FINAL

26 1 0
                                    

Imagine, yung picture na yan yung i-pininta ni Baek, pero demon lang.

MINA

Nagising ako sa tirik ng araw at linibot ang tingin ko, tumigil ang mata ko sa lugar kung saan merong nakapinta na bagay sa pader sa gilid ng cabinet ko.

Hindi ko ito pinansin at lumabas na lamang ako.

Tiningnan ko ang sala at nakitang merong mga dyaryo rito at video games.

"Ano ito? Hindi naman ako nagbabasa ng dyaryo't mas lalo namang di ako naglalaro ng video games." pumunta ako sa kusina at nagtaka muli,

"Ba't ang raming mga kagamitan? Kailan pa ako nahilig magluto?" umiling na lang ako at sinabi,

"Mukhang kailangan ko munang walisin ang nga kalat na ito." at ang kalat na winalis ko ay mga pulang palamuti at mga itim na pakpak.

Matapos kong maglinis ay napagdesisyonan ko muling pumasok sa kwarto at sinalubong muli ako ng isang itim na pinta ng...

Demonyo?

Lumapit ako rito at napansing may nakadikit na papel sa baba nito kung kaya't kinuha ko ito at binasa,

'Buksan mo ang pangalawang drawer.'

Napasimagot naman ako sa utos nito ngunit ginawa ko rin sa huli.

Pagbukas ko ng nasabing cabinet ay bumungad sakin ang sobre kung kaya't binuksan ko ito at binasa ang nasa loob.

'Para sa taong habang buhay kong mamahalin, hello saking Yoon Mina. Di mo ako maalala? Pati na rin ang itsura ko? Okay lang yun, basta ba naaalala kita. Gusto ko lang na malaman mo na... mamahalin kita ngayon, mamahalin kita bukas, at mamahalin kita sa bawat oras na ididilat mo ang mata mo sa umaga at ipipikit ito sa gabi. Ang pangalan ko ay Baekhyun... namatay noong 1994. Ako ang demonyo mo, ang taga-protekta mo, ang nagmamahal sayo ng totoo at ang ilaw mo sa dilim, wag mong kakalimutan na nanirahan ako sa mundong ito.'

Hindi ko alam. Ngunit, isa-isang bumaba ang luha galing sa mata ko kung kaya't pinunasan ko agad ito.

Ano bang nangyayari sakin?

Baekhyun...

Ang pangalan niya ay Baekhyun...

At nanirahan siya sa mundong ito...

The Last Demon: WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon