Chapter 18

14 0 0
                                    

o18

MINA

Kanina pa nila ako sinusuyong lumabas pero ayoko. Naiinis pa ako kay Baekhyun, kailangan ko muna ng oras para kumalma.

"Sino yan?" tanong ko ng may kumatok sa pinto.

"Ate, si Sehun to. Papasok ako?" napa-buntong hininga na lang ako.

Pag hindi ko ito papasukin ay sigurado akong aasarin siya ng lima kaya tumayo ako sa kama at binuksan ang pinto.

Pumasok siya sa kwarto at umupo sa kama ko.

"Ang gulo ng kama mo Ate."

"Kanina pa kasi ako nakahiga, tinatamad akong tumayo eh." saad ko at pinaupo muna siya sa couch sa tapat ng kama.

Inayos ko muna ang kama tsaka umupo ulit si Sehun sa kama ko at tumabi naman ako dito.

"Galit ka ba kay Kuya, Ate?" nagtataka kong tiningnan si Sehun.

"Sinong Kuya?" syempre, meron kaya siyang limang Kuya! Sino sa limang yun?

"Kay Kuya Baekhyun, syempre. Away kayo?" tsk. 19 na to pero ba't nag-bababy talk pa din?

"Oo, nakakainis kasi si Kuya Baekhyun mo eh." saad ko tas hinimas ang buhok niya. Nakapatong kasi ang ulo niya sa balikat ko.

"Bakit naman Ate? Di naman niya siguro sinasadya ang nangyari, hindi ba?" napatingin ako kay Sehun na nakatingin sakin.

"Pero-"

"Di niyo to malulutas kung iiwas ka sa kanya Ate. Di ka na nga pumasok ngayon eh."

Sht.

Narinig kong tumawa si Sehun at sinabi, "Nakalimutan mong may pasok ka ngayon?" tumango ako.

"Di ko na din siguro napansin. Masyado akong nagalit kay Baekhyun." tumango ito at inayos ang upo sa kama at tiningnan ako.

"Pagisipan mo Ate ah? Lalabas na ako." lumabas na siya at nagbuntong-hininga ako.

Kailangan ko nga atang kausapin si Baekhyun.

The Last Demon: WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon