o21
MINA
Maaga akong pumasok sa eskwela kaya ang ibig sabihin nun ay hindi ko na silang hinintay magising.
Maliban dito ay may tao akong kailangan kausapin dahil alam kong siya lang makakasagot sa tanong ko.
Hinanap ko si Kris sa eskwela dahil alam kong siya pa lang ang pumasok dito.
Nakita ko siyang nakahiga sa ilalim ng puno habang nakikinig sa musika.
"... We sailed on together, we drifted apart, and here you are by my side~" sabay niya sa kanta.
"So now-"
"Kris," pagputol ko at napatingin ito sakin.
"Anong ginagawa mo dito? Ang aga pa ah." umupo ako sa tabi niya.
"Kailangan ko ng sagot." tumingin ito sakin at biglang tumawa.
"Sagot? Eh wala pa ngang tanong."
"Alam mo yung tanong ko Yi Fan." tumingin ito sakin at ngumisi.
"Ba't di mo tanungin si Baekhyun? o kaya si Sehun?" nagtataka akong tumigin sa kanya.
"Pano mo nakilala si Sehun?"
"Hmmm. Mahabang storya, magtanong ka na bago pa rumami ang tao."
"Sino si Neyla?" tumingin naman ito ng merong pagtataka sa mukha.
"Hindi mo siya kilala?"
"Sagutin mo na lang ang tanong ko."
"Siya ang anak ni Lucifer, ang unang Wrath. Malapit siya sa lima." hindi nga talaga kasama rito si Baek.
"Bakit ako? Marami namang iba jan eh." ngumisi ito.
"Alam mo ang rason kung bakit ikaw Mina."
"Curse my parents." bulong ko.
"Wala ka nang ibang tanong?" napaisip naman ako.
"Hmmm."
"Wala pang gaanong tao, maari ka pang magtanong." ano pa ba? ah!
"Bakit sila masasaktan pagsumama ako sa kanila?" matagal muna bago niya sagutin ito.
"Dahil aalipinin mo sila." ano?
"Imposibleng gawin ko ito!"
"Mawawala ang alaala mo at titingnan mo lang sila ng mababa, mawawalan ka ng pakiramdam sa kanila. Magiging wala kang awa." imposible.
Mukhang napansin niyang nanahimik ako kaya nagtanong ito, "Wala ka nang tanong?" umiling ako.
"Sigurado ka?" tumango ako. Saktong rumami ang tao kaya tumayo na siya.
"Alam kong may tanong ka pa, pero gusto mong ikaw mismo ang makasagot nito." at umalis na ito. Nag-buntong hininga na lamang ako.
Tama siya marami pa akong gustong malaman na gusto ko ako ang makakahanap ng sagot. Aigoo~
Nang matapos ay umupo muna ako sa waiting shed dahil biglang umulan pero nagulat ako ng may isang lalaking humablot sakin at isinakay ako sa van.
"Hmmm!" sigaw ko ng takpan niya ang ilong ko ng isang panyo.
"Salot ka ah." at nandilim na ang paningin ko.
Pero tinawag ko muna ang pangalan ng taong alam kong liligtas sakin,
"Baekhyun!"
BINABASA MO ANG
The Last Demon: Wrath
FantasyHindi po ito isang English fic. Pure Tagalog po ito, okie? Well, may pagka-TagLish pero, nvrmind. Set aside niyo na lang po yung title tsaka cover. Haha! Inspired by an AFF story. Kkkk~ Enjoy!