o16
MINA
Paguwi ko ay wala ang lima pero nadatnan kong nakahiga sa sofa si Baekhyun ng nakatakip ang mata gamit ang kayang palad.
"Baekhyun," umungol siya at idinilat ang mata, ngumiti ako sa kanya at agad siyang umupo.
"Ang tagal mong dumating."
"Pasensya na, pero may isinulat pa kasi akong mga aralin." pagpapalusot ko.
"Nagsisinungaling ka." tumingin siya sa mata ko ngunit iniwas ko ito.
Pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko at tumango, "Naiintindihan ko naman kung ba't ayaw mong sabihin sa akin." tumingin ako sa kanya at ngumiti na lamang siya sa akin.
Nanuod kami ng mga palabas buong gabi at napangiti na lang ako.
Maganda din palang wala ang lima dito sa bahay.
"Tama ka." napasimangot ako sa naging pagputol ni Baekhyun sa iniisip ko.
"Wag mo ngang basahin ang nasa isip ko!" pagrereklamo ko at ngumisi na lamang to.
"Hindi ko mapigilan eh." umirap na lang ako sa saad niya.
"Nasaan ba ang iba?"
"Umalis muna sila, may pinaguusapan."
"Ba't hindi ka sumama?" ngumiti na lamang siya at alam kong peke iyon.
"Kasi alam kong matatakot ka kung wala kaming anim." huh?
"Bakit mo naman na sabi iyon?"
"Dahil natatakot kang mangyari ang nasa panaginip mo."
BAEKHYUN
Tumingin siya sa ilalim bilang senyales na tama ang dahilan ko.
"May iba bang dahilan para matago ko ang alaala ko sa inyo maliban sa mapatay ako?" nanlaki ang mata ko sa saad niya.
"Pa-paano mo nalaman iyon?" imposible namang isa sa lima ang magsabi nun, maliban na lang kung siya ang-
"Guardian." ano?
"Pakiulit nga Mina, mali ata pagkadinig ko eh." tumawa ako ng mahina ngunit seryoso niyang iniiulit ang kanyang saad.
"Guardian, kinakausap ko siya nung mga nakaraang araw." napatayo ako sa kanyang saad.
"Ano? Alam mo bang dahil sa ginawa mong yan mas napapalapit ka sa kapahamakan!" tumayo na rin siya,
"Hindi naman siya tulad ng inaasahan niyo eh! Siya pa nga tong nagpapaalala sakin na di ko pa oras! Hindi siya ganun kasama!" napangisi ako sa saad niya.
"Aba? At ngayon pino-protektahan mo pa ang nakatakdang pumatay sayo ah? Ang galing mo naman Mina!" masama na to, hindi ko nakokontrol ang galit ko.
"Dahil siya lamang ang nagalala sakin kanina Baekhyun! Siya lang!" bigla akong nakalma sa naging saad niya.
"Paano?" tanging bulong ko habang unti-unting nawawala ang galit ko sa katawan.
"Siya lang nung nandun nung nahimatay ako Baek! Siya lang yung nagdala sakin sa klinika!" nanahimik lang ako sa saad niya.
"Bakit Baek? Nasan ka nung mga oras na iyon? Wala hindi ba? Wala!" tumulo na ang luha sa kanyang mata ngunit pinigilan ko ang sarili kong punasan ito.
"Ni hindi mo nga sinabi sakin na nagpa-drop-out ka na sa eskwela eh!
Alam mo yung masakit sa lahat Baek? Yun yung nagpaplano ka ng hindi ko alam eh! Girlfriend mo ako pero bakit parang, wala lang?" akmang aalis na siya pero pinigilan ko siya at yinakap sa likod.
"Mina, patawarin mo na ako. Di ko naman sinasadya ang pagsigaw ko sayo eh. Nagalit ako at hindi ko ito nakontrol."
"Bitawan mo ako Baekhyun, gusto kong mapagisa." binitawan ko na lamang siya at dumiretso siya sa kwarto niya.
Tanga mo Baek! Tanga tanga mo.
BINABASA MO ANG
The Last Demon: Wrath
FantasyHindi po ito isang English fic. Pure Tagalog po ito, okie? Well, may pagka-TagLish pero, nvrmind. Set aside niyo na lang po yung title tsaka cover. Haha! Inspired by an AFF story. Kkkk~ Enjoy!