Chapter 30

21 0 0
                                    

o30

MINA

"Baekhyun! Bakit amoy damo rito?" tanong ko ngunit isang ngisi lamang ang natanggap ko.

Nagulat naman ako ng biglang nandilim ang paningin ko at iisa lamang ang ibig sabihin nun.

"Baekhyun, tanggalin mo ang kamay mo sa mata ko."

"Ayaw."

"Sige na." pagpupumilit ko.

"Ayaw." nagbuntong-hininga na lang ako.

"Baek naman eh." bulong ko na lang.

BAEKHYUN

Habang takip-takip ko ang mata niya ay linibot ko ang mata ko. Masyadong madilim rito.

Kinuha ko ang isang kamay na pinagtatakip kay Mina, kaya isang buong kamay ko tumatakip dito.

"Baek---"

"Shhh." tinaas ko ang kamay ko at pumikit.

Sana magawa ko pa ito.

Pagdilat ko ay napangisi ako sa nakita ko.

Tinanggal ko ang kamay ko kay Mina at bumulong sa tenga niya, "Buksan mo na ang mga mata mo."

MINA

Pagdilat ko ay nanlaki ang mata ko. A-ang ganda.

"Nagustuhan mo ba?" ngumiti ako kay Baekhyun at yinakap siya.

"Higit pa roon Baek." tumawa na lamang ito at umupo kami sa isang upuan sa gilid ng gubat.

Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at nagtanong, "Para saan to?"

"Hmmm. Wala lang, gusto ko lang na makita mo ito." tiningnan ko muli ang libo-libong alitaptap na lumilipad sa harap ko at ngumiti.

"Alam mo ba, ayoko sa dilim rati." napatingin naman ito sa akin.

"Kasi nasa isip ko rati kung masasanay ako sa dilim, magiging walang buhay ang mundo ko.

"Kaso lang hindi eh, habang patagal ng patagal ang buhay ko sa mundong ito ay lalo akong napapalapit sa dilim.

"Pero hindi naman ibig sabihin nito ay gusto ko na ang dilim." tumawa na lamang ako ng mahina.

"Alam mo ba kung ano ang maganda sa dilim?" tiningnan ko sa mata si Baekhyun.

"Ano?"

"Kung walang dilim, hindi mo makikita kung gaano kaganda itong nasa harap mo." napa-isip ako at tumango rin sa dulo.

"Tama ka." kinurot niya ang ilong ko kaya sumimangot ako.

"Kaya dapat mahalin mo ng pantay ang liwanag at dilim, dahil kung wala ang dilim, ano pa ang liwanag." ngumiti na lang ako sa kanya.

"At ako ang magiging liwanag mo sa bawat dilim na mararanasan mo."

Paguwi namin ay hinila ako ng lima kaya nagpaalam muna si Baek na sa kwarto ko lang muna siya.

"Say, anong ginawa niyo sa gubat?"

"Meron bang kababalaghan na nangyari?" binatukan naman ni D.O si Kai dahil rito.

"Kuya!"

"Wala namang kababalaghan na nagyari Kai. Tsaka Suho, pina-appreciate lang sakin ni Baekhyun ang dilim." ngumiti naman si Suho sa sagot ko.

"Nakikita ko nga." nagpaalam na ako sa kanila at pumasok sa kwarto ko.

Nagulat ako ng madatnan kong nagpipinta si Baekhyun sa pader ng kwarto.

"Baek, ano iyan?" tumingin ito sa akin at ngumiti.

"Wag mo na itong pansinin, bukas mo na lang tingnan. Matulog ka na." ngumuso na lang ako at sa isang kurap ay nasa harap ko na siya.

"Bubuhatin pa ba kita papunta sa kama mo?" ngumisi ito at nanlaki ang mata ko.

"Baek- kyaaah!" at nasa kama na ako.

"Wag mo nang uulitin ulit yun." pagwawarning ko sa kanya at ngumisi muli ito sa akin.

"Hindi na talaga mauulit iyon." hinalikan niya ang labi ko at bumulong, "Good night."

"I love you." saad ko at inayos ang higa ko.

"I love you too." at kinumutan niya ako.

The Last Demon: WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon