Chapter Ten |Bandages|

60 4 0
                                    

ANG akala niya noong una ay uuwi na sila ng tuluyan dhail sa estado ng paa niya, pirmi lang na nakapikit ang mga mata niya kaya hindi na rin niya initindi ang mga taong nakatingin sa kanila habang dinadala siya ni Kreig papunta sa may exit para sumakay sa nakaantabay nilang sasakyan.

He carefully deposit her on the back seat, while he instructed the driver to go to the nearest hospital.

Kaya sa isang iglap ay namalayan na lang niya na nasa emergency room na siya at isang doctor ang natingin sa sugat niya.

"Mabuti nalang at dinala niyo siya sa ospital, anymore minute and she could get infection on her wound," wika ng doctor na siyang nag-asikaso ng sugat niya.

"Will she be okay?" tanong ni Kreig.

"Yeah, just make sure you won't let his bandage get wet, or else hindi gagaling ang mga sugat niya. I also prescribe some pain killers, but its much better for her not excert any effort on her right foot, mas malala kasi ang sugat niya 'don kaysa sa kabila."

Tumango lang si Kreig bilang pagsangayon saka inasikaso na nito ang babayaran sa ospital.

Ano pa nga ba ang sasabihin niya? Masakit ang paa niya na kahit na papaano ay nawala dahil na rin sa ininom niyang pain killer. Pero sigurado siyang mamaya lang ay masakit na 'yon.

Kung kanina lang ay mangiyak-ngiyak na siya at nagpipigil siyang magmukhang tanga sa harapan nito.

Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kinauupuan niyang kama para lang mapatalon sa gulat nang may humawi ng curtain separator. Napalingon siya at nakita si Kreig, napakunot ito ng noo nang makitang nakatayo siya,

"What did the doctor just say?"

"Na wag ko munang itapak ang paa ko sa sahig?" sagot niya.

Para naman siyang maamong tupa na umupo, may mga pagkakatoa na gusto niyang mangatwiran dito. Pero dahil na rin siguro at sa pagod niya ay hindi niya magawang makipagaway dito, wala na siyang energy para makipagaway nito.

"Now you know how to listen."

Pinaikot niya ang mga mata, para 'atang nakakalimutan nito na kaya siya nasa ganitong sitwasyon dahil kanina pa niya ito sinasabihan na umuwi pero ayaw makinig sa kanya.

Hindi na niya ito pinanasin hanggang sa lumapit ito sa kanya at saka siya muling pinangko.

"Pwede naman ako sa wheelchair na lang," katwiran niya.

"I prefer this way."

So sino sa kanila ang hindi nakikinig? Siya pa talaga ang sinisi.

Hindi na siya nagsalita dahil pakiramdam niya ay hahaba lang ang pagtatalo nialng dalawa hanggang sa makarating na sila sa kotse ay muli siyang marahan nitong ibinaba sa may passenger seat.

Sa buong durasyon nang byahe ay nakapling lang ang ulo niya labas ng bintana ng kotse, wala rin naman kasi silang pag-uusapan at mag-mumukhang tanga lang siya kung titigan niya 'to pero ang ipinagtaka lang niya na tila ba iba ang dinaraanan nila sa pinanggalingan nila kanina.

Binalingan niya si Kreig, "Where are we going?" tanong niya dito.

"In my house,"

"Sa condo?"

"No, besides the one thing that I need to make sure is the security of the place. That Condo is not something that I can call safe."

Napipilan siya sa sinabi nito, yes, hindi niya alam kung bakit ganito na lang ang gesture nito sa kanya but he seems to do everything at the end of his bargain.

Hindi pa rin talaga niya alam kung ano nga ba ang advantage nito na mapangasawa siya.

Wala naman siyang pwedeng ipagmalaki at lalong hindi rin naman siya ang klae ng babaeng gusto nitong iharap sa lahat.

Imperial Series I: Kreig Gallego |The Mad Hatter|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon