Part 41

22.3K 735 53
                                    


** Softcopy is available for 550 pesos. See below for more details. ** 




SI Amari ang emosyonal nang manalo si Nicci sa Miss Universe. Ang chaka-chaka niyang umiiyak habang yakap-yakap siya ng kapatid. Iyon pa ang nakunan ng mga video at camera na kumalat sa news. Hindi na niya inintindi iyon. Ang importante, nanalo si Nicci. Napakasaya nito at walang hanggan ang pasasalamat sa kanya na para bang siya ang dahilan kaya ito nanalo. Amari reminded her that it was her beautiful heart that made her win the crown. Nicci was shining like a star and her warmth touched everyone. Paborito ito ng audience at ng judges. They were both intrigued and inspired by her story.

Pauwi na noon ang delegates ni Nicci pero mananatili muna si Amari sa India. Nandoon na rin lang siya, bibisitahin na niya ang Taj Mahal.

"Okay lang sa iyo talaga? Hahabol na lang ako sa victory party mo sa ATI, sa Sabado pa naman iyon," sabi niya kay Nicci habang tinutulungan itong mag-empake. "Uuwi din ako sa isang araw, promise."

"Okay lang, ano ka ba? You deserve a break, Amari. Habaan mo lang ang stay mo dito kung gusto mo. 'Andami mo nang pagod sa akin."

Kahit medyo stressful asikasuhin si Nicci ay na-enjoy naman iyon ni Amari for the most parts. Natutuwa siya at nagiging malapit na silang magkapatid sa isa't-isa.

"Saka para masolo din muna ni Mama ang spotlight kasama ka.

Medyo nakakaawa ding isinasantabi niya ang sarili sa pictures," aniya.

Tumawa si Nicci. "Alam mo namang drama niya lang iyan. Gusto niyang suyuin natin siya."

"Oo, nagtatampururot lang pero pagbigyan na natin."

Malaki ang nagbago sa pagitan nina Nicci at Lydia mula nang maaksidente ang una. Nicci blatantly told their mother she didn't want to be controlled anymore, and she would live her life, and manage her career the way she wanted. Wala namang nagawa ang kanilang ina kahit noong una ay isinumbat din nito ang mga sakripisyo para lang magabayan si Nicci at marating daw ang kinaroroonan nito ngayon.

Lydia never apologized to Amari, but they were acting civil around each other. Not that she was expecting an apology anyway. Ayos lang iyon sa kanya, pinapakisamahan na lang niya ang ina. Matagal na niyang tinanggap na hindi lahat ng mga tao ay kailangang harmonious ang samahan. Hinding-hindi siya magmamakaawa para sa pagmamahal. It is what it is. Masaya na siyang may dalawa siyang kapatid na nagmamahal sa kanya, dagdag pa si Pierre at ang pamilya nito. She was beyond lucky to have them in her life.

"Akala ko pa naman ay excited ka nang umuwi kasi antagal n'yo nang hindi nagkikita ni Pierre," tukso ng kapatid.

Noong masyado nang abala ang team ni Nicci para sa preparasyon sa pageant ay kusa siyang binigyan ng espasyo ni Pierre. Nakuntento lang ito sa paminsan-minsang text o usap nila sa phone. She appreciated that side of him, iyong hindi clingy na gustong solohin ang kanyang atensiyon. He let her breathe, move free, take it slow. He always let her shine on her own with his promise that he would always be behind her. At siyempre ganoon din siya para rito. Sa pansamantalang pagkakalayo nila ni Pierre ay napatunayan niyang hindi pala siya paladuda at nagger. She missed him a lot, but she felt at ease. Her man always made her feel she was the only one for him. His queen.

"Katatapos lang naming mag-usap sa phone actually, excited na rin siya sa pagpunta ko sa Taj Mahal. Two times na kasi siyang nakapunta doon," nakangiting sabi niya rito.

"Do you need money pala—"

"Loka, may pera pa ako. Kakabigay mo nga lang last week." Hindi niya napipigilan si Nicci sa pagbibigay ng pera sa kanya, kusa itong nagpo-forward ng cash sa kanyang bank account.

Charmed Too Deep (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon