HINDI alam ni Aisha bakit pumunta sila sa isang high end mall sa Makati. Kung hindi lang siguro sa suot niya kapag pumunta siya doon sa mga casual clothes malaman na naharang na siya ng security guard.
"What are we doing here?" nagtatakang tanong niya.
Hindi niya alam kung bakit sila dito pumunta but she much prefer kung uuwi na sila. 'Ni hindi pa nga niya alam kung saan nga ba siya siya matutulog ngayong gabi.
Ang sa pagkakaalam niya ay lahat ng gamit na dala niya ay nasa loob ng tunk ng kotse na gamit nila.
"Getting you a ring," sagot nito sa kanya at nagpatiuuna nang maglakad.
Napasimangot siya at pilit na inaayos ang sidsid ng gown niya dahil hindi siya makapaglakad ng maayos lalo na at naka-high heels pa siya.
Kung sinabi lang nito na kailangan pa nilang mag stop over sa mall hindi sana siya nag-high heels.
"May singsing na naman ako, bakit kailangan mo pang bumili ng bago?" tanong niya dito, habang nahihirapan siyang sumunod dito. Isa pa bakit kailangan pa niya ng bagong singsing kung susuutin lang naman niya 'yon kapag may mga nakakakita? It was nothing but props.
Doon namna ito huminto at muntik pang mabangga ang mukha niya sa likod nito kung hindi lang niya agad na naagapan.
Nilingon siya nito at nakita niya sa mukha nito na wala itong kahit na anong balak para tulungan siya sa sa sapatos niya.
Sinamaan lang niya ito habang ito naman ay tumaas ang isang sulok ng labi sa pang-aasar sa kanya.
"I don't like cheap things around me," sinulyapan pa siya nito mula ulo hanggang paa. Hindi niya gusto ang tabas na dila nito, nap arang ipinaparating sa kanya na cheap din siya.
Pero nanahimik na lang siya, base sa pagkakaintindi niya sa ugali nitoi the more she get infuriated the more entertained he is.
Malaking palaisipan talaga para sa kanya kung paano nga ba tumakbo ang utak ng isang Kreig Gallego, pero ano pa nga ba ang magagawa niya kung hindi ang hayaan ito sa gusto nitong gawin.
Kapag kasi hindi nito nakuha ang inaasahang reaksyon mula sa kanya he will easily get bored and shut up.
Sinundan niya ito papunta sa isang jewelry shop, noon lang ito huminto para sa kanya at doon lang siya binalingan.
"I'm sorry, I'm just too excited for you to choose your ring," baling nito sa kanya.
He easily slips in his loving character, kahit na siya hindi niya mapigilan ang sarili na lihim na mapaismid dahil sa bilis nitong magbago ng timpla kapag may ibang tao silang kaharap.
Kimi siyang napangiti, at sa kabila ng sakit na nararadaman niya sa mga paa niya ay lumapit siya dito.
Agad naman na hinawakan nito ang beywang niya ay niyakap siya habang iginiya siya sa mga naka-display sa mga glass case.
Ang unang nakakuha ng pansin niya ay ang mga tag na nakalagay sa mga 'yon, hindi na niya binilang kung ilang zero nga ba ang nakita niya basta ang alam niya ay madami.
Halos masilaw nga rin siya sa laki at kinang ng mga dyamante na naroon. Oo nga pala, dapat na niyang ibalik dito ang ibinigay nitong kwintas sa kanya. Sadya lang kasi na sa dami nang mga nangyari sa nakalipas na oras ng buhay niya kaya nawala din sa isip niya ang tungkol doon.
"Can you give us some recommendation for our wedding ring?" tanong ni Kreig sa sales lady na nakaantabay sa kanila.
The woman immediately give them a professional smile, nagsuot ito ng putting gloved dsks binuksan ang glass display at inilapag sa harapan nila ang iba't-ibang klase ng mga singsing.
BINABASA MO ANG
Imperial Series I: Kreig Gallego |The Mad Hatter|
ActionThe Mad Hatter it was a psuedo name for a powerful hacker that can do everything with just a tip of his finger. Kailangan ni Ayesha na mahanap ang hacker na 'yon para matulungan sila ng kapatid niya ma-decode ang isang listahan ng mga pangalan na na...