Chapter 8

17 1 0
                                    

oo8

MINA

Nagising ako sa ingay mula sa labas kung kaya't lumabas na lang din ako.

Nadatnan kong naglalaro ng video game si Sehun at yung Kai, nagbabasa ng dyaryo sina Chanyeol at Suho, habang nagluluto naman si Kyungsoo.

"Baek---" tatawagin ko sana siya pero yinakap niya ako sa likod.

"Hmmm." linapag niya ang ulo niya sa right shoulder ko kaya napa-ngiti ako.

"Saan ka nanaman galing?" bulong ko.

"Pinapanood ka hanggang sa gumising ka na." nanlaki ang mata ko at humarap sa kanya.

"Ano? Saglit, di naman kita nakita kanina ah." napaisip ako dahil dito.

"Masyado kang nakapokus sa paglabas sa kwarto kaya di mo ako napansin." nagpout si Baekhyun at kinurot ko ang ilong niya at nag-chuckle.

"Tumigil kayo sa pagiging lovey-dovey, kumain na tayo." saway ni Suho kaya naghiwalay kami sa isa't isa.

"Yah!" sabay naming sigaw ni Baekhyun at tinawanan na lang nila kami.

Kumain na kami, ako sa gitna nina Baekhyun at Sehun. Yung buhok ko ay humaharang sa mukha ko pero di ko to pinansin. Nagulat ako ng dapat i-gigilid ni Sehun ang buhok ko ay umiwas agad ako.

"Awww, ayaw sa akin ni Ate." nagpout si Sehun kaya na konsensya ako.

"Hindi! Hindi sa ganun Se---"

"Kasi mas gusto niya ako kesa sayo." si Baekhyun naman ang humawi sa buhok ko pero parang wala lang.

Ba't ba ang kumportable ko pagdating sayo Baekhyun?

"Kasi may gusto ka sa kanya." sabat ni Kyungsoo sabay tayo.

"Ano? Hindi ah! May---"

"In denial kids. Tsk." nanahimik na lang ako sa sinabi ni Suho at namula.

"Aish, talaga ba? Ngayon inaasar niyo siya?"

"Protective Baekhyunnie." asar naman ni Chanyeol at tumayo na.

"Ano ba Chanyeol? Pati ikaw?" asar kong tanong.

"Good luck Kuya." sabi naman ni Kai sabay tapik sa balikat ni Baekhyun.

"Ah, pagod na ako. I wish you the best." at umalis na si Sehun. Ngayon ako na lang at si Baekhyun.

"I-"

"I-"

Natawa naman ako sa nangyari, what a coincidence.

"Lady's first." tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Natutuwa ako dahil nanjan ka lang lagi para sakin." yinakap ko siya at ngumiti. Ang init ng katawan niya.

"Nagpapasalamat ako dahil meron akong tulad mo." sabi naman niya at yinakap ako pabalik. Nakarinig kami ng kaluskos kaya naghiwalay agad kami.

"Wow, ano bang nangyare?" ngumiti na lang ito sakin at kumuha ng papel sabay sulat ng:

^사랑해, 미나.^

At umalis. Tiningnan ko ang papel sa kamay ko at nagtaka.

"Ano?"

The Last Demon: WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon