki kaya napatingin ako sa itaas. Mukhang di ako makakatakas.
"Isa siyang bagong estudyante dito, Mr. Wu,"
"Ako si Wu Yi Fan, tawagin niyo na lamang akong Kris." tumingin siya sakin at ngumiti ngunit ang ngiting yun ay merong ibang ibig sabihin.
"Sige Mr. Wu, umupo ka muna sa upuan ni Mr. Byun dahil hindi naman siya papasok ngayon." I'm doomed.
Lumapit sa akin si Kris at umupo sa upuan sa tabi ko at lumihis na lamang ako ng upo.
"Mina," nabigla ako ng kanyang tawagin ang pangalan ko.
"Paano mo ako nakilala?" tumingin na ako sa kanya at nadatnang nakangisi siya.
"Panigurado alam mo ang dahilan," tama. Alam ko nga.
Natapos na ang klase at pumunta ako sa café pero sumusunod pa din siya.
Tatawagin ko na ba si Baekhyun?
"Wag muna, may sasabihin lang ako sayo." umupo siya sa upuan sa harap ko at tumingin sa mata ko.
"Gusto mo ba talagang maging Wrath." nabigla ako sa tanong niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"May paraan pa para mapigilan ito Mina."
Pero alam kong makakalimutan ko ang anim na yun kahit hindi nila sabihin sakin.
"Tama ka, mawawala ang mga alaala mo, kahit na maging ikaw si Wrath at kahit na mapigilan mo ito." ano?
"Walang paraan para panatilihin ko ang alaala ko sa kanila?" gulat kong tanong pero ngumisi na lang siya.
Naramdaman kong naninikip ang dibdib ko at di ako makahinga kung kaya't hinawakan ko ito at pinilit na huminga.
A-anong nangyayari?
"Ang tanging paraan lamang dun ay ang patayin ka." nanlaki ang mata ko sa saad niya.
Bumalik sa dati ang paghinga ko at nilibot ko ang tingin ko sa café.
Parang walang nangyari.
"Pero hindi pa ito ang oras mo." tumayo na siya at akmang aalis na pero hinarap niya ulit ako.
"Magkikita pa tayo."
Umuwi na ako at ng makapasok ako sa bahay at agad akong sinalubong ng yakap ni Baekhyun.
"Baek---"
"Okay ka lang ba? Wala bang masamang nangyari sayo?" natawa na lang ako sa naging reaksyon.
"Ok lang ako." ang raming nagbago sakin ng makilala ko ang anim na ito. Kung dati'y akala ko'y di na ako magbabago ay nagbago ako.
Kung kaya't di ko kayang iwanan ang alaala ko dahil sila ang pamilya ko.
BINABASA MO ANG
The Last Demon: Wrath
FantasyHindi po ito isang English fic. Pure Tagalog po ito, okie? Well, may pagka-TagLish pero, nvrmind. Set aside niyo na lang po yung title tsaka cover. Haha! Inspired by an AFF story. Kkkk~ Enjoy!