oo9
MINA
Hindi ko muna inisip ang nakasulat sa papel ngunit nagtataka pa rin ako.
Hindi ako nakakaintindi ng ibang salita maliban sa ingles pweda ba?
Lumipas na ang ilang araw at di ba ulit namin nakita ang guardian na iyon.
Sino ba siya? May mawawala ba kapag nangyari ang kinakatakot nila?
"Mina," lumingon ako at nakita si Kai.
"Anong kailangan mo?" ngumisi siya at napairap na lamang ako, mukhang napansin niya ang mapait na tono sa salita ko.
"Lumipas na ang ilang araw ngunit pawang mainit pa rin ang dugo mo sa akin."
"Hindi ba halata?"
"Maliban dito ay di pa ako nagpapakilala ng maayos. Ako nga pala si Kim Jongin ngunit maari mo akong tawagin sa palayaw na Kai---"
"Lust. Ikaw ang lust." tumawa siya ng mahina ngunit sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Halata namang alam mo Mina. Tandaan mo lang to, andito kaming anim para protektahan ka." at sa isang kurap ay nawala na siya.
"Baek! Wag muna ngayon!"
"Mina naman eh, kailangan mo si Baekhyun." pakiusap ni Chanyeol.
"Chanyeol, kaya ko ang sarili ko." ma-authoridad kong saad.
"Kahit na pumayag kami sa sinasabi mo, susunod at susunod pa rin kami sa iyo." saad ni Suho sa kaparehang tono ng aking salita.
"Hindi ka pa naman yung tipong tawag agad." dagdag ni Sehun.
Tumingin ako sa tatlong nasa harapan ko din ngunit hindi kumikibo. Nakatingin sa ibaba sina Kai at D.O ngunit matatalim na tingin naman ang ibinibigay sa akin ni Baekhyun.
"Baekhyun,"
"Hindi." ano?
"Pero Baek---"
"Ang sabi ko ay hindi Mina, hindi maari." grrr.
Tiningnan ko sina Kai at D.O ngunit tumango na lamang sila. Linipat ko ang aking tingin kay Baekhyun na nakangisi lamang.
"Dahil wala akong magagawa sa desisyon niyo, sasama ka Baehyun ngunit may mga kondisyon." nawala ang ngisi sa mukha ni Baekhyun at napalitan ng simangot.
"Ano iyon Mina?" tanong ng kanilang lider na si Suho.
"Gusto kong sumama sakin si Baekhyun sa mall." nanlaki naman ang mata ng anim sa sinabi ko.
"Ano??!"
"Gusto mo? O ayaw mo?" nanahimik na lang sila pero tumango din sa huli.
"At ano naman ang gagawin natin doon?" nginitian ko na lamang si Baekhyun at tumayo.
"Malalaman mo."
Pagkatapos ng klase ay agad akong lumabas ng school habang si Baekhyun naman ay nakabuntot lamang sakin.
"Anong gagawin natin dun Mina?" inip na taong nito sa akin.
"Mamimili tayo ng damit." napatigil siya sa paglalakad kung kaya't tiningnan ko siya.
"May problema ba?" tiningnan lamang niya ako ng masama at sinabi,
"Mina, para saan? May mga damit naman kami ah?"
"Hindi rin naman pupwede iyon, iisa lang ang damit niyong anim at kung sasama kayo sa akin dapat hindi ito pare-pareho, masyado pa namang mapanlait ang mga taga-dito."
"Ngunit---"
"Tanging ang suot mo palagi at ang uniform lamang ang iyong damit Baekhyun." pagputol ko at sumimangot siya.
"Para namang may nagagawa ako, tara na." at nagsimula na muli kaming maglakad.
"Anong bagay na damit kay Suho?" tanong ko habang namimili ng damit. Pitong pares ng damit lamang ang ibibili ko sa anim no.
"Yung mga pang lolo."
"Baekhyun," sinamaan ko siya ng tingin at ngumiti lamang ito ng inosente.
"Ano?" inirapan ko na lamang siya at nagsimula ulit.
Nang matapos ko nang bilhang ang lima ay tumingin na ako kay Baekhyun,
"Pumili ka na ng susuotin mo." tumingin siya sakin ng may gulat na mata.
"Pero Mi---"
"Kanina ka pa may tinitingnan na damit at mukhang napupusuan mo ito, ba't di mo ito kuhain?" ngumiti na lamang siya at agad na tumakbo para kunin ang damit, ng bumalik siya ay nagulat naman ako sa bitbit niya.
"Saktong pitong pares ng damit ang kanina mo pang tinitingnan?" at tumango na lamang ito sa akin,
"Magbayad na tayo." kinuha niya ang bitbit ko at pumunta na kami sa counter.
Matapos kaming magbayad ay palabas na sana kami ngunit may dinaanan kaming isang tindahan ng mga accessories at nakakita ako ng kwintas na may itim na pakpak.
"Ang ganda." napatingin sakin si Baekhyun at nagtaka,
"Gusto mo niyan?" umiling na lamang ako at ngumiti.
"Gustuhin ko man yan ay wala din naman akong sobrang perang pambili." nagpaalam siya para pumunta sa banyo at tumango na lamang ako at hinintay siya dito.
Merong isang malamig na bagay ang yumakap sa leeg ko kaya hinawakan ko ito. Nanlaki ang mata ko at tumingin kay Baekhyun.
"Bakit?"
"Dahil maaring yan na lamang ang maging alaala mo sa akin." ano?
"Tara na." hinila na niya ako at umuwi na kami sa apartment.
Pagdating namin dun ay sinalubong nila kami at ibinigay ko na isa-isa ang mga damit nila. Nagpaalam na ako at dumiretso sa kwarto ko.
Ano bang ibig sabihin non?
BINABASA MO ANG
The Last Demon: Wrath
FantasyHindi po ito isang English fic. Pure Tagalog po ito, okie? Well, may pagka-TagLish pero, nvrmind. Set aside niyo na lang po yung title tsaka cover. Haha! Inspired by an AFF story. Kkkk~ Enjoy!