KABANATA 11

989 12 0
                                    


KABANATA 11

Kasunod ng malakas na sampal ay isang suntok naman sa sikmura ang natanggap ko kay Lucas. Halos mamaluktot ako sa sakit dahil sa ginawa niya. Sa mga oras na ito, bakas sa mukha ng asawa ko ang labis na galit at natatakot ako sa awra niyang iyon, kaya kahit masakit pa ang sampal at suntok niya sa akin ay sinubukan kong gumapang palayo mula sa kinatatayuan niya, pero sadyang mabilis si Lucas at kaagad niya akong nahigit pabalik sa harapan niya.

“L-lucas nasasaktan ako, ano bang kasalanan ko sa iyo?” utal at naiiyak kong tanong nang hawakan niya ako mula sa panga habang nakalupasay ako sa sahig ng kuwarto ko.

Puno ng pagtataka ang isip ko kung bakit nandito kaagad siya gayong ang alam ko ay nasa Italy siya at sa susunod na linggo pa ang balik niya.

Marahil ay nagsumbong ang mga magulang niya sa kaniya ng mga bagay na hindi totoo kaya dali-daling bumalik dito sa pilipinas si Lucas para lang saktan at parusahan ako. Sigurado ako na hindi sinabi ng mga ito ang totoo para mas gawin pa akong masama kay Lucas.

“You disobeyed my parents, Erem. Binastos mo sila!” bulyaw niya sa akin sabay sampal ulit.

“U-umuwi ako k-kasi hindi ako s-safe doon Lucas. N-nasasaktan ako, p-please huwag mo a-akong saktan,” utal kong sabi sa kaniya sa nakikiusap na boses.

Hila-hila niya ang buhok ko sa mga oras na ito patungo sa CR ng kuwarto ko, at kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko ay ayaw niya akong bitawan.

“What are you talking about? Ang sabihin mo lang, gusto mong umalis para maglandi. Binastos mo pa ang mga magulang ko! How dare you to do that, Erem?! Kaya bagay lang sa iyong saktan, buwisit kang babae ka!” nanggigigil niyang sabi sabay ngudngod ng mukha ko sa timbang puno ng tubig.

Halos takasan ako ng hangin sa katawan dahil sa ginawa niya. Halos ilang ulit na nilublob ni Lucas ang mukha at ulo ko sa tubig bago niya tuluyang binitawan ang buhok ko.

Habol hininga akong nakatingin sa kaniya at nakikiusap na tumigil na siya.

Umiiyak ako sa mga oras na ito pero dahil natatakot akong baka saktan pa ako asawa ko nang mas higit pa sa ginawa niya, sinikap kong huwag ipakita sa kaniya ang paghikbi ko. Bagkus ay isiniksik ko ang sarili sa sulok para magtago mula sa kaniya.

Natatakot ako kay Lucas dahil habang tumatagal na magkasama kami, mas tumitindi ang pananakit na ginagawa niya sa akin.

Hindi ko na alam kung hanggang saan tutungo ang pagsasama naming ito, at higit sa lahat, kung hanggang kailan ako magtitiis dahil lang sa pangako ko na hindi ko siya susukuan dahil mahal ko siya.

Nakakapagod na kasi.

Akmamg tatayo na sana ako para pumunta sa kabilang kuwarto nang hawakan muli ako ng mahigpit ni Lucas sa braso,

“A-ano bang kasalanan ko Lucas?” umiiyak kong tanong sa kaniya.

“Sinira mo ang bakasyon ko, Erem! Mommy called and told me that you had a fight with her at ang kapal ng mukha mo para gawin iyon! Dad also told me that you tried to seduce him, ang landi mo Erem nakakadiri ka!” saad niyang muli sabay sakal sa akin matapos akong itulak dahilan para tumama ang likod ko sa lababo na nandito sa CR.

“H-hindi iyon totoo! S-sinungaling sila Lucas,” nagsusumamo kong saad habang pilit na tumatayo mula sa pagkakatumba.

Pagod na pagod ang katawan ko dahil sa pananakit ni Lucas pero sinisikap kong makatayo nang sa ganoon ay makaalis ako sa kuwartong ito kung nasaan si Lucas, pero mukhang malabo dahil kaagad niya na naman akong hinila sa buhok dahilan para mapaangat ang tingin ko sa kaniya.

“Manang mana ka sa nanay mo Erem, malandi! Remember what I told you earlier? I will punish you, so be ready and prepared,” nakangisi niyang sabi ‘tsaka mabilis na pinunit ang suot kong dress at basta na lang akong itinulak pasandal ulit sa pader.

Halos manhid na ang katawan ko lalo na ang likod kong ilang beses ng tumama sa kung saan, pero walang tatalo sa sakit na iyon kumpara sa sakit na nararamdaman ng puso ko.

Ang sakit sa pakiramdam na halos hindi na ako maituring ni Lucas kahit bilang tao man lang sana.

Nakalulungkot na iyong taong minsan kong hinahangaan ay kinatatakutan ko na ngayon.

Nakakatakot dahil yung pagmamahal na pinanghahawakan ko ay unti-unti nang naglalaho at nawawala.

Ayaw kong dumating iyong araw na makaramdam ako ng pagkamuhi sa kaniya.

Nagagawa niya na akong babuyin sa paraan na alam at gusto niya at ang sakit-sakit no’n para sa akin.

Matapos niyang punitin ang suot kong dress ay isinunod niya ang panty ko. Gusto kong magmakaawa sa kaniya na tama na pero wala ng boses na lumalabas sa bibig ko at masyado ng pagod ang katawan ko para pigilan siya sa anumang balak nigang gawin.

“You ruined my vacation with Nikki, you disrespected my parents and you disobeyed me kaya tanggapin mo ang parusa ko, Erem! Kulang pa ito kung tutuusin!” nakangisi niyang sabi bago ako tuluyang hinalikan sa leeg pababa sa dibdib ko. Halik na puno ng galit at pananakit.

Kahit anong tulak ko sa kaniya ay wala akong magawa. Bukod kasi sa pagod ako, hawak ni Lucas nang mahigpit ang mga kamay ko habang nakasandal sa pader at binababoy ang katawan ko.

Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak na lang at hintayin siyang matapos sa ginagawa. Nagdarasal ako nang tahimik na sana makonsensya si Lucas o kahit man lang sana ay maawa siya sa akin, pero mukhang imposible dahil bigla niyang itinaas ang hita ko at walang harabas na ipinasok ang pagkalalaki niya sa pagkababae ko.

“T-tama na L-lucas,” umiiyak kong pakiusap sa kaniya pero sarado ang tenga niya sa mga pakiusap ko.

Matapos niyang makaraos ay parang lantang gulay niya akong itinulak muli sa sahig at basta na lang binuhusan ng tubig. Hindi pa man ako nakababawi ay sinipa niya ako sa sikmura dahilan para mapasigaw ako nang malakas dahil sa sobrang sakit.

“Masyado kang marumi kaya linisin mo ang pagkatao mo! It’s so nice to fuck you, by the way,” natatawa niyang sambit sabay kuha sa gunting na hindi ko alam kung saan galing.

“And to finish your punishment, Erem,” sambit ni Lucas habang sa gunting ang tingin.

“A-anong g-gagawin mo?” utal kong tanong na mukhang wala lang sa kaniya dahil hinila niya ang buhok ko at basta na lang ginupitan sa gitna.

Patuloy sa pag-agos ang luha ko kasabay ng pilit kong pag-agaw kay Lucas ng gunting, pero dahil mahina ako, hindi ko maagaw hindi ko siya mapigilan sa tuluyang paggupit sa buhok ko.

“Para hindi ka lumalandi, sisirain ko ang itsura mo Erem. Sabi ko naman sa iyo,  ‘di ba? Gagawin kong impiyerno ang buhay mo!” galit niyang saad pagtapos niyang guhitan ang mukha ko ng isang mahabang gasgas gamit ang gunting.

Ramdam ko ang hapdi at kirot dulot ng ginawa niya pero mas ramdam ko sa mga oras na ito ang labis na pagkahabag sa sarili kong talunan at kawawa sa kamay ng nag-iisang Lucas Sandoval.

“Ang sama mo,” tanging sambit ko nang hindi nakatingin sa kaniya.

“I don’t fucking care bitch!”

Oppressed Wife's Runaway Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon