KABANATA 13

962 14 0
                                    

KABANATA 13

“Stop dreaming and wake up, Erem! Hindi kita kayang mahalin. Never!”

Huling salita ni Lucas na paulit-ulit kong naririnig sa isipan ko at bumabalik sa alaala ko. Masyadong masakit para sa akin dahil mula pa man noong magsama kami matapos naming ikasal ay palagi na niyang sinasabi na hindi niya ako kayang mahalin kahit na mamatay pa ako.

Ako lang naman kasi itong si tanga at martyr na mahal na mahal siya, na kung tutuusin ay hindi na dapat dahil sobra na niya akong nasaktan at hanggang ngayon ay patuloy pa rin na sinasaktan.

Matapos naming mag-usap ay minabuti kong bumalik sa kuwarto ko at inumin ang gamot na kinuha ko kahit na wala pa akong kain. Walang wala ang sakit ng katawan ko kumpara sa sakit na nararamdaman ng puso ko dahil sa mga salitang binitawan ni Lucas na kahit madalas kong naririnig ay masakit pa rin talaga.

Minabuti kong matulog na lang ulit sa kuwarto ko matapos kong uminom ng gamot para na rin nang sa ganoon ay makapagpahinga ako at makalimutan ang sinabi ni Lucas kahit sandali lamang.

Kinabukasan ay nagising ako na halos parang babaligtad ang sikmura ko kaya naman kahit hirap akong kumilos ay nagmadali akong pumunta ng banyo para sumuka. Halos maiyak ako sa sakit dahil sukang suka ako pero wala akong mailabas dahil wala namang laman ang aking tiyan.

Halos yakap ko na ang inidoro habang nakasalampak sa sahig ng banyo at sinisikap pa ring sumuka at sa awa ng Diyos kahit papaano ay nakasuka ako at nawala ang pakiramdam na parang babaligtad ang sikmura.

Nakaramdam ako ng gutom matapos kong magsuka kaya naman kaagad akong bumaba sa kusina nang hindi iniinda ang sakit ng katawan. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko kahit paano kaya naman may lakas na akong magluto ng agahan para sa sarili at kay Lucas.

Palagi niya akong binubugbog pero kailanman ay hindi ko siya nakalimutang asikasuhin, kahit na sa huli ay balewala lang lahat ng ginagawa ko.

Matapos kong makapagluto ng normal na almusal at ayusin ang hapag ay sakto namang dumating si Lucas na walang emosyon ang mukha at kahit katiting na atensyon ay hindi ako tinapunan man lang. Sanay na ako dahil para naman sa kaniya ay isa lang akong hangin sa bahay at sa buhay niya.

Akmang uupo na sana ako sa hapag para kumain nang makalanghap ako bigla ng amoy ng kape, naramdaman ko na naman tuloy na halos parang babaliktad ang sikmura ko dahilan para magmadali akong pumunta sa lababo.

“Anong inaarte mo, Erem?!” iritadong tanong ni Lucas sa akin habang nakatayo malapit sa gilid ko. Abala siya sa paghalo ng kape niyang may matapang na amoy na naging dahilan para masuka na naman ako.

“Nasusuka ako,” mabilis kong tugon.

“Tsk!” inis niyang sabi bago naupo sa hapag.

“Prepare my clothes Erem, may lakad ako kasama si Dad!” masungit niyang sabi bago kumagat sa hawak na tinapay.

Dahil sa sinabi niyang aalis siya ay nagkaroon ako ng lakas na loob para umalis din sandali ng bahay. May gusto lang akong puntahan para makumpirma ang kung anumang gumugulo sa isipan ko sa mga oras na ito.

Plano ko sanang magpaalam kay Lucas kahit pa sigurado naman akong hindi siya papayag, pero dahil aalis naman siya, hindi na ako magpapaalam tutal naman ay gabi na siya kung umuwi kaya magagawa kong umalis ng hindi niya nalalaman.

Tanging pagtango na lang ang naging tugon ko sa utos niyang kahit hindi naman niya sabihin ay ginagawa ko. Simula naman kasi noong nagsama kaming dalawa ay nasanay na akong ihanda parati ang damit na isusuot niya sa araw-araw lalo na kung importante ang lakad niya.

Noong una ay nagagalit siya pero katagalan ay nasanay rin si Lucas sa ginagawa ko.

Kumain kaming dalawa ng almusal habang kapuwa walang kibo sa isa’t isa. Sinikap kong hindi na masuka dahil sa amoy ng kape niya dahil pansin ko ang masamang titig sa akin ni Lucas.

“Bye Lucas, ingat ka,” sabi ko kay Lucas nang makita kong papalabas na siya ng pintuan, at kagaya ng dati ay hindi niya ako pinansin. Bagkus ay sinamaan pa ako ng tingin. Sanay na ako pero palagi ko pa rin sinasabing mag-ingat siya sa tuwing aalis.

Kaagad rin akong pumanhik sa kuwarto ko matapos na linisin ang pinagkainan naming dalawa. Plano ko kasing ayusin ang buhok kong ginupit-gupit ni Lucas at buti na lang talaga ay may talento ako sa paggupit ng buhok.

Nagpunta na ako sa banyo at humarap sa salamin para gawin ang nais na gupit sa sarili. Ang dating hanggang balikat kong buhok ngayon ay naka-pixie cut bob style na sa tingin ko naman ay bumagay sa bilugang hugis ng aking mukha.

Nagsuot lang ako ng simpleng maroon overlap dress na pinatungan ko ng denim jacket, upang itago ang mga pasa sa braso ko na ipinares ko naman sa black na flat shoes.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at oras. Kaagad rin akong umalis ng bahay at pumunta sa plano kong puntahan. Hindi dapat ako abutan ni Lucas na wala sa bahay, dahil kung hindi bugbog na naman ang aabutin ko! Naglakas-loob lang talaga akong umalis dahil gusto kong kumpirmahin ang isang bagay tungkol sa nararamdaman ko.

Masakit pa rin ang katawan ko at hindi pa gaanong maayos ang pakiramdam ko, pero bahala na gusto ko ng makasiguro tungkol sa isang bagay at kung tama man ang hinala ko, sana maging daan iyon para maging maayos na ang lahat sa amin ni Lucas.

Kabado akong nakarating pinuntahan ko pero hindi ko alam na mas kakabahan pa pala ako lalo ng marinig ko na ang sagot sa mga katanungan ko.

“Congratulations, Miss Valderama,” nakangiting sabi sa akin ng kausap ko matapos kong magpaalam sa kaniya.

Hindi ko ginamit ang apelyido ni Lucas dahil ayokong may makaalam kaagad sa bagay na nakumpirma ko. Hindi ko planong isikreto pero komplikado pa ang lahat ng bagay kaya sa akin na lang muna ang bagay na iyon.

Kaagad akong lumabas sa silid niya dahil naglalaban ang laman ng isip ko at mas matimbang doon ang negatibo. Gusto kong maging masaya pero nasisiguro kong magiging dahilan iyon para mas itaboy pa ako ni Lucas dahil para sa kaniya ay balakid ako sa mga nais niya sa buhay.

Nag-aabang na ako ng taxi para sana umuwi pero bigla akong nakaramdam ng sobrang pagkahilo dahilan para muntikan na akong matumba. Buti na lang ay may isang lalaki nagmagandang loob na inalalayan ako at inabutan pa ako ng bottled water.

“Are you okay, hija?” nag-aalalang tanong ng isang lalaki na sa palagay ko ay kasing-edad lang ng daddy ni Lucas.

Sapo-sapo ko ang ulo ko nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko gaanong maaninag ang itsura niya dahil sa nanlalabo kong paningin dulot ng hilo.

Tinanong niya ang address ko dahil nag-alok siya na ihahatid na lang ako at dahil sa nararamdaman kong hilo ay pumayag naman ako, tutal naman ay magaan ang loob ko sa kaniya kahit pa hindi kami magkakilala ay ramdam ko na talagang mabait siya.

“Dito na po ang bahay ko, maramimg salamat. Ingat po kayo,” paalam ko nang tuluyang huminto ang kotse niya sa harap mismo ng bahay namin. Labis na lang ang gulat ko nang makita ang kotse ni Lucas na nakaparada rin at mas lalo pa akong kinabahan dahil na salubong ko ang masasamang titig niya sa akin.

“L-lucas!” kabado kong sabi sa utal na boses.

Oppressed Wife's Runaway Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon