Chapter 15

12 0 0
                                    

o15

MINA

Pagpasok ko sa school ay isang lalaki ang nakaabang na sa akin.

"Ano nanamang kailangan mo?" tumawa siya ng mahina at sumabay sa akin.

"Napagisipan mo na ba?" nanahimik ako sa tanong niya at umiling.

"Maaga pa, hindi muna ngayon." tumingin ako sa kanya at nadatnan na nakatingin na pala siya sa akin.

"Parehas lang kayong masasaktan Mina." tumango ako sa saad ni Kris.

"Alam ko iyon, pero mas maganda kung nasa tabi lang niya ako lagi hindi ba?" umiling naman siya na ikina-gulat ko.

"Mas masakit pag nasa tabi ka nila."

"Bakit naman?

"Dahil---"

"Anong ginagawa niyo sa labas? Magsisimula na ang klase." pumasok kami agad dahil sa saad ng guro namin.

"Mr. Wu umupo ka na sa upuan ni Mr. Byun, nag-drop out na siya." nanlaki ang mata ko sa saad neto.

Wala siyang nabanggit sa akin na ganito.

"Para lang to sa kaligtasan mo." napatingin ako sa lalaki sa tabi ko at napa-isip,

ano ba talaga ang dahilan kung bakit?

KRIS

Naglalaro kami ng basketball habang ang mga babae ay nasa gilid lamang nanunuod.

Titira na sana ang isa sa mga kaklase ko ngunit pag bato niya nito ay natamaan si Mina.

"Buti nga sa kanya."

"Di kasi nag-fofocus."

"Galing mo Red!"

Tumakbo ako papunta kay Mina na wala ng malay at sinamaan ng tingin ang tumira na nakangisi lamang.

"Ano ba Kris, hayaan mo siya jan, dapat lang naman sa kanya yan eh." tiningnan ko lang ang babae at binuhat si Mina.

"Dapat sa inyo ito, hindi sa kanya." nagulat ang babae sa saad ko at naglakad na ako paalis.

Hindi pa to ang oras niya, kaya hindi pa pwede.

MINA

Aray ko,

"Magpahinga ka muna iha." idinilat ko ang mata ko at tiningnan ang nars sa gilid ko.

"Pano ako napunta dito?"

"May binata na nagdala dito sayo, hindi ko na naitanong ang pangalan dahil agad itong umalis." si Kris.

"Nasan ho siya?" tinuro niya ang pinto at sinabi,

"Umalis na nga siya iha, atsaka alas-tres na, malamang umuwi na yun." tumakbo na agad ako palabas,

"Di ka pa magaling iha!" di ko pinansin ang nars at hinanap na si Kris.

"Yi Fan!" nasaan ba yung lalaking iyon?

"Hinahanap mo ako," nagulat ako ng may lalaking biglang tumalon galing sa isang mataas na puno, "anong kailangan mo?"

"Magpapasalamat lang ako." ngumisi na lamang ito sa naging saad ko.

"Di ko inaasahan na isang demonyong katulad mo ay magpapasalamat sa anghel na nakatakdang pumatay sa kanya." umirap na lamang ako sa saad niya.

"Aalis na ako," akmang aalis na ako ngunit tinawag niya ang pangalan ko na naging dahilan ng pagharap ko sa kanya.

"Ano iyon?"

"Mahal ka niya higit pa sa tingin mo." kumurap ako at nawala na siya sa paningin ko.

Ano ba talagang klase kayo? Bwisit sa buhay ko.

The Last Demon: WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon