"FAMILY matters," simpleng dahilan ni Amari kay Isaac noong magpaalam siya dito.
"Sure, that's fine. Ilang araw kailangan mo?"
"Bale four days, babalik ako sa trabaho sa Wednesday. Pasensiya na, Isaac, ayoko sanang gawin ito pero something came up kasi."
"Ayos lang iyon, why are you apologizing?"
Amari wrinkled her nose. "Kebago-bago ko pa lang kasi e parang sinasamantala ko ang kabaitan ng boss ko."
Tumawa si Isaac, pinisil ang kanyang ilong. "Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin."
Eeeh! Why, Isaac? Whyyy?
"Are you sure everything's okay? Wala namang problema ang family mo?" concerned pang usisa ng lalaki.
Umiling si Amari. "O-okay lang kami."
"Do you need money? Puwede kang mag-cash ad-"
"Ha? No, no! Hindi naman ito financial emergency. Kailangan ko lang lumuwas talaga."
"Alright, I won't ask any more questions. I just want to make sure you're okay." Tatalikod na sana si Isaac nang may maalalang sabihin. "Just one more thing, nalaman kong nadukutan ka pala, kwento ni Jensen. Kelan ito, bakit hindi mo sinabi sa akin?"
Concerned nga talaga sa kanya ang lalaking ito. Ang sarap mahalin!
Maganda tuloy ang mood ni Amari sa gabing iyon. Pinaunlakan pa niya ang dalawa nilang staff na magsayaw sila sa dancefloor habang hindi pa madaming tao. Napansin niyang pinapanood pala siya ni Isaac habang nagsasayaw. Ginanahan tuloy siyang gumiling-giling.
Sinalubong siya nito nang bumalik siya sa bar counter, inabutan siya ng margarita.
"Ang galing mo palang sumayaw," parang manghang puri nito.
"Hindi pa ako lasing sa lagay na iyan," tumatawang pagmamalaki ni Amari bago sumimsim sa margarita. Strawberry, her favorite. Natandaan pala iyon ni Isaac nang minsan niyang masabi dito.
Okay na sana ang buong gabi ni Amari, kaso noong nag-hatinggabi, may dumating na sugo ng dilim.
"Look who's here," gulat at tila natutuwang sabi nito sa kanya nang makarating sa harapan ng bar counter. "Hello, Maria."
"Hello, Pedro. It's Amari, by the way."
"And I go by Pierre."
"Whatever. What can I get you, Pierre?" Binudburan niya ng sangkaterbang asim ang pagbigkas ng palayaw nito.
"Ano ba'ng malakas na inumin ang makakapagpalimot sa akin sa hindi magandang karanasan gaya ng napagkamalan akong snatcher?"
Umikot ang mga mata ni Amari. "Sorry, wala kaming drinks na nagku-cause ng amnesia. Pero puwede kitang pukpukin ng bote sa ulo kung gusto mo."
Tumawa si Pierre saka umupo sa stool. "I'd like a rusty nail, please."
Walang imik siyang nag-prepare ng inumin.
"May pasa pa rin hanggang ngayon iyong tagiliran kong sinipa mo," balita nito habang pinapanood siya.
"Ilang araw na iyon, ah," diskumpiyadong sabi ni Amari.
"Gusto mong makita?" Inililis nito ang suot na dark shirt.
Nabitiwan niya ang lemon peel na iga-garnish sana sa baso ng rusty nail. Kaloka. May nagdi-display ng abs sa harapan niya!
In fairness, ang ganda ng katawan pala ng impaktong ito. Ganda ng shape ng abdominal muscles, mukhang matigas...
"See that?" sabi ni Pierre, tumagilid para ipakita sa kanya ang pasa nito.
BINABASA MO ANG
Charmed Too Deep (COMPLETE)
RomanceGoal: Gayumahin ang lalaking crush na crush mo. Plot twist: May ibang nakiinom sa drinks na hinaluan mo ng gayuma.