o11
MINA
"Ateee! Bilhan mo ko bubble tea~"
"Tawagin mo ko pag may sexy ah?"
"Junk foods Mina."
"Gamitin mo yung card ko."
"Sasama ako." napatingin naman ako kay Baekhyun sa sinabi niya.
"Pero okay na na si D.O kasama ko." napasimangot naman siya sa naging reaksyon ko.
"Hayaan mo na siya Mina, mas maganda na lang na dalawa kaming poprotekta sa iyo." pagsangayon naman ni D.O.
"Pero---"
"Wag ka nang tumanggi! Nagseselos kasi si Baekhyun."
"Suho!" sigaw naman ni Baekhyun at tumawa na lang kami.
"Tara na nga." sabi ko na lang at lumabas na kaming tatlo.
Naggrocery kami at pumila na sa counter tsaka humiwalay samin si D.O para bumili ng mga kagamitan sa kusina at ang iba pang kulang.
"Baekhyun," tawag ko sa lalaking nasa tabi ko.
"Hmmm."
"Yung sagot ko kasi ano," napatingin naman siya sakin ng nanlaki ang mata.
"Kailangan talagang sabihin mo ngayon?" saad niya at tumawa ng peke.
"Napagisipan ko na kasi Baek yung isasagot ko eh." kinakabahan kong saad.
Totoo iyon, kagabi napagisipan ko lahat dahil sa hindi ako makatulog,
Pinrotektahan niya ako simula pagkabata ko hanggang ngayon.
Maliban sa kakakilala lang namin nung nakaraang araw ay para bang ang gaan na agad ng loob ko sa kanya.
Pagyinayakap niya ako ang init ng katawan niya ang nagpapakalma sakin at sinisigaw rin ng katawan ko na gusto pa niya.
Tumitibok ng mabilis ang puso ko sa tuwing nagkakatinginan kami mata sa mata.
Nung una ay isinantabi ko muna ito sa pagka-akala na dahil lamang sa takot kaya ko ito nararamdaman ngunit mali ang akala kong ito.
Nung oras na siya'y umamin ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, natutuwa ako at gusto kong magtatalon pero nakakahiya ito.
Nararamdaman ko din na simula pa lang ay minahal na niya ako at paunti-unti,
Minamahal ko na din siya.
Sasagot na sana ako ngunit saktong dumating si Kyungsoo.
"Andito na ako!" sigaw ng nasabing binata at tumingin ako kay Baekhyun.
"Wag muna siguro ngayon." saad ni Baekhyun at nagbayad na kami. Itinali ko ang buhok ko kung kaya't lumabas ang tattoo kong kalahating araw sa tenga at napansin naman ito ng lalaki na nag-cleclerk sa counter.
"Ang ganda ng tattoo mo jan binibini, kakaiba." kumindat ito pero hindi ko pinansin.
"Wag mong linalandi ang kasama ko." inakbayan ako ni Baekhyun at nanahimik ito.
Matapos namin maggrocery ay dumiretso ako sa bilihan ng bubble tea para bilhan si Sehun at umuwi na kami.
"Ate Mina! Bubble tea ko?" salubong sakin ni Sehun at ibibigay ko sa kanya ang nasabing bubble tea.
"Yey! Merong chichiriya!" sigaw naman ni Chanyeol.
"Ba't hindi mo ako tinawagan!" reklamo ni Kai.
"Ang laki na babayarin!" inis na sigaw naman ni Suho habang tinitingnan ang resibo.
"Sabi mo card mo ang gagamitin namin eh." saad ni D.O mula sa kusina habang inaayos ang mga pinamili.
"Pero---"
"Ngayon lang din ako nakabili ng ganito karami, ba't ba kasi ang rami niyo!" reklamo ko din.
"Ang sabihin mo kasi, palaging mga instant foods lang ang binibili mo." sabat ni Baekhyun ngunit tiningnan ko lang siya ng masama.
"May sasabihin ka ata kay Baekhyun kanina pero naistorbo ko ata kayo kanina." saad ni D.O na kakapasok lang sa sala.
"Yun ba? Ano kasi---"
"Sa rooftop." pagputol sa akin ni Baekhyun at sumunod na lamang ako sa kanya.
"Ngayon na yung tamang oras para sagutin ko iyon." kahit na seryoso ang tono sa pananalita niya ay bakas pa rin ang kaba dito. Nagbuntong hininga ako at,
"Sabihin mo ang salitang 'saranghae'" utos ko at nanlaki naman ang kanyang mata.
"Bakit?"
"Sabihin mo na lang!" inip kong saad.
"Sa-saranghae." saad niya at tumingin sa ibaba. Itinaas ko ang ulo niya at ngumiti.
"Nado Saranghae Baekhyun-ah." sagot ko at tiningnan niya ako. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Ay oo nga pala, dahil mahal ko siya.
"Se-seryoso ka?" ngumiti na lamang ako at tumango na bigla ako ng bigla niya ako yinakap at inikot-ikot.
"Baek! Nahihilo ako!" ngunit tumawa lamang siya sa naging saad ko.
"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya Mina." tumigil siya at binaba ako. Hinawakan ko ang pisngi niya at ngumiti muli.
"Mukhang alam ko kung gaano ka kasaya!" saad ko at kinurot ang ilong niya.
"Mahal na mahal kita." saad niya at idinikit ang noo niya sa noo ko.
"Mahal na mahal na mahal din kita." at papalapit na ng papalapit ang labi namin hanggang sa nagkadikit na ito.
BINABASA MO ANG
The Last Demon: Wrath
FantasyHindi po ito isang English fic. Pure Tagalog po ito, okie? Well, may pagka-TagLish pero, nvrmind. Set aside niyo na lang po yung title tsaka cover. Haha! Inspired by an AFF story. Kkkk~ Enjoy!