Ordering of the softcopy for advance reading is now ongoing. Please proceed to the next part for the complete info. Thank you po sa inyong suporta! Sobrang appreciated ko. I've said sa previous update ay HIATUS na muna ang story na ito dito sa Wattpad. ~ ML
SABAY na napakunot-noo sina Amari at Pierre nang dumalaw ang huli sa kanyang day-off. Kumunot-noo siya dahil sa dalang gift bag ng lalaki, at napakunot-noo din siguro ito dahil sa kanyang reaksiyon.
"It's for you," ani Pierre nang hindi siya tuminag upang tanggapin ang paper bag.
"Louis Vuitton?" usal ni Amari.
Kinuha niya ang bag at inilabas doon ang gift box na naglalaman ng isang maliit na bag. It was a baguette, not in canvas but in black leather with embossed monogram pattern. Saglit na nagningning ang kanyang mga mata ngunit umiral ang nega side niya.
"Bakit mo ako binibigyan ng ganito?" tanong niya kay Pierre.
Lalong kumunot ang noo nito. "What do you mean? It's a gift, obviously. Kailangan bang may okasyon para magregalo?"
"Pero ang mahal nito!"
"And?"
Inilapag niya ang bag sa ibabaw ng kahon niyon na nasa sofa, pinigil niya ang sariling sulyapan iyon. Oh, my God. An actual Louis Vuitton bag and it was gorgeous as hell! Ewan lang kung hindi bumula ang bibig ng kanyang sosyalerang nanay kung makita iyon. Pero nakakakonsensiyang tanggapin gayong alam niyang galing ang bag sa taong nagayuma lang niya.
"Ganito ka ba talaga magregalo?"
Baka galante nga talaga ang impaktong ito. Binigyan nga siya ng Penhaligon perfume noong hindi pa niya ito nagayuma, hindi ba?
"Nagbigay ka rin ng ganitong bags doon sa mga ex mo?" tanong pa ni Amari.
"Oo."
"LV din?"
"I don't think so. Marc Jacobs at Tory Burch yata mga iyon. Hindi ko na maalala. I told you I have a personal shopper."
"What about Gucci? Chanel?"
"No, not those."
Nahiling niya na sana may binigyan si Pierre ng mas mahal na bag para hindi siya gaanong makonsensiya na tanggapin ang Louis Vuitton.
"Christian Dior ba? Prada?"
"No."
"Ay, so mga affordable or accessible luxury brands lang bigay mo sa kanila?"
"Bakit mo ba ako tinatanong ng ganyan?" dismayadong tanong ni Pierre at umupo sa single chair. "Ayaw mo ba ng bag na 'yan?"
"Because this is too... too extravagant!"
"Iyan ang napili ko dahil iyan agad ang lumabas noong nagsi-search ako online ng ireregalo ko sa iyo."
"'Di man lang iyong monogram canvass sana ang binili mo para mas mura konti dito."
"You know, that bag is called Favorite. Ako talaga ang pumili niyan, hindi iyong personal shopper ko."
Favorite? Dahil siya ang favorite girl ni Pierre? Just like the perfume he gave her, The Favourite.
Aaaw! Gusto niyang hawakan ang dibdib sa overwhelming emotion na umatake sa kanya.
Hindi umimik si Amari, sinilip ang paper bag at dinukot doon ang isang envelop at binasa ang laman na card.
BINABASA MO ANG
Charmed Too Deep (COMPLETE)
RomanceGoal: Gayumahin ang lalaking crush na crush mo. Plot twist: May ibang nakiinom sa drinks na hinaluan mo ng gayuma.