o27
MINA
Nang makarating kami sa taas ng bundok ay agad silang nagtakbuhan at inihanda ang mga kagamitan.
Nakangiti lang ako habang pinapanuod sila, *parang mga bata*.
Maging si Baekhyun ay nagaayos din ng may ngiti sa mukha, mukhang masaya naman na silang anim kahit na nagaayos pa lang sila.
Napatingin sa akin si Baekhyun at ngumiti ng mas malawak hanggang sa para bang naging buwan ang kanyang mata. Ngumiti na lamang din ako pabalik.
Nang handa na ang mga kagamitan ay umupo ako sa tela na nakalapag sa damuhan at nagsimula na kaming kumain. Nagusap kami, nagtawanan pero napasimangot ako ng may maalala ako.
Mawawala din to.
Tiningnan ko silang nagtatawanan at ngumiti ako ng mapait.
Sana lagi na lang ganito.
Hinawakan ni Baek ang kamay ko at hinigpitan ang hawak nito. Napatahimik naman ang lima at tiningnan kami.
"Sabihin niyo nga, meron bang namamagitan sa inyo?" natawa naman ako sa tanong ni Chanyeol.
"Ang tanga mo naman Kuya para di mapansin yun." saad ni Kai at umikot ang mata nito.
"Oo Yeol, haha! Uhm, matagal-tagal na rin. Ba't mo natanong?" nanlaki ang mata ni Chanyeol pero agad din itong umiling.
"Wala lang, naguguluhan lang ako sa inyong dalawa. Hehe." saad ng binata at kinamot ang batok niya. Tumawa na lamang kami.
Nang matapos kaming kumain ay linigpit na naming ang kalat. May inilabas si Sehun galing sa bag niya at nanlaki ang mata ko.
"Ba't may dala kang saranggola?" ngumisi ito sa akin pero agad naman niyang binura.
"Bakit Ate? Masama ba? Mahangin naman eh, laro tayo!" parang bata niyang saad.
"Ayoko, kayo na lang." ngumiti ako.
"Meron ka pang ibang dala? Gusto ko din maglaro!" saad ng iba maliban kay Baekhyun.
"Meron pang apat jan, di ka sasali sa amin Kuya Baekhyun?" umiling si Baekhyun.
"Hindi muna." tumango ang lima at agad nang naglaro. Umupo kami ni Baekhyun sa ilalim ng puno at pinaglaruan niya ang kamay ko.
"Baekhyun," nag-"hmmm" naman ito.
"Gaano mo ako kamahal?" natigil siya at tumingin sa akin ng may ngiti.
"Higit pa sa inaakala mo." *ang linyang iyon* umiling na lang ako.
"Paano mo ako minahal? Eh patay ka na, wala na kayong puso at-" linagay niya ang daliri niya sa labi ko at nag-"shhh".
"Hindi ba't sinabi ko sayong pag nasa lupa kami ay nagiging kalahating tao rin kami." tumango ako.
"Oh, ibig sabihin nakakaramdam pa rin kami." tumango na lamang ako.
"Mina," tumingin ako sa kanya.
"Ano iyon?"
"Pakinggan mo lahat ng sasabihin ko ha?" tumango muli ako.
"Ako, simula ng makita kita ay alam ko nang magkakonekta tayo. Merong bagay sayo na hindi ko maaring i-question dahil alam kong masasagot rin ito sa takdang panahon.
"At alam mo ba kung ano ang question na iyon? Yun ay kung ano ka ba sa buhay ko at ano ako sa buhay mo.
"Nang sabihin sa akin ni lord Lucifer na ako ang unang bababa sa lupa upang bantayan ka ay agad akong nagmadali at madali lang din naman kitang nahanap.
"Marami kang nakakaaway pero di ko alam kung bakit ang laki ng galit sayo ng mga tao, oo mukha kang matapang pero alam kong sa loob mo ay nasasaktan ka sa mga ipinaparatang nila sa iyo.
"Nang bantayan kita ay nalaman ko kung ano ako sa buhay mo. Akala ko'y tanging demonyo mo lang ako pero hindi, habang patagal ng patagal ang pagbabantay ko sayo ay unti-unti akong nahulog.
"Hindi mo lang ako demonyo, taga-protekta mo rin ako, at ako rin ang taong nagmamahal sayo ng totoo.
"Hindi mo ba napapansin na kahit bago ang pasa ay mabilis itong gumaling? Dahil ginagamot kita sa mga oras na may nakakaaway ka.
"Nung mga oras na natulog ka nang tatlong araw, gusto ko ng magpakamatay sa inaakalang hindi ka na gigising. Natatakot akong mawala ka sa akin Mina.
"Natatakot ako sa mga mangyayari sa susunod na araw, oo kaya naming magbasa ng isip ng tao pero hindi namin kayang basahin ang nakatakdang mangyari sa susunod na araw kaya ang pinakamagandang gawin na lamang namin ay ang bantayan ka.
"Mahal kita Mina, mahal na mahal. Kaya kahit buhay ko ang kapalit habang pino-protektahan ka ay okay lang sa akin basta ikaw ang dahilan ng pagkamatay ko." tumigil siya at tumingin sa akin. Mukhang narinig niya na umiiyak ako.
"Oh, ba't ka umiiyak?" pinunasan niya ang luha ko at yinakap ako.
"Ba't ka ba nagsasalita ng ganyan? Hindi ka mawawala sa buhay ko at mas lalong di ka mamatay ng dahil sa akin. Mahal din kita Baekhyun, mahal na mahal," lalong lumakas ang pagiyak ko ngunit pinilit ko ang sarili kong di maglabas ng malakas na ingay.
"Natatakot rin akong mawala ka sa buhay ko, natatakot ako sa mga mangyayari, ano na lang gagawin ko pagnawala ka sa buhay ko. Hi-hindi ko kakayanin yun Baek." yinakap niya ako ng mahigpit at hinimas niya ang buhok ko.
"Shhh, walang mawawala satin okay? Di ko hahayaan iyon, pero kung tadhana na ang magsasabi, wala tayong karapatang pigilan yun." tumango na lang ako sa mga sinasabi niya. Hinarap niya ako sa kanya at ngumiti siya.
"Ngumiti ka na Mina, sige ka, papangit ka niyan." napangiti naman ako sa asar niya sa akin.
"Che!"
Nang magdidilim na ay agad na kaming umalis na sumalampak sa sala ang mga lalaki maliban samin ni Baekhyun.
"Ba't ba pagod na pagod kayo eh naglaro lang naman kayo ng saranggola?" natawa ako sa tanong ni Baekhyun.
"Kasi- kasi-"
"Hindi rin namin alam." pagputol ni Kai sa sasabihin ni Sehun.
"Siya siya, maglinis na kayo ng katawan para makatulog na kayo. Dali!" pumalakpak ako at agad silang kumilos.
Tumingin ako sa nakangiting lalaki sa tabi ko ay kinurot ang pisngi niya.
"Ikaw rin," iniwan ko siya at habang papunta ako ng kwarto ay narinig ko siyang sumigaw.
"Mina naman eh!" ngumisi na lang ako.
Salamat boys.
BINABASA MO ANG
The Last Demon: Wrath
FantasyHindi po ito isang English fic. Pure Tagalog po ito, okie? Well, may pagka-TagLish pero, nvrmind. Set aside niyo na lang po yung title tsaka cover. Haha! Inspired by an AFF story. Kkkk~ Enjoy!