PAGLABAS ni Amari sa back door ng club ay natanaw niyang natutulog si Pierre sa driver's seat ng kotse nito. May kumurot sa kanyang dibdib. Gabi-gabing nagpupuyat ang lalaki para lang maihatid siya pauwi.
Maingat siyang kumatok sa bintana ng kotse at pagkakita sa kanya ni Pierre ay agad umaliwalas ang mukha nito. Just like that, parang gising na gising na itong nag-unlock ng passenger's door at nakangiting bumati sa kanya.
"Sabi ko naman kasi sa iyo sa hindi mo ito kailangang gawin, Pierre," nakokonsensiyang sabi ni Amari habang nagsusuot ng seatbelt.
"At ilang beses ko nang sinabi sa iyo na okay lang," nakangiting sabi nito. Ngiting agad na napalis nang napansin nito ang gloomy mood niya. "What's wrong?"
Umiling si Amari. "Wala. Tara na, start mo na ang kotse."
Nasa kalsada na sila nang magsalita uli si Pierre. "Are you tired?"
"Medyo," pagsisinungaling niya.
"Maybe you should take a vacation, kahit one week lang."
"Hindi pa ako masyadong nagtatagal sa trabaho para magbakasyon agad. Nakakahiya kay Isaac."
Napansin ni Amari na bahagyang nagusot ang mukha ni Pierre pagkarinig sa pangalan ni Isaac.
"Okay lang naman siguro iyon. You're working too hard, Amari."
"Look who's talking. Ikaw nga, may trabaho pa, pero nakukuhang magpuyat."
"My job is flexible. Wala akong problema doon, may assistant akong maaasahan. Don't worry about me."
Hindi ipinasok ni Pierre ang kotse sa bakuran nang makarating sila sa tirahan ni Amari.
"I want you to rest, okay?" bilin nito sa kanya.
Tumango lang siya.
"At kung mayroon mang bumabagabag sa iyo, puwede mong sabihin sa iyan sa akin kung kelan mo gusto. Hindi kita kukulitin. I know that you're a strong woman, but—... Amari, if you feel that everything around you is crumbling, I am here. I can be your rock, your solid ground. You can always count on me, I promise you that."
See that? Paano naman kasi mapipigilang mahumaling sa lalaking ito? Aside from making her feel like the most beautiful woman in the universe, he made sure that she knew how important she was. Not that she didn't know her self-worth, kaso mas lalong nadagdagan iyon. Pierre was beyond sweet and thoughtful. Nanganganib na talaga siyang ma-fall dito. O kung hindi pa ba.
Deny pa more, Maria!
"I know, thank you." Hindi niya napigil ang pag-crack ng boses. "You know that I always appreciate you, right? S-sorry kung hindi ko man nasasabi o naipapakita palagi."
Hinawakan ni Pierre ang kanyang kamay. "You're always appreciative, Amari. Alam ko, nararamdaman ko iyon."
"Buti naman." Pinilit niyang tumawa. "O, siya. Goodbye na muna sa ngayon. Matulog ka na agad pag-uwi mo, ha?"
"I will. Ikaw din, magpahinga ka agad."
Tiningnan ni Amari ang magkahawak na kamay nila ng lalaki. And it felt so right. So perfect. Parang buong pagkatao niya ang hawak nito, gayon din siya dito. He was giving her all of himself, trusting her, believing her.
Bakit ayaw na niyang bumitaw? Ayaw na niyang bitiwan si Pierre.
"You have to go, Pierre," hirap na hirap niyang paalam. "Late na masyado."
"Okay."
Ginawaran nito ng mabilis na halik ang likod ng palad niya. And when he finally let go of her hand, it felt like he took something from her. Something? No, everything.
BINABASA MO ANG
Charmed Too Deep (COMPLETE)
RomanceGoal: Gayumahin ang lalaking crush na crush mo. Plot twist: May ibang nakiinom sa drinks na hinaluan mo ng gayuma.