KABANATA 1

1.5K 20 0
                                    

KABANATA 1

Hindi naging madali para sa akin ang iwasan na magustuhan ang kaibigan kong si Lucas. Hindi ko alam kung bakit isang araw ay nagising na lang ako na may nararamdaman na pala ako para sa kaniya.

Salat ako sa pagmamahal at atensyon mula sa mga taong inaasahan ko na magbibigay ng mga iyon sa akin. Hindi ko kilala ang tatay ko at kahit kailan ay hindi ako pinakitaan ng pagmamahal ni Mama, kaya wala akong ideya kung bakit nakaramdam ako ng pagkagusto sa kaibigan, lalong lalo na kay Lucas.

Wala akong konkretong sagot. Basta ang alam ko lang ay payapa at masaya ang puso ko kapag kasama ko siya.

"Alam niya ba iyang nararamdam mo, Erem?" seryosong tanong ni Julie sa akin. Nandito kaming dalawa ngayon sa library para gumawa ng assignment, pero natuon ang atensyon ko kay Lucas na seryosong nagbabasa hindi kalayuan mula sa lamesa namin.

"Nararamdaman?" kunot noong tanong ko rin sa kaniya.

"Girl, matagal na tayong magkaibigan kaya halos kabisado na kita. Ngayon ko lang nakita kung paano ka tumitig sa isang lalaki. Gusto mo si Lucas at sigurado ako riyan." 

Nakaramdam ako ng pamumula at kakaibang kirot sa dibdib ko.

"Mawawala rin ito, Julie. Hindi kami bagay kasi mayaman siya at mahirap lang ako. Higit sa lahat, kaibigan lang ang turing  sa akin ni Lucas..." Ipinilit kong ikubli ang sakit na nararamdaman ko habang sinasambit ang mga katotohanang iyon.

Maraming dahilan para magustuhan ang isang Lucas Sandoval. Bukod sa mayaman ay likas na mabait at matalino siya. Idagdag pa na kilala talaga ang pamilya nila dahil isang sikat at magaling na doktor ang daddy niya at abogado naman ang mommy niya. Sa antas pa lang ng buhay ay walang wala na akong ilalaban.

Sa tuwing magkasama kaming dalawa ay palagi niyang pinararamdam sa akin iyong pag-aalaga na kahit kailan ay hindi ko nararanasan sa bahay. Isa siguro iyon sa mga dahilan kung bakit nagustuhan ko siya na siya namang pilit kong inaalis sa sistema ko.

Naputol ang pagtitig ko kay Lucas nang maramdaman kong sinipa ni Julie ang paa ko mula sa ilalim ng lamesa. Nakasimangot akong bumaling ng tingin sa kaniya habang nakaamba na sanang gantihan siya ngunit nagsalita ito.

"Palapit na si Lucas titig na titig ka pa rin. Halata ka na masyado girl," natatawang sabi niya sabay takip sa sariling bibig dahil sa hindi mapigil na tawa.

Bago pa man ako ulit makapagsalita ay naramdaman ko nang umupo si Lucas sa tabi ko at basta na lang dinantay ang ulo niya sa balikat ko. Tila naestatwa naman ako sa ginawa niya dahil sa gulat at talaga namang bumigat ang paghinga ko dahil nararamdaman ko ang mainit niyang paghinga sa leeg ko.

Namimilog ang mga mata ko nang tumingin ako kay Julie na mukhang nasisiyahan sa nakita niyang reaksiyon ko. Sarap sapakin ng kaibigan ko sa totoo lang!

"I'm tired Erem gusto kong matulog," sambit ni Lucas sa pagod na boses. 

"May klase ka pa ba? Umuwi ka na at magpahinga. Siguro nakipag-inuman ka na naman kagabi, ano?" saad ko naman sa kaniya.

Awtomatikong dumapo ang isang kamay ko sa ulo niya para haplusin iyon, bagay na parati kong ginagawa sa kaniya sa tuwing sinasabi niyang inaantok o kaya ay pagod na siya.

"Kaunti lang naman, Rem," tugon niya bago umupo nang maayos at bumati kay Julie na hanggang ngayon ay abot tainga ang ngiti.

"Let's talk later, hihintayin kita sa waiting shed," sambit niya matapos guluhin ang buhok  ko 'tsaka mabilis na umalis sa lamesa namin ni Julie.

"Ayieee! Kilig much iyang bff ko?" kinikilig na sabi kaagad ni Julie, dahilan para sawayin kaming dalawa ng librarian na hindi nalalayo sa puwesto namin.

Oppressed Wife's Runaway Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon