o26
MINA
Tumayo agad ako at lumabas. Isang mahalimuyak na amoy galing sa kusina ang sumalubong sa akin.
"Hmmm~ ang bango." may bigla namang yumakap sa akin mula sa likod.
"Baekhyun!" saway ko dahil inaamoy niya yung buhok ko. Nag-chuckle naman ito.
"Happy Birthday." humarap ako sa kanya at hinalikan siya sa labi ng saglit.
"Thanks." bulong ko.
"Gising ka na pala." saad ni Suho na mukhang kagigising lang. Tumango naman ako.
"Morning Mina!" saad ng dalawang kakalabas lang ng mga lungga nila.
"Ba't parang mga puyat kayo?" umiling naman sila.
"Ginising kasi kami ni Kuya Baekhyun para ayusin yung gamit namin." parang batang sumbong ni Chanyeol.
"Baekhyun," at tumingin sa kanya ng masama.
"Hindi ko sila pwedeng sabihan na gumising ng maaga, hindi yan gigisng." ah.
"Si Sehun?" nagtinginan naman sila at sabay-sabay na nag-kibit balikat.
"Ate! Nandito ako kasama si Kuya D.O!" rinig kong sigaw galing sa kusina kung kaya't pumunta kami dun.
"Anong linuluto niyo, hmmm?"
"Mga babaunin natin, excited na ako Ate!" napangiti naman ako.
"Sehun! Bawal magsalita sa harap ng kalan pagnagluluto ka." saway ni Suho kaya ngumuso si Sehun. Bumalik naman na kami sa sala at,
"Ilagay niyo lang dito sa salas yung mga naligpit niyong dadalhin." ngumiti sila at agad na kumilos. Nang sila'y bumalik ay may dala silang dalawang malalaking bag.
"Kumpleto ang gamit ah." aking saad matapos kong tingnan ang mga laman ng bagahe.
"Siyempre naman Ate." saad ng isang Sehun na tapos na magimpake ng mga pagkain.
"Ano pang hinihintay niyo? Magbihis na kayo!" umakyat sila't umakyat na rin ako.
Matapos kong maligo ay nagsuot ako ng violet na pangitaas, itim na palda, converse at itim na headband. Naglagay ako ng eyeliner at concealer para matakpan ng kaunti ang itim sa ilalim ng mata ko. Maliban doon ay suot-suot ko pa din ang bigay ni Baek.
Minsan lang ako magganito no. Ngayon nga lang kung tutuusin.
Lumabas ako at napangiti sa nakita ko, handang-handa na sila, kahit simpleng damit lang ang suotin nila nagmumukha pa rin silang mga mayayaman. Hay nako.
"Ang ganda mo," saad ni Baekhyun na kanina pa nagsusulat sa tapat ng salamin.
"Salamat."
"Ngayon lang kitang nakita ng ganito, ang galing." ngumiti na lang ako sa komento ni Suho.
"Tara na?"
"Tara!!" at lumabas na kami.
BINABASA MO ANG
The Last Demon: Wrath
FantasiaHindi po ito isang English fic. Pure Tagalog po ito, okie? Well, may pagka-TagLish pero, nvrmind. Set aside niyo na lang po yung title tsaka cover. Haha! Inspired by an AFF story. Kkkk~ Enjoy!