o25
MINA
"A-aw," daing ko at umupo sa kama. Ang sakit ng ulo---
Wait, kama?
Linibot ko ang tingin ko at nanlaki ang mata ko.
Pano ako nakarating dito??!
"Sinundo ka naman dun sa warehouse." saad ni Baekhyun na kakapasok lang. Sumimangot naman ako.
"Ang tagal ng rescue mo."
"Ang tagal mo ding tawagin ako eh." linapag niya ang tubig at binigyan ako ng pain reliever.
"San ka nakakuha niyan?" ininom ko agad ang gamot.
"Sa cabinet mo." ay, oo nga pala.
Umupo siya sa tabi ko at saktong pumasok ang limang bata.
"Mina!" "Ate Mina!"
Agad na lumapit sakin si Sehun at yinakap ako.
"Aray Sese, masakit." ismid ko at humiwalay ito.
"Sorry Ate ah, nagalala lang talaga ako, tatlong araw ka na kasing tulog eh." ano??!
"Ta-tatlong araw??!" sigaw ko.
"Oo, ano bang nangyare Mina?" tanong ni Suho at inalala ko ang mga nangyari.
Yung nagligtas saking lalaki, sino nga ba yun? Si, si---
"Yung guardian." ayt! Oo nga pala! Si Kris!
"Nasaan si Kris? Nadatnan niyo ba siya?" umiling sila sa tanong ko.
"Hindi Ate eh, umalis na ata yung guardian nung makarating kami." tumango na lang ako at tiningnan sila isa-isa.
"Mukha namang alam niyo ang buong istorya eh, kung kaya't di ko na ito ikukwento." sila naman na ang tumango.
"Handa ka na ba bukas?" napaisip ako sa tanong ni Kyungsoo. Bukas anong bang?---
"Nakalimutan mong birthday mo Mina?" nanlaki ang mata ko sa saad ni Kai.
"Birthday ko? Hindi ko nga alam na may kaarawan ako eh." sumimangot naman sila.
"Ngayon alam mo na." nakangising saad ni Baekhyun.
Matapos naming magusap ay umalis na ang lima at tumingin sa akin si Baekhyun.
"Mina,"
"Hmmm."
"May sasabihin ako sayo." saad niya at pinatong ang ulo niya sa balikat ko.
"Ano iyon?"
"Malapit na Mina." napatingin naman ako sa kanya.
"Ang alin?" nagtataka kong tanong.
"Yung takdang araw." ah, kung kailan ako papatayin ni Kris.
"Mukha nga, wag na muna nating problemahin yun. Ang pagusapan natin kung anong gagawin natin bukas." ako naman ang nagpatong ng ulo ko sa balikat niya.
"Anong gusto mo?" hmmm, aha!
"Magpunta kaya tayo sa parke at dun kumain." saad ko.
"Parke? Kakain? Pero maghahanda pa tayo nun." tumango ako.
"Oo nga, edi bukas ng umaga, sabihin mo na lang sa lima na maghanda kasi aalis tayo. Lalo na kay D.O, siya pa naman magluluto." humiga na ako sa kama at hinalikan niya ang noo ko.
"I love you."
"I love you too." at umalis na ito.
BINABASA MO ANG
The Last Demon: Wrath
FantasyHindi po ito isang English fic. Pure Tagalog po ito, okie? Well, may pagka-TagLish pero, nvrmind. Set aside niyo na lang po yung title tsaka cover. Haha! Inspired by an AFF story. Kkkk~ Enjoy!