Chapter Two |Favor|

97 6 1
                                    

"BYE Teacher Ai!" nakangiting kumaway si Aisha sa huling estudyante na nasundo sa kindergarten ng mga magulang nito. Kung saan siya nagta-trabaho bilang isang school teacher.

Napabuga siya ng hangin bago siya bumalik sa loob ng classroom para magligpit ng mga nakakalat na mga ginamit ng mga estudyante niya kanina sa art class.

It's been a week simula nang makilala niya ang Mad Hatter, ah, he goes by the name Kreg Gallego.

Nang makauwi siya sa bahay ay saka lang niya nalaman kung sino nga ba ito. From that point on alam niya nang parang may mali.

That she managed to find tha Mad Hatter with just a little bit of searching, pakiramdam niya ay kilala siya nito. Samantalang alam niya iyon pa alng ang una nilang pagkikita.

She was not that dumb not to remember that kind of face. But the one thing that is lingering is the question 'why'. Bakit ganon na lang ang kondisyon na ibinigay nito sa kanya para lang sa gusto niyang ipagawa dito.

Nagtanong pa nga siya sa sarili niya kung ito nga ba talaga ang Mad hatter na hinahanap niya. That maybe he's just really playing with her, that somehow he was not acquainted with the Mad Hatter.

Ano pa nga ba kailangan nito kung lahat ay kaya nitong kuhanin sa yaman nito?

Base sa nakita niyang impormasyon sa Google, he was a famous tech magnate that have not just millions, but billion dollars, as his main company is located at the Silicon valley.

The man is barely twenty five years old pero nahanay na ang pangalan nito sa ilang mga sikat na pangalan sa business industry.

Kaya bakit nga ba ito mag-aaksaya ng panahon na lokohin siya at sabihing kilala nito ang Mad Hatter?

She blindly leap in faith, that was miserably fell down in a black hole.

Ngayon ay hindi niya alam kung ano pa nga ba ang magagawa niya para matulungan ang kapatid.

She knows that Ivy is into something dangerous, and there is also a high chance na mapahamak siya dahil sa ginagawa. Pero hangga't wala siyang nadadamay na ibang tao sa gulo niya ay handa siyang gawin ang lahat.

Matapos ng ilang araw na pinagisipan niya ang kondisyon ni Kreig, may isang bahagi ng isip niya ang nagtatanong kung paano nga ba niya tinanggap ang kondisyon nito may magbabago ba?

Pero oras na malaman ng kapatid niya ang ginawa niya siguradong papagalitan siya nito.

Hindi naman sa natatakot siya sa galit nito pero mahigpit na bilin ng kapatid niya sa kanya na wag siyang gumawa ng kahit na anong desisyon na maaring magpabago sa takbo ng buhay niya.

Lalo na kung masasaktan siya sa huli kapag ginawa niya 'yon.

Huli na rin naman kung magsusi siya, nauna rin kasi ang unit ng ulo niya kaya ay ganito ang kinalabasan.

Huminga siya ng malalaim, saka tinapos na ang pagliligpit niya bago niya tinungo ang sariling lamesa. Kinuha niya ang mga kailangan niyang gamit bago siya lumabas at i-lock ang classroom.

Tinungo niya ang parking lot kung saan nandoon ang gamit niyang scooter, hassle kasi para sa kanya ang mamasahe pa lalo na ang lunch hour ang madalas na labas niya kaya mahirap makakkuha ng sasakyan.

Pagkatapos kasi ng klase niya ay nagtu-tutor siya sa ilang mga elementary students na malapit sa kanya nakatira. Pagkatapos naman 'non ay volunteer siya sa isang charity organization na nagtuturo sa mga batang langsangan kinagabihan.

Simple lang ang buhay na meron siya, kung ikokompara 'yon sa kapatid niya, baka nga mas tamang sabihin na napaka boring ng buhay niya.

Pero mas ayos na rin 'yon sa kanya, siguro dahil na irn sa mga naranasana niya sa unang pagtapak niya sa bansang 'to kaya naman hinding-hindi niya pagpapalit ang buhay niya ngayon sa kahit na anong bagay.

Imperial Series I: Kreig Gallego |The Mad Hatter|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon