Chapter Eight |Real Marriage|

61 4 0
                                    

NAKITA ni Aisha ang pag-aalangan sa mga mata Ivy pero alam niyang dahil lang din sa pag-aalala nito sa kanya.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Aisha? You should get married to someone that is worthy of you and that you love."

"We can just divorce after everything is finished," pero kahit na siya ay hindi rin siya sigurado sa kung ano nga ba ang papasukan niyang gulo.

"Walang Divorce sa Pilipinas," singit ni Kreig.

"May legal separation sa Pilipinas tigilan mo ko," sikmat dito ng kapatid niya.

'Ni hindi man lang ito natinag sa sinabi ng kapatid niya at ngumisi lang. Napabuntong-hininga siya, hindi niya alam kung ano nga ba ang kailangan niyang gawin para manahimik na ang isang 'to sa tabi niya.

"Aisha, we can still look for another way, you don't need to do this," she tried to convince her otherwise. 

Kahit na siya ay ayaw rin niyang gawin 'to, isa pa sa maikling panahon na nakilala niya si Kreig Gallego. He never like her, kaya sigurado siya na kung ano man ang kondisyon nitong sinasabi sa kanya, it was merely teasing her, getting satisfied with the irritation that always bubble up inside of her whenever they cross their paths.

"I know you don't want me to do this, but is still there another way? Hinahabol na naman tayo, Ate. We both know that the more we hide, the danger will we face in the future. Kaya para matapos na 'to, I'll stay, then Kreig can decode the list," katwiran niya.

Hindi rin niya alam kung saan nanggaling ang confidence niya na walang gagawing masama sa kanya si Kreig, but with the danger that is trailing behind their back, she needs to trust him, even for just a little bit.

Nang mapansin ni Ivy na buo na ang desisyon niya ay hinarap nito si Kreig at may ibinato rito. Hula niya ang usb kung saan naglalaman ng listahan na mga pangalan na may kinalaman sa pagkamatay ng kanilang ina.

"I'll give you a month, to decode that list."

Pinagtaasan ito ng kilay ni Kreig, "Do you really think it's that easy to decode this list that no one can easily crack?"

"You're the Mad Hatter, magaling ka 'di ba?" may panghahamon sa boses nito.

"I am the best, but I'm not a fucking God, I still need time to analyze and decode everything on this list. I need at least three months?"

"Two, then I'll fetch my sister."

"I will be her husband not babysitter. She's already a woman, remember that."

"She's still my sister, you should remember that. Don't you ever do something against her will, or you will see what I am capable off."

"Don't worry, I'm not scared," he smirked.

Pinaikot lang ng kapatid niya ang mga mata nito, siguro kung wala lang siya sa tabi nito malamang na may nakatutuok na namang baril sa sentido nito.

Saka siya binalingan ng kapatid, "I'll trust your decision, but just remember that whatever happen, call me. I'll fly here in second, okay?"

Tumango siya, alam niyang hindi rin ito magtatagal sa tabi niya at kahit na magtago pa sila alam niyang may makakakilala at makakakilala sa kanya.

Napasulyap siya kay Kreig, hindi niya alam kung ano pa ang dapat niyang sabihin, dahil sa huli ay wala silang nagawa kung hindi ang sundin ang gusto nito.

Imperial Series I: Kreig Gallego |The Mad Hatter|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon