KABANATA 12Hindi ko alam na nakatulog pala ako sa loob ng CR ng kuwarto ko at halos hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa sobrang sakit dulot ng pananakit sa akin ni Lucas.
Sinikap kong makabangon kahit pa pati pagkababae ko ay kumikirot, ginalaw pa ulit ako ni Lucas ng ilang beses bago niya ako tuluyang iwang mag-isa.
Wala akong laban at tanging pag-iyak lang ang nagawa ko habang umuulos siya sa ibabaw ko. Nandidiri ako sa sarili ko hindi dahil halos binababoy na ako ni Lucas kung hindi dahil hinayaan kong umabot sa ganitong pangyayari ang lahat.
Hubad ang buo kong katawan at halos puno ng mga pasa ang braso at mukha ko. Ang dating mahaba kong buhok ngayon ay sobrang ikli na dahil sa ginawa ni Lucas.
Hindi ko na maaninag ang dating ako at hindi ko na makita ang Erem na sinikap mabuhay nang matatag noon, dahil sa mga oras na ito, habang nakatitig ako sa salamin, isang babaeng labis na nasaktan at babaeng sugatan ang nakikita ko.
Wala na ang dating ako dahil naubos na halos lahat ni Lucas ang lahat ng mayroon ako.
Siguro kung hindi ko hinayaan noon ang nararamdaman ko na magdesisyon para sa sarili ko, wala siguro ako sa ganito kahirap na sitwasyon. Hindi na lang sana ako nangarap ng buong pamilya kasama si Lucas.
Masyado pa lang mapanakit talaga ang pagmamahal!
Walang tigil sa paglandas ang mga luha ko habang nakatingin pa rin sa harap ng salamin at ang tanging laman ng isip ko sa mga oras na ito ay tapusin na ang bagay na dapat ay hindi ko naman talaga inumpisahan.
Kung maibabalik ko lang ang panahon, hindi ko na lang sana ginusto ang kaibigan ko. Hindi na lang sana nahulog ang loob ko kay Lucas.
Hinang hina akong nagsuot ng pajama at malaking sweater pero gano’n pa man ay sinikap kong magtagumpay para takpan ang katawan kong puno ng pasa. Ayaw kong makita ang mga iyon dahil naaalala ko lang na masyado pala akong naging tanga sa pag-ibig na guni-guni lang naman pala para sa iba.
Gutom ako pero hindi ko kayang maglakad papuntang kusina dahil sobrang sakit ng likod ko na ilang beses humampas sa pader at lababo. Nasisiguro ko ring namamaga na iyon sa mga oras na ito dahil sa bugbog na naranasan ko mula kay Lucas.
Pinili ko na lang ulit ang matulog para nang sa ganoon ay hindi ko na lang din maramdaman lahat ng sakit. Ayaw ko rin munang lumabas ng kuwarto dahil baka makita na naman ako ng aking asawa at saktan ako.
Sa ikalawang pagkakataon ay nagising akong muli mula sa mahimbing na pagkakatulog, pero sa mga oras na ito ay inaapoy na ako ng lagnat at halos hindi na maigalaw ang katawan dahil sa sobrang sakit.
Nahihirapan man ako ay sinisikap ko sanang bumangon para nang sa ganoon ay makakuha ako ng gamot sa kusina, pero kaagad akong bumagsak sa sahig nang umikot ang paningin ko dahil sa labis na pagkahilo hanggang sa unti-unti akong nawalan ng malay.
Nagising akong muli na balot na balot ng kumot at kagaya ng kanina ay inaapoy pa rin ako ng lagnat.
Pinilit at sinikap kong bumangon kahit pa halos maiyak ako ng igalaw ko ang katawan dahil sa sobrang sakit ng likod ko, kailangan kong makainom ng gamot at kumain dahil baka matuluyan na ako kung hahayaan kong may sakit lang ako at nahiga sa kuwarto ko.
Wala namang magbibigay ng gamot sa akin at nasisiguro kong walang pakialam sa akin si Lucas kahit na dumaing pa ako sa kaniya.
Hindi na ako nagulat na gabi na ulit ako magising. Bugbugin ba naman ako nang sobra? Malamang ay makakatulog ako ng halos lagpas isang araw.
Dahan-dahan akong bumaba patungo sa kusina habang gumagabay na nakahawak sa pader at ganoon na lang ang gulat ko ng makita si Lucas sa kusina habang umiinom mag-isa.
Kaagad na nagtagpo ang mga mata namin kaya naman kahit nahihirapan ay sinikap kong humakbang paakyat muli. Natatakot ako nang sobra sa kaniya lalo na at umiinom na naman siya kaya ‘di bale nang hindi uminom ng gamot, huwag niya lang ulit akong saktan.
“Do what you want to do here, Erem!” dinig kong maawtoridad niyang sabi nang makitang paakyat na ulit ako.
Tumingin lang ako sa kaniya dahil sa gulat.
“Don’t make me repeat what I’ve said, huwag mo painitin ang ulo ko!” iritado niyang sabi dahilan para humakbang na lang ulit ako papuntang kusina kung saan nakaupo si Lucas habang umiinom.
Nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang drawer kung saan nakalagay ang first aid kit at mga gamot. Nagmamadali na akong makuha ang talagang pakay ko kasi baka saktan akong muli ni Lucas kung magtatagal pa ako sa harapan niya.
“Bakit nanginginig ka?” walang buhay niyang tanong sa akin na kaagad kong ikinagulat, “Why Erem?” tanong niya pa ulit.
“N-natatakot ako sa iyo, L-lucas,” utal kong tugon bago siya talikuran.
“Eat before you drink that medicine. Sigurado akong narinig mo ako, don’t make me repeat what I just said!”
Gusto ko sanang matuwa dahil sa tono ng pananalita niya na parang nag-aalala siya, pero alam ko sa sarili kong malabo siyang mag-alala para sa akin.
“H-hindi ako nagugugutom,” tugon ko sakanya habang nakayuko lang na nakatayo sa harapan niya.
“Hindi ka ba naawa sa sarili mo, Erem? Bakit hindi ka na lang lumayas at iwan ako?” puno ng galit niyang sabi dahilan para mapaangat ako ng tingin sa kaniya.
“Bakit hindi mo itanong sa sarili mo kung bakit hindi ka naawa sa kin sa tuwing sinasaktan mo ako? At bakit ako ang sinasabihan mong lumayas na lang at iwan ka kung una pa lang ikaw ang may choice na iwan at hiwalayan ako Lucas?” puno ng tapang kong tugon tungkol sa sinabi.
Napansin ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya habang nakatitig sa akin dahil sa sinabi ko, pero hindi ako nagpatinag at nilabanan ko ang masama niyang tingin.
“I told I will make your life like hell hanggang sa lumayas ka at hiwalayan ako,” walang buhay niyang sabi sabay lagok sa inuming alak.
“I saved you from issues and problems, Lucas. I helped you to save your reputation. Hindi ba iyon sapat para maunawaan mo kung bakit naging mag-asawa tayo?”
“Ang sabihin mo gusto mo lang ng pera mula sa pamilya ko!” si Lucas.
“Matagal na sana kitang pinerahan kung iyon lang ang pakay ko mula sa iyo, Lucas,”
“What is it if it’s not my family’s money, ga Erem?!” puno ng galit niyang tanong pabalik sa akin.
“Mahal kita kaya p-pumayag ako,” utal kong tugon dahil nag-umpisa na naman akong maiyak.
“Fuck that reason, Erem! Hindi kita mahal! Bakit ba masyado kang umaasa na mamahalin kita? You made my life miserable, alam mo ba iyon? You made everything about me miserable! I can’t date other girls because everyone knows that I’m married! I can’t go with someone because of this fucking marriage! Tangina Erem, tumigil ka na sa kahibangan na pagmamahal na ‘yan!” galit at pasigaw na sabi ni Lucas sabay bato sa hawak na baso na siyang nabasag malapit kung saan ako nakatayo, hindi ko tuloy napigilang mapaiyak muli dahil sa takot sa kaniya.
“Bakit ba masyado kang umaasa na mamahalin kita at bakit ayaw mong iwan na lang ako at lumayas sa pamamahay ko?!”
“M-mahal kita at h-hindi ako mapapagod na umasang b-baka isang araw paggising mo, m-mahal mo na rin ako. Minsan mo akong naging kaibigan at naging mabuti tayo sa isa’t isa. Ayaw kong iwanan ka dahil hangga’t kaya ko pang makita at makasama ka, handa akong tanggapin bawat suntok at sipa mo sa akin. Alam kong matagal pero sigurado akong darating ang araw at magkakaroon rin ako ng puwang sa puso mo, Lucas,” umiiyak kong sabi bago tuluyang humakbang muli pabalik sa kuwarto ko kahit pa hirap akong lumakad at kumilos.
“Stop dreaming and wake up, Erem. Hindi kita kayang mahalin. Never!” dinig kong malakas niyang sabi muli bago ako tuluyang makaakyat sa kuwarto ko.
BINABASA MO ANG
Oppressed Wife's Runaway
Romance"I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride!" The moment I closed my eyes for that first kiss, I suddenly remembered how I fantasized about marrying Lucas Sandoval. I recalled when I aimed to have a complete and a happy family and...