Chapter 19

13 0 0
                                    

019

SEHUN

Nang lumabas ako ay napansin kong naguusap-usap pa rin sila sa may kusina.

"Kuya Baekhyun," tawag ko at agad naman itong tumingin sakin.

"Kamusta si Mina? Ok lang ba siya?" umupo ako sa upuan sa tabi niya,

"Mukha siyang miserable Kuya, parang hindi siya si Ate Mina." napatingin naman silang lahat sakin.

"Panong parang hindi siya?"

"Namumutgo mata, namumutla, para siyang yung dating Wrath nung namamatay na." sagot ko sa tanong ni Kuya Suho.

"Sehun!"

"Ano? Totoo naman eh, kamukha na niya si Ate Neyla." bigla namang tumayo si Kuya D.O at lumabas. Mukhang may masama akong nasabi.

BAEKHYUN

Lumabas si D.O at napailing ako. Mukhang may nararamdaman pa rin siya kay Neyla.

Hindi ko kilala si Neyla dahil ako ang pang-anim na demonyong sumanib sa kanila ngunit alam kong malaking bagay ang ginampanan ni Neyla sa buhay ng lima, lalo na kay D.O.

"Pano mo naman nasabi yun? Siya ang papalit kay Neyla pero imposible namang maging kamukha niya iyon." saad ni Chanyeol at nag-kibit balikat si Sehun.

"Di ko alam, nakita ko kasi sa presensya niya si Ate Neyla eh." inosenteng saad ni Sehun.

Neyla, nasan ka nga ba ngayon?

SEHUN

Sa tingin ko ay hindi niyo pa kilala kung sino talaga si Ate Neyla.

Si Ate Neyla ang anak ni lord Lucifer, siya din ang Wrath na bumuo samin.

Si Kuya Suho ang pangalawang demonyo, habang si Kuya Kai ang pangatlo, sumunod ako at sunod na si Kuya Chanyeol.

Siya ang tumutulong samin sa lahat ng bagay, siya ang Ate namin sa palasyo.

Pero mas binigyang pansin niya ang bagong dating na si Kuya D.O dahil iba ang istorya niya sa amin.

Kami ay tao ng kami'y mamatay kung kaya't di naman ganun kahirap makihalo sa kanila pero dahil iba si Kuya D.O ay hindi siya sanay.

Si Kuya D.O ay isang anghel dati gaya ni lord Lucifer, naging maramot siya sa pagkain kaya pinatapon siya ng isang guardian sa palasyo namin.

Naging malapit si Kuya D.O kay Ate Neyla at alam naming meron ng nabubuong relasyon sa dalawa.

Nagbago ito ng mamatay si Ate Neyla ng matamaan siya ng palaso ng isang anghel at dahil naglilibot kami nung mga oras na yun ay sa harap mismo namin namatay si Ate Neyla.

Nang dumating si Kuya Baekhyun ay akala ng lahat ay si Kuya Baekhyun ang pumalit kay Ate Neyla pero dumating si lord Lucifer at sinabing iba ang papalit kay Ate Neyla.

Lumaki lalo ang galit ni Kuya D.O kay Kuya Baekhyun ng inatasan siya ni lord Lucifer na magbantay sa papalit kay Ate Neyla.

Nang umalis na si Kuya Baekhyun para bumalik sa lupa ay maging kami ay hindi na kinakausap ni Kuya D.O.

Pero laking pasasalamat namin nung mga panahon na sinabi samin ni lord Lucifer na maari na kaming bumalik sa lupa ay unti-unti ulit naming nakikita ang masiyahin na si Gluttony.

Naunang bumalik sa lupa si Kuya D.O at mas lalo naming ikinatuwa ng siya'y bumalik na talaga sa dati ng makilala niya si Ate Mina.

Si Ate Mina ang nagbigay buhay ulit kay Kuya D.O at nagpasaya saming anim lalo na kay Kuya Baekhyun.

The Last Demon: WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon