Hello, hello! Patalastas po muna tayo. Available na po ang ebook o softcopy ng Seduce Me Now, Marry Me Later. You can still buy the premium paperback edition din po. Just message me if you're interested. Thank you for your support! ~ ML
"CAN we maybe sponsor the newly-crowned Miss Universe Philippines to attend Sinagtala's Pistang Nayon? After all, tagarito pala siya," mungkahi ni Pierre sa pamilyang kasama niyang kumakain sa isang restaurant.
Sabay-sabay na napatingin sa kanya ang mga magulang at nakakatandang kapatid. Natigil tuloy sa ere ang kutsarang isusubo sana niya.
"What?" sita ni Pierre. "Taon-taong sponsor ng pista ang Cabron Poultry."
"May masama ka na namang balak," pabirong sabi ng ama.
"Kilala ko ang kapatid niya, madali na lang silang ma-contact if ever. We can sponsor her a float on the parade, exclusive na Cabron Poultry lang ang ilalagay doon."
"That's actually a good idea," sabi ni Vince.
"Kausapin ko ang kapatid niya," excited na sabi ni Pierre.
"Si Nicci Forteza din ba iyong crush mong nanalo ng Miss Teen Sinagtala noon?" naalala ni Lucky.
Si Vince ang sumagot. "Siya nga, Mommy. Kaso hindi nalapitan ni Pierre kasi may tagahawi siya noon."
Muling nag-freeze sa ere ang hawak na kutsara ni Pierre. He remembered that night. Paalis na ng venue sina Nicci nang lalapitan sana niya ito, kaso may humawi sa kanya. Itinulak to be exact na muntikan na siyang matumba. It was a girl who did that to him. Samang-sama ang loob niya noon at inalo naman siya ng mga magulang. They promised him next time they will sponsor the pageant, para magkaroon daw siya ng chance na makipagkilala sa mga candidates.
He was about seventeen that time, skinny like a pole, with braces on his teeth, and with a face plagued with acne. Sa itsura niya ngayon, walang mag-aakalang siya rin ang binatilyong iyon. Unti-unti lang na nagbago ang itsura niya sa mga sumunod na taon. Niyaya siyang mag-gym ng kanyang Kuya, nakisama na rin ang hormones niya't tinantanan siya ng pimples, naging pantay-pantay na rin ang ngipin niya. It was then that he became well-built and good-looking and getting into dates became so easy. Most of them were beauty queens. Magkagayunpaman ay hindi niya naman ginagamit masyado ang impluwensiya ng sponsorship ng negosyo nila sa pageants. Nakikipagkilala na lamang siya sa mga candidates pag tapos na ang patimpalak.
"Hindi mo ba siya nakilala noong nanalo siyang Miss Sinagtala?" tanong ni Nick.
"Hindi po. Nasa Amsterdam yata tayo noon," sagot ni Pierre.
"Ay, oo. Kasal ni Arn at Hendrik noon," ani Lucky.
Susubo na sana si Pierre nang may maalala na naman siya. Natigil sa bandang bibig ang kutsara.
"Anak, okay ka lang ba?" nag-aalalang sita sa kanya ng ina. "Ayaw mo bang kumain? You need to eat, don't go starving yourself because of some stupid fad diet."
He was always been a Mama's boy. Protective sa kanya ang ina dahil sa pinagdaanan niyang insecurities noong bata pa siya. Hindi naman iyon minamasama ng kanyang nakakatandang kapatid dahil kahit ito ay protective din sa kanya.
"I'm okay, Mom," ani Pierre saka itinuloy ang pagsubo.
At ngayon ay naaalala na niya. Si Amari ang batang tumulak sa kanya noon! Pinag-isipan na naman siguro siya ng masama, para makikipagkilala lang naman. Ibang klase. Noon pa pala ay bayolante na ang babaeng iyon.
BINABASA MO ANG
Charmed Too Deep (COMPLETE)
RomanceGoal: Gayumahin ang lalaking crush na crush mo. Plot twist: May ibang nakiinom sa drinks na hinaluan mo ng gayuma.